Kwento ng Bigong Panalo-Talo

38 0 0
                                    

Hmmm... every year, every grading period, every semester HYPE ang posting ng grades. May mga matapang na mgpost kahit tamang passing rate lang, ang mahalaga nakapasa. Mas madalas syempre yung matatas ang grades at achievers syempre. Congratulations, keep it up!!! 🙌🙌🙌
Yan ang trend, wala naman masama, ika nga proud lang talaga!😅

Share ko lang kwento ko ng mga bigong panalo-talo tungkol sa pagaaral. Mala-MMK eto.

Laking Manila (batang QC mas-tama)! Taga-veterans gillage. Di nman, sobrang hirap, nakakakain nman ng 3 beses kada araw. Swerte na kapag may meryenda sa hapon 😜. Ngumpisa sa kahoy ang bahay namin, tapos naging sementado, tapos nagkaroon ng taas. Nung umpisa tabi-tabi kami natutulog sa banig or karton na sapin 😭😭😭 High school na ata kami mgkararoon ng double-deck. Haha

Medyo nakakahiya man, yung lugar namin awarded lot mga ten years ago (in short informal settling, pinaganda ko pa, squatter area). College na ata ko mg ma-award at working na ko before kami makapagpatayo ng sementadong bahay.
Di ko po sinisisi parents ko, yon ang realidad namin. In fairness, sarap kaya madaming kapitbahay. Daming ganap, daming eksena.

Teka, balik lang po ako sa kwentong eskwela🤓. Produkto po ako ng pampublikong paaralan mula kindergarten  hanggang graduate school 😍
Maaga po ako ngaral mga 5 years old, uso pa kasi non, di tulad ngayon. Nagumpisa ako sa last section, 6 of 6. Basta alam ko lang non, mahalaga nasa school ako kasi pwede na. Bawas bantayin sa bahay. Lima kasi kami. Haha

Wala ako masyado memory na guided ako sa pagaaral nung bata, basta napasok ako at pumapasa nman. Walang honor, honor, basta napasok ako at pumasa naman. Lahat nman kaming magkakapatid kanya-kanyang sistema, basta makapasa. Di ko sinisisi parents ko. Ngtatrabaho sila pareho para makakain kami ng 3 beses isang araw at mabayaran  yung mga baon na inutang namin sa tindahan ni Aling Chedeng! Im fairness, grumadweyt ako ng grade six na section 4 at line of 8 ang average (so proud, of course!, bright na ko nyan)😄!

Nung high school, dahil line of 8 average ko, napunta ako sa section 2 out of 22. Feeling ko ang galing ko. Haha. Ang effort grabe, may journalism, additional subject. Shoot! Kailangan sumulat. Huhuhu. Di uso sakin ang subject verb agreement, hindi ako masuhay sa ingles. May anecdote ako dito, di ko alam basahin ang 'knife' - keeneepeh! Tinulungan lang ako ng katabi ko☺️😆Ang dami laging assignment. Nabago ang sistema ko. Nagadjust ako sobra. Naging bahay-school ang mundo ko. Nung elementary, libutin ang buong barangay at umakyat ng mga puno lang ako pagkatapos ng school. Maglaro ng hangang di tinatawag ng nanay na may dalang pamalo 😛
Nasurvive ko nman ang first year.

Pero pagdating ng 2nd year, section 5 na ko. Mas chillax na (akala ko lang!). Nadala ko na yung study habits ng section 1. Bahay-school na mundo ko. Di na nman ako makagala kapag weekends kasi dun na kami sa bahay namin sa Palmera. Nasa abroad na si mother. Remind ko lang, di pa din ako magaling sa ingles. Pero mas madalas na ko gumamit ng dictionary at medyo pumapasok ma ko sa library. Haha
I ended up well during my 2nd year and I moved to the section 1 in my 3rd year. Yahoo! Biggest academic achievement, so far. It was a good experience overall. Yon lang talaga, I tried my best but it was best enough. English plus math and science, pulled me down. So, I stepped down to section 2 on my last year in high school. No blaming or sourgraping. I have to enjoy school, learning should be fun. No more journalism, yehey! I realized there is such a thing as competition in life. Dapat matuto ka sa laro mg buhay. I-ingat mo sarili mo hanggang kaya mo.

NgUP at DOST scholarship exams din ako. English, math and science are haunting me, alams na! Haha😛  Nakapasa ako sa Sintang Paaralan, PUP! Di ko alam ano gusto kong course. Basta gusto ng nanay at tatay ko. Ako unang mag-university sa pamilya at ramdam kong proud na proud sila, pati si lola-dear! Ngenrol ako sa course na may steno at typing kasi, may konting background na ko nung HS. Feeling ko ang talino ko, kasi pang section 1&2 lang yon. In fairness laking tulong ng steno sa English (pero hindi nman perfection). Biggest break ko ang typing, in my first year of college nanalo ako sa university-wide typing contest. Proud kasi right word minus my single error. First time ko manalo at magka-award sa tanang school life ko yon. Amazing, diba!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong di Dapat Mabasa ng mga Nakakakilala SakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon