10

178 14 5
                                    

"Akala ko tayo lang rito?" Alanganin kong tanong sa kanya. Nang maibaling ko ang aking tingin sa dalawang babaeng naroroon rin ay naging pilit ang aking ngiti lalo na nang magtama ang aming tingin ni Matilda.

I saw her eyebrow raising a bit ngunit hindi naman ito nagsalita. Sa halip ay binalingan nito si Faye na may magiliw na ipinapaliwanag rito.

I didn't know they were friends. Ngunit doon nga rin pala nag aaral si Matilda. Nawala lamang iyon sa aking isipan.

Napalunok ako.

“It's okay. She won't talk,”

“Sigurado ka?”

“Tara na lang sa loob.” Kinuha ni Erish ang aking bag at ipinasok sa kanyang silid. His right hand was on my arm as he gently guide me inside his room. Mas lalo pa akong nailang dahil nga nararamdaman ko ang pagsunod ng tingin ni Matilda sa amin.

“She's friends with them," hindi ko napigilang tugon, hindi kaagad mawaglit sa'king isipan ang tungkol roon.

“It doesn't matter.”

“It does!”

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at mas lalong kinabahan. Pinanuod ko siya habang inilalapag sa lamesa ang aking bag.

I saw him sigh. “And she's friends with my sister too. It's okay, love. Huwag kang mag alala.”

Despite his assurance, hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Matilda Borromeo, she's a childhood friend of the Puntavegas. Hindi naman sa takot akong malaman nh mga Puntavega ngunit nakakakaba na baka biglang makaabot ang bagay na ito sa aking nga magulang.

I was never close with them. We knew each other, yes. Sometimes we pretend that we don't but that's just about it. Those people, they are too high profile but at least we are civil. They knew me as my parents work for their family ngunit sa eskwelahan ay wala namang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. Ang mga Puntavega, they are not someone who shows how wealthy they are. I doubt if a lot of students in our school actually knows how powereful they are too. Some, maybe or baka inisip na lang nila dahil it's not a secret that some family own shars from the school at karaniwan naman ring may kaya ang mga naroroon. 

I greet them casually. Sometimes I don't. I guess we all prefer to stay a low profile ngunit may mga pagkakataong hindi ko maiiwasan na hindi sila batiin.

There was a time I accidentally broke Aedree's phone because of my clumsiness. I had to buy him a new one dahil siguradong mapapagalitan ako kung sakaling makarating iyon sa aking mga magulang.

“Hey,”

Napatingin akong muli sa kanya ng marinig ko ang kanyang tinig. He looked concerned a bit kaya naman bahagya akong nahiya rito. Ang nais lamang naman nito ay makasama ako ngunit ako itong palaging kabado.

“Stop overthinking. Everything will be fine, okay?”

Tinitigan ko ang kanyang mukha and for some reason, my insides felt calmer.

“If you're not comfortable being here, how about we go outside then?” alok nito. Nang bumaling ito upang muling kunin ang aking bag ay bigla ko itong pinigilan.

A long sigh escaped my lips.

“Sorry. Don't mind me. It's okay. Dito na lang kayo,” turan ko na lamang.

Ano naman kung sabihin ni Mattee sa mga Puntavega? Hindi naman siguro madaldal ang mga ito. 

Hindi man sigurado ay iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isipan.

“What do you want to do?” tanong ko rito.

Umupo si Erish sa aking tabi ngunit napansin ko pa rin ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay.

“Are you honestly asking me that question? Kung sakaling sabihin ko ba...” Hindi na nito itinuloy ang balak na sabihin but I recognized the playfulness in his tone.

Kaagad na namula ang aking pisngi habang mabilis na kumalat ang samu't saring emosyon sa aking kaloob looban.

Tila ba hinahalukay ang aking sikmura at napaiwas kaagad ng tingin rito. I felt him move habang ako naman ay napausod.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. It was as if it was on a race. Para itong may hinahabol na kung ano kaya naman maging ang aking paghinga ay tila kinakapos na.

“Ano'ng ginagawa mo?”

“May gusto ka bang gawin natin?” It was obvious that he was teasing me.

Napalunok ako kaagad. Base sa itsura nitong, mukhang natutuwa itong asarin ako.

“Usod nga. Layo ka muna, ang baho mo kaya. Hindi ka pa ba naliligo no?”

Pinagtaasan ako nito ng kilay. “Is that an invitation?”

Hindi ko na namalayan na nakaangat na pala ang aking binti sa mismong kama and unconsciously ay napapausod na rin ako.

“W-what are implying again?” nauutal kong tanong but I knew. Sa tagal naming magkasintahan, kabisado ko na rin ang mga pagbitiw bitiw niya ng mga ganoong salita. He likes teasing me at sa tuwina ay hindi ako nananalo.

“Akala ko inaaya mo akong mag shower ulit. Though I just had one before I fetch you but I don't mind having another kung sasabayan mo ako,”

Sa narinig ay mabilis na nag init ang aking tengga at halos masunog na rin sa init ang aking pisngi. Hindi ko ito napigilang hindi hampasin sa braso. “Ikaw talaga! Why do you always tease me?”

Mula sa kaninang pasimpleng paglapit lapit nito ay napahiga ito sa aking gilid at natawa ng malakas. “Youre cheeks are red again, love.”

Nakahiga na ita sa aking tabi kaya naman hindi ko napigilang hindi mapatitig rito. Sumandal ako sa head board ng kama habang ang isa ko namang kamay ay sinuklay suklay ang kanyang buhok.

“Are you hungry? Ipagluluto ulit kita,”

Kaagad akong napangiti. I remember the last time I was here ay ipinagluto niya rin ako.

“May bago ka na naman bang pinag aralang lutuin?”

“I decided to study all of your favorites para mas marami kang makain kapag kasama mo ako,”

Para na namang nayanig ang mundo ko sa kanyang tinuran. As always, Erish never stops in making me feel love and important. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. Palagi na lang kasi kaming nagkikita ng patago.

“Ahm, how about we go on a trip sometime? Three days and two nights? What do you think?”

Bigla ay napabangon ito mula sa pagkakahiga at tila ba nagulat. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nito kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili at humagikgik.

He looks so adorable.

“Are you serious?”

Napaupo na kaagad ito at mabilis na hinawakan ang magkabila kong kamay.

Mas lalo akong natawa. Para siyang bata na napangakuan ng laruan! Mahahalata mong excited ito na kulang na lamang ay magsimula ng magtatalon sa kama kaya naman mabilis akong tumango.

“Yes! I'm going to find a good place!” Iyon lamang at tumayo na ito para kuhanin ang laptop na nakapatong sa kanyang lamesa.

Hindi pa naman sana ngayon pero he look so eager kaya ayaw ko ring sirain ang kaligayahan niya.

Isang malawak na ngiti ang kumawala sa aking labi habang pinapanuod siya.

Hindi ko pa alam kung paano ako magpapaalam but if I have to lie to my parents just so I can make him happy, then I'd take that risks.



ERISH (PS:Sidestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon