(EDITED PART)
Elle Pov
Days and week had passed hindi pa rin ako maka move on sa nangyari. Palagi ko paring maalala ang gabing yun. Lalo akong nadidisappoint sa sarili.
Tatawagan ko na sana si Freya kaso biglang sumakit yung ulo ko. Dali dali akong pumunta sa cr dahil masusuka na ata ako. Buti may cr dito sa kwarto ko e kung hindi baba pa 'ko.
Bwakkk~bwakkk~
Argh anyari sakin?
Bumalik muna ako sa pagkahiga, hindi ko talaga makaya sa sakit ng ulo ko. Umiikot ang paningin ko kapag tumayo.
"Baby." Tawag ni mom sakin.
"Yes Mom?"
"What happened?" Tanong niya sabay bukas sa pinto.
"Ahmm medyo masakit po kasi ang ulo ko mom." Saad ko habang nakahawak sa aking ulo at unti unting bumangon.
"A-
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nakaramdam na naman akong masusuka. Agad agad akong pumunta sa cr.
Bwakkk~bwakk~
Naghilamos ulit ako at tiningnan ang repleksyon sa salamin.
Ba't ba kasi ako naduduwal aissh.
Kita ko ang gulat mukha ni mommy pagkalabas ko ng cr.
"Elle are you pregnant?" Napapitlag naman ako sa tanong ni mom.
"Ahh i-i d-dont k-know po." Garalgal kong saad habang hinihilot-hilot ang aking sintinido.
"Dito ka lang, hintayin mo'ko. May kukunin lang ako." Usal ni mommy at dalidaling lumabas sa kwarto. Napakunot noo ako. Ano bang kukunin niya?
Oh my pano kong buntis nga ako?!
Shit, f**king shit arrghh.
Bumukas muli ang pinto ng aking kwarto at iniluwa dun si mommy na may dalang maliit na puting bagay.
"Ito." Usal ni mom at may inabot sakin ang puting bagay. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong pregnancy test.
Nag-alinlangan pa akong tanggapin yun dahil natatakot ako na baka totoo.
"Sige na anak."
"But mom." Humikbi na ako.
"Don't worry, mommy won't be mad if ever you are pregnant." Ngumiti si mom sakin, saka ko pa tinanggap yung pt at pumasok sa loob ng cr para subukan.
Elle's Mother Pov
Kinakabahan ako kong ano ang magiging resulta. Di ako makapaniwalang mangyayari ito sa anak ko sa murang edad niya.
Ilang minuto lang ay lumabas nang muli si Elle galing sa cr. Umiiyak pa rin siya. Naawa ako sa anak ko. Kita ko ang panginginig ng kamay nya.
Oh my!
"M-Mom." Nauutal niyang bigkas sakin habang inaabot sakin ang pt. Nakita ko na ang dalawang linyang nakaguhit dito.
I know that she's pregnant.
Lumapit ako sa kanya at yinakap.
"Mom wag ka sanang magalit huhu" Iyak niyang saad .
"No. It's okay darling. " Usal ko sa kanya. Mali man pero kailangan kong tanggapin.
I am also a mother. And my daughter needs me.
Kumalas siya sa pagkayakap sakin .
"Thank' s mom." Pinunasan ko ang luha niya.
Back to Elle Point of View
Hindi ako makapaniwala buntis talaga ako.
Gosh!
Buti hindi nagalit si mommy.
That's why I love her.
"Elle, who's the father of your baby ?" Biglaang tanong ni mom.
Oh my!
"Uh~
"Tell me anak." I think I need to tell mom.
"Yung Supreme president po namin sa school, mom." Pag-aamin ko.
"Ipapaalam mo ba ito sa kanya?" Tanong pa ni mommy.
"I don't know mom." Wala sa sarili kong saad.
"You need to rest Elle." Anas ni mom .
"K mom."
"Bukas ka nalang pumasok sa school." Saad niya at hinagkan ako sa noo bago lumabas.
*Sigh*
Wala na akong magagawa dahil andito nato. Ang dapat kung gawin ay magpakatatag para sa aking anak.
Unti unti ng bumigat ang talukapkap ko at tuluyan na akong nakatulog.
To be continue..
A/N : EDITED.
Z O M B I E D E D G E.
YOU ARE READING
That SSG President
Dla nastolatkówSiya si Elle na isang 17 years old na nabuntis ng kanilang president sa school. Date Started: March 14 , 2021 Date End: August 20 , 2021