Prologue

13 1 0
                                    

First Day

Shianel's POV

"Vannah, Double time, we're getting late!"

Sigaw ko pa habang nag mamadaling nilalagay sa bag ang mga gamit ko, unang araw namin ito sa bagong university na aming papasukan, kaya ayokong ma late kahit 1 minute pa man.

"Where's Kyleigh?" Tanong ko pa sa kanya pero hindi sya sumagot. Umirap nalang ako at tinuloy ang pag aayos ng gamit.

"I'm here na" sigaw ni Kyleigh galing sa Banyo.

"Bilisan mo nga, napaka tagal mo talagang kumilos kahit kailan!" Sigaw ko pa sa kanya, paano ba naman ay hindi pa sya nakakapag suklay at nakakapag ayos man lang.

"Oo na eto na, 'di ka makapag antay e no!" Sabi nya at dali dali pang kinuha ang suklay at nag ayos. Ilang minuto lang rin ay nakababa na kami. Since wala yung kotse namin, hindi namin dinala dahil makikisiksik lang daw kami sa parking ng school. Napag desisyunan nalang namin na sumakay ng Taxi, napakaarte naman kase ni Vannah. Mas gusto pa ang mag taxi kesa mag kotse, sayang ang bayad.

Medyo malapit lang naman daw ang University dito, pero hindi sya walking distance.

"Nakaka excite naman! hahaha" sabi pa ni Sabina at halata ang excitement sa mukha, napailing nalang ako at tumingin nalang sa labas, marami na ring tao ang nag lalakad na mga naka uniform, malaoit na siguro kame sa University, ang ganda rin ng uniform dito ang sosyal ng dating.

"Nandito na po tayo mga Ma'am" sabi pa ng driver at tumigil sa may gate, bawal siguro pumasok ang mga taxi sa may parking kaya ganito, agad akong bumaba at kumuha sa wallet ko ng pera, sayang tuloy yung pera ko..

Naglalakad lakad na kami ngayon papasok dito. Maraming mga nag uusap sa gilid gilid namin, mga magkakakilala na ata silang lahat dito. Kami lang ata ang transferee, buti nalang at may nag guide sa amin para makita ang room. Buti nalang at same room kame sa first at Second subject, pero sa third hindi. magkaka iba kaming tatlo.

"Aray!" Sabi pa ni Vannah ng may makabangga sa kaniyang naghaharutan at nag tatakbuhan.

"Ang iisli naman" sabi pa nya at pinunasan ang uniform nyang nadikitan ng balat nung isang lalaki at umirap.

"Ang arte mo naman HAHAHA" sabi pa ni Kyleigh.

"Tse bahala ka jan"

"Oy na saan na ang room natin?" Tanong ko pa at sinilip ang paligid.

"Section A daw tayo sa first subject" sabi pa ni Vannah habang pinupunasan parin ito.

Luminga linga ako sa paligid at hinanap ang section na sinasabi niya.

"Ayun!" Sigaw ko pa ng makita ito.

"Tara na!" Sabi pa ni Kyleigh at binuksan ito.

Nag tinginan sa amin nag mga nandoon, hindi pa naman masyadong marami ang nandoon. Nag hanap kame ng upuan para mag tabi tabi lang din.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa dumating ang professor.

"Good morning class" saad pa nito, nasa 40s na rin sya. Nakasalamin at medyo puti na ang ibang buhok.

Tumayo ang mga kaklase namin kaya tumayo na rin kami.

"Good morning po"

Nagsimula ng mag dadaldal ang professor, inaantok ako kaya nag paalam muna akong lumabas. Gusto pa sanang sumama nila Vannah pero baka mapag halataan kami, dinala ko ang tumbler ko para kumuha na rin ng tubig sa may dispenser. Pagkalabas ko ay hinanap ko ang restroom, buti nalang at Madaliang makita dahil malapit lang ito sa may hagdan. Papasok na sana ako ng may marinig akong nag uusap sa restroom ng pang babae.

Ethereal MemoriesWhere stories live. Discover now