Hello mahal,
Good morning sayo! Hahaha morning pa ba? Ayun, thank you mahal. Namimiss na kita.. Ung dating tayo, ung mahal pa rin natin ung isa't isa ng sobra, ung kahit anong tampuhan, selosan hindi parin nagbabago ung feelings natin. Namimiss ko na yun mahal. Ikaw? Namimiss mo ba? Siguro hindi na no? Wala eh, kasalanan ko talaga :( Sorry mahal. Hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari satin. Hindi ko ginustong mangyari 'to.
This time ba, ako naman dapat ang mag-effort at sacrifice for you and this relationship? Wala naman sigurong mawawala pag ang mga babae naman ang gagawa ng mga ginagawa nyo diba? Gusto kong i-save ung last chance na 'to..
Ang sakit lang sa feeling na nagbago ng lahat dahil sa isang pagkakamali na kahit kaylan hindi mo ginustong mangyari.
Mahal mo pa naman siguro ako kahit katiting no? Kasi hindi naman 'to maayos kung wala eh. Pero mahal, ang saya ko kahit na nagfade na ung feeling mo for me. Ang saya ko kasi ikaw parin ung minamahal ko, ang saya ko kasi naging okay tayo for the last chance, ang saya ko kasi ikaw pa yung nayayakap ko, ung nasasabihan ko nga I Love You at higit sa lahat ikaw parin ung kasama ko sa lahat ng bagay. Sana hindi dumating sa puntong pag-sisihan mo lahat-lahat. Mahal na mahal kita at hindi nagbago yun, mahal.
Janaaaaaaa~