Paano nga ba mag-move-on?

17 0 0
                                    

Chapter 2: Paano nga ba mag-move-on?

Ito ang question na madalas sabihin ng mga taong hiniwalayan at nakipaghiwalay.

Ito rin ang tanong na pinakamahirap sagutin.

Madaling sabihin pero mahirap gawin.

May mga tao na hindi baleng mawala yung respeto sa sarili, mapilit lang ang gusto.

Meron ding gusto daw nilang makamove-on pero tingin ng tingin sa cellphone tsaka facebook,

hoping or nagbabakasakaling may message.

Meron ding ikakamatay daw nila kung iniwan sila, pero hindi naman.

Meron ding sasabihin na makikipag-hiwalay sila dahil sa ikakabuti nilang dalawa, pero taray parang bula lang naglaho agad?

Siya lang ang sumaya, yung isang naiwan sawi dahil isang buwan palang naka hanap agad. Saklap diba?

Siguro, may mga ibang tao nababaliw sa pag-ibig.

May mga tao ding nabibigyan ng chance na maging happy forever and ever dahil they found the one.

Actually, possible naman talagang maka-move on sa one month.

Siguro, karamihan saatin sasabihin na "Yes. Oo naman." Congratulations ate/kuya! 

May mga tao ring sasabihin na hindi, kasi may mga line na parang ganito.

"Ang hirap mag move-on."  

"Ang hirap mag move-on."  

"Ang hirap mag move-on."  

Parang sirang plaka lang? Iniisip nila, sinasabi na hindi nila kaya, ganito kasi ata yan

yung laging sinasabi mo na mahirap, mahihirapan ka talagang maka move-on.

Pwede din namang sabihin na "Kaya ko ito." 

Oo nga mahirap pero siguro mapapabilis? Maybe.

Yung iba humhingi nang advice pero kahit anong pagpapayo o pagpapa-remind ang sabihin, wala pa rin may mga tao kasing hard headed, alam niyo yun? 

Nakaka-stress ang process ng pag-momove on. Pwedeng hindi madali, pwedeng madali.

Minsan napapaisip ka nalang na "Ay, wala na kami." Wala na talaga, kaya huwag ka nang umasa. Diba ryhme? Taray. Biro lang! Peace tayo.

Meron ding "Siguro may pagkukulang ako, kaya naghiwalay kami." Oo, may pagkukulang ka nga, kulang nalang ibigay mo na lahat sakanya, mag tira ka naman sa sarili mo, pwede? 

Meron ding laging nagflaflashback sa isipan mo, tas iiyak ka nang iiyak hanggang sa wala ng lumabas na luha.

Dalawa lang naman kasi yan pwedeng may iba na siya or hindi na ako masaya. Masakit talaga pero may mga bagay na mabuti talaga na nagtatapos.

Para mas clear- hindi lahat ng pag-ibig nauuwi sa happy ending.

Masakit? Masakit talaga.

Umiiyak ka? 

Sige lang, normal lang naman yan, huwag lang masobrahan.

Sinasabi nila na masaya sila pero sa kaloob-looban hindi pala.

Pero siguro para saakin you should accept nalang kung ano ang nangyari, go with the flow ba?

Kasi everything happens with a reason, diba? 

Isipin niyo nga kung sa start palang nang naghiwalay kayo kung alam mo din naman

o may patunay ka na mali talaga siyang tao, bad boy ika nga, walang kwenta.

Napakadali na gawin ang acceptance at siguro mas madaling maka-move on. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon