SEGMENT FIVE

12 3 7
                                    

"San ka?"

Napatingin ako kay Aero na nagaayos na nang mga lamesa dahil natapos na yung trabaho namin, umuna nang umalis si Manager Mnea may lakad daw.

"Uuwi." Kinuha ko yung bag ko at nagtungo papalabas nang café.

Naglakad lang ako pauwi minding my own business, nang natanaw ko si Tita Margo papasok nang hospital kaya nagtungo ako sa direktion nito. Kumaway ako dito at nakita niya naman ako at dalidali itong lumapit sa'kin at niyakap pa ako ng napakahigpit.

"Ihyan, ba't ka naparito?" Tanong niya sa'kin habang may binabasa mula sa isang papel. Napasin kung parang inaantok si Tita Margo, mukhang nagovertime nanaman siya, hayst.

"Actually po papauwi na ako, okay kalang ba Tita?" Nagwo-worried kung tanong dito.

"Ha?" Napatingin siya sa'kin mukhang hindi niya ako narinig sa kakafocus nito sa papel nitong hawak. Transplant? "Nagovertime kasi ako kahapon, ang saya ko nga 'e since sumangayon nayung patiente kong magpa-chemotherapy." Sabi nito sabay ngiti at inilagay yung papel sa isang folder.

"Basta Tita wag masyadong work acholic ha?" Sabi ko at nagpaalam, kailangan pa daw bumalik ni Tita sa patiente niya kaya nagpaalam nadin ito.

Nung nakauwi nako ay excited na excited ako since magkikita na kami ni Girl Nextdoor nang may nakita akong nakaipit sa pintuan ko at nung nabasa ko ito ay nawala yung ngiti sa aking labi. Nakatadhana ba talaga naming hindi magkita?

Napansin kung may isang maliit na packeteng nakasabit sa doornob. Pagkabukas ko dito ay isang USB at isang folded paper yung nakita ko sa loob.

"I may did not kept my promise but have this instead." Sabi nung nasa papel at kinuha ko naman yung USB at pumasok para kunin yung laptop ko at umupo sa sofa habang ipinatong yung laptop ko sa lamesita at isinaksak yung USB.

Nabigla ako na isa pala itong voice recording. "Ehem....take 15...." I coughing in the background. "Sorry...playing for may neighbor. Love is Gone by SLANDER." Matamlay na sabi ng isang boses ng babae at narinig kung nagsimulang tumog-tog ang isang piano.

She handed a voice recording of the song I requested, does that mean she's not here? Where could she be? I think she's not well but she effortly recorded this just for me, even if I can't see her but I still can hear her. Her piano melodies and her smooth angelic voice.

Nung natapos ko na itong mapakinggan ay natahimik ako ng mga ilang segundo bago bumalik sa realidad. Something's off....

Napatalon ako sa aking kinauupuan ng biglang tumunog yung cellphone ko, si Tita pala.

"Hello po?" Ani ko at napatingin sa wallclock, alas otso na nang gabi, she's supposed to be sleeping by now.

"Ihyan, sorry ha but could you do me a favour?" Tanong nito, sumangayon naman ako. "I need you to bring it here sa hospital now."

Nung nakaabot na ako sa hospital na trinatrabahuan ni Tita mula sa bahay nila Tita dahil nga may pinakuha siya ay nagelevator na ako at pumunta sa room 15. Nung nakarating na ako ay kumatok muna ako bago pumasok.

"Ihyan!" Bumungad sakin ang mukha ni Tita Margo nung pagbukas ko nang pintuan.

"Tita, ito na nga pala yung pinakuha niyo." Sabi ko sabay abot ng isang maliit at itim na kahon na may pulang ribbon.

"Sorry ha sa abala, busy kasi si Mhelton, hindi naman ako makaalis since nandito yung patiente ko...." Paliwanag niya sa'kin at sinabihan ko lang naman siya na okay lang.

"Para san po pala yan Tita?" Tanong ko dito at umupo muna dun sa isang stool sa gilid.

"Oh regalo ko sana dun sa na-ekwento kung patiente sayo." Sagot niya naman sa'kin at biglang bumukas yung pintuan at isang babaeng naka patient hospital gown ang pumasok mula dito.

"Masakit parin ba yung katawan mo?" Sabi ni Tita dito at inalalayang umupo sa hospital bed.

Napatingin ako dun sa babae, maputla at matamlay itong ngumiti habang tumango-tango sa sinasabing mga payo ni Tita Margo.

Nabigla ako ng napalingon ito sa'kin at ngumiti, I just looked away avoiding any contact dun sa babae.

"Si Ihyan nga pala, pamangkin ko." Pagpapakila ni Tita sa'kin dun sa babae, which was super embarrassing!

Kumaway siya sa'kin pero ang epal ko, hindi ko talaga to pinansin, shy type ako 'e.

"Ihyan, this is my patient, Musi."

※ ※ ※

『Author - Heyooo! Thanks for reading! Leave some feedbacks or a vote, please! It's highly appreciated!

Next Update! SEGMENT SIX!』

Melody's Of GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon