Chapter 16

22 5 0
                                    

Kezrian point of view*

MAGGAGABI nang makarating ako sa H.O ng makapasok ako sa loob agad akong naupo sa sofa. Napatingin ako sa itaas ng makita ang apat na agad na nagsibaba. "Anong nangyari sayo Blood?" agarang tanong sa'kin Colen. Si Colen ay si Shadow,Si Monica ay si Rose, Si Akiera ay si Daredevil,Si Sharah ay si Luna at si Samishka ay si Red, bukas na pala siya ililibing.

"Wala ito." At ngumiti ako sakanila. Sabay-sabay silang nagkatinginan bago tumingin saakin.

"Kilala ka namin Blood. Hindi ka gan'yan ka tamlay."Ani ni Daredevil.

"Tulad nga ng sabi mo Daredevil kilala niyo ako..pero problema ko ito..sa'kin lang 'to." bumuntong hininga sila.

"Gusto mo ng kape?" offer ni Rose.

"sige lang." Tumango siya't nagtungo sa kusina. Nagsi-upuan ang tatlo sa harapan ko.

"Anong balita? Safe ba ang lahat ng tao sa burol ni Red?"

"Ang lahat ng tao sa mansion ng Haponilla ay nasa ayos at wala naman kaming nakitang kahina-hinala maliban nalang kay Devil.."napaayos ako ng pag-upo.

"Anong napansin niyo kay Devil?"tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo bago ngumisi sa'kin."Hinahanap ka." biglang singit ni Rose sakaniya ako nag-angat ng tingin na dala ang kapeng kaniyang tinimpla.

"tss."napailing akong napakamot sa noo ko.

"Bukas ang libing.." isa-isa ko silang tiningnan."dapat may nasa harapan na magbabantay..ako ang magbabantay kila Mr and Mrs. Haponilla."

"Ako nalang 'yong nasa harapan..ako nalang magbabantay doon." tumango ako sa sinabi ni Luna.

"Dalawa kami ni Luna." ani ni Rose.

"Dalawa kami ni Shadow sa likod."tumingin ako kay Shadow at Daredevil.

"Sigurado kayo?" tumango silang dalawa.

"Andoon naman ang Dragon Warrior, eh,"napangiwi ako sa kalandian ni Daredevil.

"Malinis ba ang kwarto ko?"tumango sila kaya tumayo ako.

"Matutulog na ako.Matulog narin kayo."

"Ohoo!"sagot nila.

Humakbang ako paakyat sa kwarto ko kasabay no'n ang pagpihit ko sa doorknob ng kwarto ko. Nang makaupo ako sa kama doon ko napansin ang ibang klaseng tibok ng puso ko.

Hindi..Hindi ko siya gusto.. Hindi ko papatulan ang tulad niya.

K√

NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa pisnge ko. Bumangon ako at nag-unat-unat, uminom ako ng tubig tulad ng ginagawa ko sa paggising ko. Dito sa H.O kumpleto dito, may kusina, cr, kwarto at mga gamit tulad ng mga damit. Tumayo ako at dumeretso sa cr para maligo, kasi kanina ko pa naririnig ang pagbubunganga ni Daredevil.

After 15minutes...

Bihis na ako ng damit kong white at jeans kong black suot ko narin ang mask ko at boots ko. Binaloob ko sa boots ko ang baril kong berretta 92.lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan.

"Tagal mo." reklamo nila Luna.

"Tara na." nauna akong naglakad.

"Wala kang dalang motor." sambit nila Shadow.

"Meron." at ngumisi akong naglakad palapit sa bodega namin.

"See? Meron." nakanganga sila sa akin.

Tagal narin ang panahon at taon simula ng sinakyan ko 'to si Daddy pa ang nagturo sa akin magdeive nitong racer na'to.

"Tara na mahuhuli na tayo." pukaw ko sa katahimikan at inistart na ang makina.

Devil point of view*

KANINA pa ako naghihintay sa pagdating ng BBG pero hanggang ngayon ay wala pa sila ilang sandali nalang mag-uumpisa na ang pagbaba nila kay Red at ilalagay na siya sa kotse sa maghahatid sakaniya.

"And'yan na sila Devil." ani ni Rain.

Naunang huminto sa harapan ko si Shadow bago ito bumaba, sumunod si Luna at Rose na nakangisi sa isa't isa, bago si Daredevil at Blood. Medyo gulat pa ako sa racer niyang bago makintab ito pero  kapansin-pansin ang design nitong 'K' sa gilid ng ilaw nito.

"Napatunganga kana naman  sa akin Devil." panguna ni Blood at nilampasan ako.

Sakto naman ang pagbaba ng mga guard kay Red. Dahan-dahan nila itong pinasok sa loob ng kotse.


Nakababa narin ang family Haponilla at pumwesto na sila sa likuran ng kotse para mag-umpisang maglakad.

Nag-umpisang tumunog ang kantang "I love you, Good bye" ni Juris.

Nag-start ang paglalakad ng mga tao ng umandar na ang kotse. Hindi naman sila mapapagod dahil malapit lang cemetery dito. Nagulat ako ng may tumabi sa akin.

"Masyado kang tulala nakakatakot ka baka mamaya bigla ka nalang bumagsak d'yan sa kinatatayuan mo." bigla niyang sabi.

"Hindi naman ako gano'n katanga."inis kong sagot.

"Medyo lang diba?" tinaas-taas niya ang noo niya sa akin.

NATAHIMIK nalang kami ng lumiko na ang kotse. Malapit na kasi kami sa cemetery. "Siya 'yong katulong ko sa lahat, eh, siya pa nauna."ani ni Blood.

"Ibig mo bang sabihin na dapat hindi nauna na dapat sila Shadow, Luna, Rose at Daredevil nalang?" sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi..dapat ikaw nalang 'yong nauna...para masaya ako ngayon."pang-aasar niya

"Nakakainis kana ha!"

"Ingay mo.." Nauna siyang naglakad sa harapan dahil huminto na ang kotse. Nilabas na nila si Red at binuhat hanggang sa ikatlong puntod.

LAHAT kami nakadungaw ng unti-unti itong binaba sa lupa. Nakikita ko sa mga BBG member ang luhang pinipigilan nila maliban kay Blood na nakatingin lang kay Red at walang emosyon itong nakadungaw.

Nakaramdam ako ng isang tingin sa gilid ng mata ko na agad ko itong hinanap pero wala ni-isa akong nakita. Isang hangin ang nagpahinto sa akin kasabay ng slow motion na pagtumba nila Rose at Luna. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Blood sa pagkatumpa ng dalawa. Nagkagulo na ang mga tao na agad na binantayan nila  Fire para masiguro na walang matatamaan sakanila. Mabilis nahugot ni Blood ang baril niya sa boots niya at itinaas ito.

"KNIFE!" Tatlong putok ng baril ang narinig namin sa tindi ng galit na nakikita ko kay Blood ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit na parang gustong pumatay nito.

Ngayon lang ako natakot sakaniya ng ganito. Ngayon ko lang nakita sa mga mata nito ang matinding galit. Nagulat kami sa sumunod niyang ginawa. Binaril niya ang puno ng mangga na agad na may nahulog na tao.

Isa ito sa Royalties...

To be continued...

Secretly Gangster√Where stories live. Discover now