CHAPTER I

7 0 0
                                    

Three years ago,  my sister finally introduced his fiancee to us.  Hindi ko alam ang nangyayari sakin pero right at that moment, nagkasala ako.

I fell in love. Right.

Isa akong istupidang babae na nagmahal ng taong may nagmamay-ari na. Mahal ko ang kapatid ko kaya di ko magagawang agawin sa kaniya ang fiancee niya. Kuntento na akong masulyapan ito sa malayo.  Hindi ko maakong mang-agaw lalo na't mahal na mahal siya ng kapatid ko.  At mahal ko ang aking kapatid.

Maybe, I need to find a man I can call my own.  Para di na ako mahihirapan pa sa ginagawa kong 'to.

"Ada, paki-abot nitong envelope kay Shan please andon siya sa office niya sa itaas. Listahan iyan ng mga dadalo sa kasal. Hindi ko iyan maihahatid sa itaas kasi may ginagawa ako." sabi ng ate ko sabay abot sakin nung isang envelope.

Nabalik ako sa realidad. Sa realidad na wala na talaga akong pag-asa pa kay Shan.  Okay lang.  I'm happy for him.  And now?  Inutusan pa ako ni ate Aya na ibigay ang envelope na hawak niya kay Shan.

I guess I had to do this.  I have to face him, again.  Gusto ko sanang hangga't maari ay hindi ko na makita ang pagmumukha ni Shan.  Kasi sa tuwing nakikita ko siya, napakahirap sakin ang kalimutan ang pagmumukha niya. Parang bumabalik lahat ng pagmamahal ko. At yun ang hindi pwedeng mangyari.

I heaved a sigh. 

"Opo ate,  ihahatid ko 'to kay Kuya."

Kinuha ko yung envelope at tinungo na ang second floor ng aming bahay.  Pansamantala kasing dumito sila ate sa bahay namin para matulungan namin sila sa paghahanda ng kanilang kasal. 

Inipon ko lahat ng kakapalan ng mukha ko na katukin ang kwarto nila ni Ate. 

"Come in"

Narinig ko na naman ang boses na iyan.  Ilang buwan ko na bang hindi narinig ang boses na iyan. One? Five?  Ten? Di ko na alam.  Umalis kasi ako dito sa bahay.  Ayokong makita ang pagmumukha ni Shan.

Nakapasok na ako sa kwarto.  Ilang hakbang lang ang nagawa ko nang makita ko na ang bulto ng lalaking minahal ko noon sa malayo. 

"Hon, pakilagay na lang ng envelope sa table ko may tinatapos pa kasi akong trabaho" sabi ng kuya ko habang may itinitipa sa laptop niya. 

Akala siguro niya ako si Ate Aya.

"Uh. Kuya excuse me, ilalagay ko na lang dito ang envelope.  Aalis na po ako." wika ko at inilagay na ang envelope sa lamesa.  Pagkatapos, tumalikod na ako at humakbang papalabas. 

"Ada.... "

I froze.  Di ko alam anong gagawin ko.  Hahakbang ba ako papalayo o haharap sa kaniya.  Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya after that incident. 

Isang taon na matapos ipakilala ni ate Aya ang fiancee niyang si Shan ay dito na sila ipinatira nila mama at papa.  May bahay naman si Shan, sa katunayan ay isa itong negosyante.  Balita ko may mga negosyo ito na restaurants at hotels.  Di ko alam kung anong mga pangalan nito.  Masyado daw kasing mailap si Shan sa business world.  Halos assistant nito ang humaharap at umaasikaso sa mga negosyo.  And all he do was stay at home.

Sobrang maalaga ni kuya Shan.  Sa pamilya namin at lalong-lalo na kay ate Aya.  At lahat ng mababait na pinapakita niya sakin ay nahulog ang loob ko sa kaniya. I misinterpreted it all. Alam kong nagkasala ako,  oo.  Pero the moment I laid my eyes on him, I know I'm in love.

Nasa tradisyon kasi ng aming pamilya na pag ikakasal ang babae ay mananatili ito sa bahay ng babae kasama ang lalaki at maninirahan ng tatlong taon o higit pa.  To prove na hindi lang infatuation ang nararamdaman ng magkapareha at hindi humantong sa hiwalayan sa hinaharap. Pag nakayanan na tumira sa iisang bubong nang walang problema sa loob ng tatlong taon ay tuloy ang kasalan. 

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon