CHAPTER 11

12 4 1
                                    

"hindi ko alam" sagot ko uli habang nakatingin lang sa kisame

"sus kanina ka pa namin tinatanong ni Shaira kung gusto mo na hanggang sa pagtulog hindi mo alam yung sagot mo" 

Nakahiga na kasi kaming tatlo sa kama ko at handa ng matulog pero kanina pa nila ako hindi tinatantanan sa tanong nila.

Kanina pa rin nag tetext si Lyon pero hindi ko alam kung anong meron sakin bakit ko siya iniiwasan, ni ayoko ngang marinig yung pangalan niya simula nung umuwi kami

"too young, too dumb, to know things like love" kanta ni Mira habang nakapikit kaya napatitig ako sa kaniya

"what?" sabi ni Mira dahil nakita niya akong nakatitig sa kaniya

"watawat" agad na sagot ko kasi baka barahin ako

"puro ka ganyan Bri di mo nga masagot ng maayos tanong namin kanina"

"hindi ko nga alam"

"sure ka na ba diyan? hindi mo talaga alam? o ayaw mo lang aminin?"

kami lang ni Mira yung nag-uusap dahil si Shaira ay nagcecellphone lang at halatang nakikinig lang sa amin

"pst Mira" tawag ni Shai kay Mira "basahin mo"

"ano yan?" tanong ko dahil may pinapabasa si Shaira kay Mira at mukhang ayaw nila ipaalam sa akin

"luh ano to baka nakakalimutan niyong bahay namin to" sabi ko, dahil hindi talaga nila pinapabasa sa akin. Hindi ko tuloy alam kung picture ko ba iyon oh ano, pero sabi niya ay basahin daw? baka naman walang kinalaman sa akin

"hindi mo naman kami papaalisin noh, magagalit mama mo HAHAHA"

"para naman akong others" pagrereklamo ko

"check mo phone mo kanina pa nag cha chat si Lyon sayo hindi mo daw pinapansin"

"ay weh sinabi sayo?"

"obvious ba? nag rereklamo na yung pinsan ko dalian mo kasi ako yung kinukulit kanina pa"

Chineck ko nga at nakita kong tadtad ako ng chat

"i was watching"

"pst"

"san ka?"

"turuan mo ulit ako mag luto"

"are you mad?"

"i'll call you later"

Turuan ulit? para kanino naman? dun sa babae na kasama niya sa SM?

"oh ano sabi ng pinsan ko?" napatingin ako kay Shai dahil alam niya atang tinignan ko na yung chat ni Lyon

"turuan ko daw uli siya magluto" pairap kong sinasabi dahil naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis pero ayun talaga nararamdaman ko.

"oh ayon naman pala go na sis" sabi ni Mira pero hindi nakatingin sa akin dahil nanonood na rin siya Kdrama

Wait he's calling, wtf ano naman sasabihin ko ah shet

"hello avery?"

"oh"

"wews"

"wews?"

"may tao ba sa bahay niyo?"

"oo bakit?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cold eyes, Warm hugsWhere stories live. Discover now