"Aash! Bilisan mo at tayo'y malelate na!" Sigaw ni Cathy mula sa baba. Psh.
Ang aga aga eh putak na ng putak. May thirty minutes pa kayang natitira atsaka malapit lang naman yung bahay ko sa school. Tsk, wala talagang patience yang si Cathy.
"Wala ka ba talagang balak bumaba diyan?!" Sigaw na naman niya. Aish! Nagbibihis pa nga eh.
"Oo na! Bababa na!" Sabi ko habang bumaba sa kusina. Nadatnan ko siyang naglalagay ng palaman sa sandwhich niya.
"Hindi ka naman ata atat noh? Ang aga aga eh putak ka ng putak" sabi ko ng maupo sa lamesa.
"Psh! Baka nakalimutan mong Championship Game na ng crush mo" taas kilay niyang sabi. Natampal ko naman noo ko nung maalala ko iyon.
Right. I'm Justine Aash Villega. 3 years na akong may gusto kay Blake Anderson Santo Domingo. Isang sikat at basketball star sa campus. Marami ding naghahabol sakanya at mga humahanga dahil sa kanyang kagwapuhan at sa pag lalaro ng basketball.
Doon ko lang nalaman na naging crush ko siya nung may niligtas siya na matanda sa may building. Ewan ko ba, parang may bigla nalang nag spark nang magtama yung mga mata namin that time. Hindi ko maintindihan.
"Cathy, pwede wag nalang natin yun panoorin? Nakapag decide na akong kalimutan siya at ifocus yung sarili ko sa studies. Tutal 2nd semester na" nakatungo kong sagot. Biglang nabitawan ni Cathy yung kutsara niya at napatulala.
I sighed. I hope this is the right thing to do. Besides kung ipagsisiksikan ko yung sarili ko sakanya wala pa ring mangyayari because he doesn't know me. I'm just a nobody to him. We're not close and we're not even friends. But i secretly like him. Si Cathy na bestfriend ko lang ang nakakaalam.
At 3 years na ang nakalipas and it's time na siguro para mawala siya sa isip ko.
"Seryoso ka Aash? Ikaw ba yan? Baka namali lang ako ng dinig." Sabi niya.
Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya. "Why all of the sudden? After 3 years ngayon ka na susuko? " hindi makapaniwalang sabi niya.
I heaved a sigh."kahit anong pagpapaganda o pagpapapansin ko, walang effect parin kasi hindi na niya ako mapapansin." Sabi ko habang kumakain.
"Aash, hindi naman sa lahat ng bagay may kapalit, just love him. Hindi naman kailangan na mahalin ka niya pabalik. Just try. Malay mo mapansin ka din niya." she said seriously.
"I don't think so Cathy. That's really impossible to happen. Siya basketball player. Me? Tsk, i'm just a geek girl" iling na iling kong sabi.
"Unexpected things happen Aash. Time will come but not now. Expect the unexpected" sabi niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niyang yun. Siguro nga pero parang hindi naman ata mangyayari yun sa akin. Sa iba siguro oo.
Haist! Grabe talaga to pag sa mga ganitong usapan si Cathy. Ang lalim kasi ng pinanghuhugutan eh.
Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya.
"But if that's your decision. Okay, susuportahan kita. Makita lang kitang masaya" she said and smile genuinely.
Napayakap naman ako sakanya."Thanks Cathy."
Nakarating kami sa school ng matiwasay. Pinauna ko nalang muna siya sa room dahil may kukunin ako sa locker.
Pagdating ko doon ang dami ng tao. Yung iba busy mag makeup. Yung iba naman may hawak na banner na nakusulat na I LOVE YOU BLAKE ANDERSON! WIN! WIN! WIN! Para mamaya sa Championship game.