Narinig namin bigla ang bell kaya naman tumayo na kami. "Tara na. Gutom na ako." Saad ko.
Nag-si-ayos naman silang lahat maliban sa isa na nakahiga pa rin sa kamay nito.
Kinuha ko na ang isang box ng cookies na dala ko mula sa bag saka ibinigay kay Az. Siya tagadala eh.
"Ayon! May cookies tayo ulit." Sigaw naman nila kaya natawa na lang ako. Inakbayan naman ako ulit ni Nixxon pero hinayaan ko na lang rin. Nasanay na ako na palaging may nakaakbay sa akin eh.
"Paano yung si Axel?" Bulong na tanong ko sa kanila nang nasa pintuan na kami.
"Don't mind him. He's always like that." Napatango na lang ako saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Pagkarating namin sa cafeteria ay agad na namang umugong ang mga bulungan at naagaw ang atensiyon ng ibang mga kumakain din.
Pero dumeritso na kami sa may pila. Ayon nagsipila naman sila kaya maayos ang lahat.
Hindi katulad dati na pinagtutulak nila iyong mga nauuna at dumederitso na lang sa harapan.
"Wexrel, doon sa math... Ano nga yung exponent ng X doon sa may number five? Nalimutan kung isulat kahapon eh. Hindi ko pa tuloy nasagutan." Kamot-ulong tanong ko. Hindi ko naisulat ata kahapon.
"14 iyong exponent doon. Ang hirap nga mahanap ng final answer eh. Nakakatatlong try pa ako bago ko nakuha." Napatango-tango naman ako.
"Sige. Sige. Try ko mamaya kung masagutan ko." Sambit ko saka kinuha ang bigay ng chef na mainit-init pang pagkain. "Thankyou po." Sumunod na ako sa mga kasama ko na naghahanap ng mauupuan.
"Hoy! Umalis kayo diyan." Pagpapaalis ni Az sa mga nakaupo sa isang table kaya agad ko naman siyang siniko at sinamaan ng tingin.
"Diyan na lang kayo. Pasensiya na." Hingi ko ng paumanhin doon sa mga nakaupo saka naghanap ng pwede naming maupuan at nakahanap naman ako kaagad.
"Doon tayo oh." Turo ko sa may upuan sa gilid banda na bakanteng mesa at walang nakaupo.
Naglakad na kami papunta doon at agad naman akong naupo sa may gitna banda at nagsiupuan naman ang iba kung kasama sa ibang upuan.
"Az that's rude. Nauna na sila doon eh. Huwag mo ng gawin 'yon. Kapag sayo ginawa 'yon, diba mahihiya ka rin?" Nahihiya naman itong tumango.
"Sorry na. Huwag ka ng magalit." Ngumiti naman ako saka tumango at kumain na.
"Sabado na pala bukas. Parang bilis lang ng araw, no? Nang nakaraan ay lunes pa lang at hindi pa tayo masyadong magkakilala." Napatango-tango naman sila sa sinabi ko.
"Naalala ko pa noong first day mo, noong grade eight tayo. You really look like a scared kid while looking at us who's fighting." Tatawa-tawang asik ni Nixxon.
"Bigla-bigla na lang kayong nagsuntukan eh. Tapos ang sama-sama pa ng tingin niyong dalawa ni Axel sa akin noon parang susuntukin niyo rin ako." Mas lalo namang lumakas ang tawa niya.
"Because you're always interfering. Para kang naliligaw na bata." Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan lang talaga niya ako at pati na 'yung iba naming kasama na nakikinig sa amin.
Balak ko na sanang magsalita ng mag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko naman iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang si Daddy ay agad ko na itong sinagot. "Hello po?"
"Hey, are you eating now?"
"Opo."
"Good."
"Bakit nga pala kayo napatawag?" Tanong ko at sumubo ng fries.
BINABASA MO ANG
THE TEN MILLION BID (Volume 01) [COMPLETED]
ActionPhoenix Garrett Falcon never imagined himself drawn to someone so much younger, yet the auction purchase of a certain child changed his life in unexpected ways. Rin Saito Jimenez, the boy saved from the auction block by Phoenix, possessed a charm th...