𝐏𝐑𝐎𝐏𝐄𝐑𝐓𝐘 3

850 35 5
                                    

Yoshi Sage Marquez POV:

[SFX(soundeffects): Alarm Ringing]

Nagising ako sa ingay ng alarm clock
aagad kong pinatay ang alarm clock ko at tinignan ang oras. Fudge! 9am na!? Late na ko sa trabaho ko!

Napahilamos nalang ako ng mukha. Paniguradong galit na si Ma'am Tess, Palagi pa namang laging galit 'yun si Ma'am hehe, napagbubuhatan nya ako ng kamay minsan pero kaya ko pa namang tiisin.

Ayokong umalis bilang waiter doon dahil kailangan kong kumita ng pera para mabuhay at tsaka dahil may mga katrabaho akong kaibigan ko narin sa cafe.

Siya nga pala, Ako si Yoshi Sage Marquez, 19 years old. 5'3 ang aking height at hindi na tumangkad. Nakakainis nga dahil noong Grade 10 ay ako ang pinakamaliit sa amin. Sabi ng mga kaklase kong lalaki eh ganon daw talaga kapag bottom, ano ba yung bottom?

Sabi rin nilang maganda daw ako para sa isang lalaki na hindi ko naman masyadong binigyan ng pansin, binobola lang ata ako para bigyan sila ng papel kapag may test, lalo na si Gievan. Lagi nalang tumatabi sa akin kapag may test, manghihingi ng papel tapos makikita ko nalang na tinitignan na yung papel ko.

Tungkol nga pala sa buhay ko, 16 years old ako noong namatay si mama dahil sa sakit na lung cancer, si papa naman ay namatay noong ipinagbubuntis palang ako ni mama. Kasalukuyan akong nakatira dito sa inuupahan kong apartment, maliit ngunit maayos naman.

Kaya magmula noon ay nagtrabaho ako at dito ako sa cafeteria, bilang waiter ako natanggap.
Nagaaral parin naman ako at kasalukuyang 2nd year college na sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSED). Gusto ko talagang magturo.

Pumunta na ako sa banyo para makapagayos na at makapasok na sa trabaho, kahit na kinakabahan dahil si Ma'am Tess ay nakakatakot lalo na kapag galit ito.

Mabuti nalang at minsan ay hindi ko siya masyadong nakikita dahil nasa loob lang ito ng opisina niya. Ngunit minsan kapag nagkakasalubong kami at saktong bad mood ay sa akin nya ipinapalinis ang comfort room kahit na ang trabaho ko lamang ay isang waiter.

Hindi naman ako umaangal dahil binabayaran niya naman ang pagtatrabaho ko sa paglilinis ng Comfort Room.

Lumabas na ako sa apartment ko at ini-lock iyon, mahiral na at baka manakawan ako kahit na wala naman ng mananakaw hehe.

Pumara ako ng jeep papuntang cafe. Kalahating oras ang inabot ko para lamang makapunta sa cafeteria na pinagtratrabahuhan ko. Hindi ito ganoon kasosyal pero para ko na rin itong tahanan.

Pagpasok ko ay nakita ko ang dalawa kong mga kaibigan na si Ace at Kianne. Sila lamang ang mga gustong makipagkaibigan saakin noon dahil ang mga babaeng crew ay galit sakin sa kadahilanang hindi ko alam.

Sabi ni Ace cute daw ako at maganda para sa isang lalaki kaya daw galit ang mga babae dito dahil naaagaw ko daw ang atensyon ng mga kalalakihan dito.

Hindi naman ulit ako naniniwala dun dahil, oo maliit ako ngunit hindi naman ako cute at lalong hindi ako maganda. Isa pa, isa akong lalaki kaya paanong magiging mganda ako diba?.

"Yoshi! Buti naman at dumating ka na, bakit ka na late ha?" Sabi ni Kianne saakin kaya naman napangiti nalang ako dahil kita sa mukha nito ang pagaalala.

"Eto kianne. Medyo napuyat dahil nagreview pa ako. Anong balita habang wala ako?" Tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ma'am Tess is looking for you and she look likes a monster earlier Yoshi. Buti nalang at wala sya dito dahil dumating yung asawa nya" sabi naman saakin ni Ace. Well, sinabi ko na ba sainyong mayaman tong si Ace? Di ko nga alam kung bakit sya nandito at nagtratrabaho ganung pwede naman syang mag handle ng kompanya nila.

Demon's Property [BXB] (MPREG) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon