PROLOGUE

26 1 0
                                    

This story is fictional. The scenarios you will read soon are made by the author's imagination. The places, events, people and dates mentioned are also fictional.

_______________________________________


"Mmm-hmm. Actually Dad, I'm on my way to memorial homes to visit Mommy, you know I really miss her. It's been a month since the last time I saw her lapida..." kwento ko kay Daddy.

"I miss your mother too, please paki sabi sa kaniya na miss ko na rin siya at mahal ko siya.." Tugon sa akin ni Daddy sa kabilang linya ng telepono.

My mom died 5 years ago because of brain cancer but my Dad's love are still living even if the person he love the most is resting at peace now.

"Okay Daddy!! see you later, I love you both!" paalam ko rito sabay baba ng telepono.

Malapit na ako sa gate ng memorial place ng bigla kong mapansin sa daan ang isang lalaking tila ba naglulugmok sa kalsada. Kasabay siya ng aking kotse sa pagpasok sa gate memorial ngunit ang pinagkaiba lang namin ay naglalakad siya habang ako naman ay naka sakay sa kotse. Hinintuan ko ito at binaba ko ang mirror ko para makausap siya na sumabay na sa akin dahil mukhang malungkot na malungkot ito.

"Hey! excuse me.." tumingin siya sa akin at mukha siyang iiyak na parang pinipigilan niya "Sorry, pero gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo? masyado pa kasing mahaba ang lalakarin mo dahil malaki itong memorial--" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at agad siyang sumige sa aking offer.

Sa backseat ko siya pinaupo. Habang umaandar kami, sinusulyapan ko siya sa rear mirror ko. May itsura siya at talagang halata mo sa kaniya na professional siya ngunit ang hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ng buhay niya.

"Pupuntahan mo rin ba ang Mommy mo?" tanong ko, sumaglit ako ng tingin sa rear mirror ko upang makita ang reaction ng mukha niya sa tanong ko. Nakita ko siyang napatingin sa rear mirror ngunit iniwas ko ang tingin at muling tinuon ito sa pagmamaneho at sa kalsada.

"Hindi, buhay pa nanay ko." masungit nitong sagot.

"Omg! sorry, akala ko kasi Mommy mo or parents mo 'coz you look so sad." nakatingin parin ako sa kalsada.

"Girlfriend ko." muli akong napatingin sa rear mirror at nakita ko siyang nakatingin sa labas. Kaya pala ganiyan ang itsura niya. "Girlfriend ko 'yung nakalibing dito." dugtong niya.

"Condolence.." tugon ko rito at hindi ko na tinuon sa rear mirror ang tingin ko dahil nagfofocus ako sa pagmamaneho.

Nanahimik ang paligid at mga ilang segundo ay muli itong nag salita. "Salamat sa offer mong sumakay ako sa kotse mo, ilang oras na rin kasi talaga akong naglalakad. Hindi ko rin alam kung bakit ako naglalakad eh."

"No problem!" tumingin ako sa rear mirror at nakita ko siyang nakatingin dito kaya't nginitian ko siya sabay tuon muli sa pagmamaneho.

"Anong pangalan mo?" tanong nito na agad ko namang sinagot.

"Jannah.. arabic name for heaven, as in langit." sagot ko.

Bigla nalang natahimik ang paligid kaya muli akong tumingin sa rear mirror at nakita ko siyang nakatingin sa labas habang umiiyak. Hindi ko na siya tinanong kung bakit, kasi baka kaya siya umiiyak ay dahil sa personal reason.

"Pwede bang samahan mo muna ako sa puntod ng yumao kong girlfriend?" bigla nitong tanong.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kahit na hindi ko naitanong ang pangalan niya at hindi ko pa siya nakikita sa tana ng buhay ko pero umaapaw ang awa sa aking dibdib kaya ako sumama sa puntod ng girlfriend niyang yumao. Nauna siyang lumakad papunta sa puntod ng girlfriend niya at nahuhuli ako dahil naka heels ako at hindi ko inaasahan na medyo malambot ang lupa sa lugar ng puntod ng girlfriend niya kaya't mabagal ang lakad ko dahil medyo lumulubog ang heels ko.

Malapit na ako sa puntod ng girlfriend niya ng marinig ko kung paano niya ito kausapin.

"Pasensya ka na mahal kung wala akong bulaklak ngayon, hindi ko alam kung bakit ako biglang naglakad papunta dito. Miss na miss na kasi kita" bigla na naman siyang umiyak "Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na.." malapit na ako sa tabi ng puntod ng bigla akong mapatigil sa sinabi ng lalake sa puntod ng girlfriend niya "Mahal na mahal mo talaga ako 'no? lahat ng pangako mo tinutupad mo, ang sabi mo sa akin kapag dumating ang oras na nababaliw na ako kakamiss sa'yo-- nandito ka sa tabi ko. kung ikaw man ang nagpadala sa babaeng Jannah ang pangalan. mahal, salamat at tinupad mo ang pangako mo." humagul-gol siya ng iyak at hinaplos haplos ko ito sa likod.

Nakita ko ang pangalan sa lapida at laking gulat ko dahil kapangalan ko ito at parehas kami ng spelling ng pangalan.

"Kaya ako umiyak kanina dahil ang pangako sa akin ng girlfriend ko noon na kapag nababaliw na ako sa kakamiss sa kaniya, tandaan ko daw ang pangalan niyang Jannah. Nung una hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin pero ngayon, nandito ka at asa tabi kita.." naka tingin siyang umiiyak sa akin.

Tinitigan niya ako sa mata habang bumubuhos ang mga luha niya.

"Jannah, you're an angel from heaven..." sabi niya sa akin na dahilan kung bakit bumuhos na rin ang luha ko.









My mom's favorite line is "You're an angel from heaven, my Jannah."







Home for Deaths
Memorial Place at Cynindre City.

Sieviete Debesis (A Girl named Heaven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon