Shana's POV
Nagmamadali akong pumunta sa cafeteria. Hay naku! Baka hanapin na ako ng tutee ko. Yes, i'm a tutor pero student pa ako. We have this so-called project kasi sa Science na tuturuan namin ang nasa lower section para na rin maincrease ang grades nila and for us to have a bonus points.
"Kanina ka pa ba?"tanong ko kay Xander
"Ahm, hindi naman. Tara simulan na natin"sabi niya
Iyan ang gusto ko kay Xander dahil pursigido siyang tumaas ang grades niya iba sa mga taga-lower sections na tinutulungan na nga, tamad pa rin. Para bang ayaw nilang tinuturuan sila, nagmamarunong eh! Nakakabwisit nga eh! Sa sports lang naman sila magaling!
Kaya ayun nagsimula na kami sa aming tutorial session. Kinagabihan, nagtext siya.
From:Xander
Hi Shana! Happy Valentine's Day nga pala!
Napangiti ako do'n. He's really sweet.
To:Xander
Happy Valentines, din! May date ka?
Agad namang nagreply siya. Wow! Daming load ah?
From: Xander
Wala, nandito lang ako sa kwarto ko.
Weeeh? Ang dami nga niyang gf! Nakwento niya sa akin na naka-15 gfs na siya. Akala ko nung una nagbibiro lang siya pero totoo eh! Nilista pa niya lahat sa akin ang mga pangalan! Tinanong ko ang ibang babaeng nailista niya at oo nga! Naging sila!
To: Xander
Weeeh? Ang bilis mo ngang magka-gf
Agad namang nagvibrate ang phone ko.
From: Xander
Oo nga! Punta ka dito sa bahay ko. May assignment pala ako, tulong naman! Ikaw lang ang makakatulong sa akin
Aww :"> nagbihis lang ako ng jeans and t-shirt at lumabas na. Sa kabilang village pa kasi siya eh.
Ding...Dong..
Bumukas agad ang gate nila. Ang yaman talaga ni Xander!
"Bilis ah!"natatawang sabi ko
Ngumiti lang siya at pumasok na sa loob. Automatic pala ang gate nila! Wow! Ni-lock niya ang pinto ng maraming beses. Iba na talaga pag mayaman! Takot manakawan!
"Grabe naman iyan! Wala na talagang magnanakaw ang papasok dito"sabi ko
"Wala naman talagang papasok, lalabas pa meron" medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero binalewala ko iyon
"Teka, bakit ang tahimik ng bahay niyo? Nasan ang mga parents mo?"tanong ko
"Ahm, may business trip ang parents ko. Ang mga maid naman, day-off nila ngayon kasi nga di ba, Sunday ngayon?"sabi niya
"Oww. Hindi ka ba nalulungkot?"tanong ko
"Hindi na ngayon"sabi niya
"Uhm, yung assignment mo, asan?"tanong ko
"Nasa kwarto. Tara?"sabi niya
Medyo kinabahan ako do'n. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Uhm, di ba pwedeng dito na lang tayo sa sala?"tanong ko
"Walang computer rito. Magreresearch tayo"sabi niya
Oo nga naman. Kaya pumunta na kami sa kwarto niya. Wow! Ang lawak ng kwarto niya! Inilock niya ang pinto ng tatlong beses. Wow! Masyado bang private ang assignment niya ha? Hahahahaha.