Ito ay para sa mga taong feeling nila ay nahuhulog na sila...
1. Kung Napapadaan sya sa harapan mo wag mo syang titingnan. At kung kakausapin ka nya wag kang magpapahalata na crush mo sya. Wag kang tatanga tanga sa harap nya at mauutal pa. Basta relax kalang.
2.Kung nasa ibang section naman sya at napapadaan ka sa section nya. Wag kang titingin. Kasi sa oras na tumingin ka at magtama ang mata nyo. Lagot ka! Baka mahulog ka agad.
3.Kung may time na maiisip mo sya. Pigilan mo! Wag kang magpapadala. Humanap ka na ng magagawa mo. Manuod ka ng MV ng favorite mong kpop group or makinig ng music.
4.Kung alam mo na dadaan na sya sa harap ng classroom mo. After nyang dumaan syaka mo lang ipakita ang kilig mo.
5.Wag mong sasabihin sa Friends mo. Alam mo kung bakit? Kasi baka sila ang maging tulay sa pagkahulog mo sa kanya. Magpalusot ka. Like magsabi ka ng ibang tao na aakalain nila na crush mo. Masmaigi yung Popular.
6.Ang isa pang mabisang paraan ay ang pagtutok mo sa pagaaral. Wag mo syang isipin. Just Focus to your study.
7. At kung talaga naman na Hindi mo kayang pigilan. Sige Go!! Mahulog ka. Pero paalala lang. Pagnasaktan at umasa ka sa wala, tigilan mo na hindi na yan love katangahan na yan. Iwasan mo na sya. Mas madali kang makakamove on.
Yan ang mga tips ko. At sana ang crush nyo ay hindi maging distruction kung di maging Inspiration.
____________________
Hehe... Hugot pa!!!!
^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^
Please Vote comment and Follow me ; )
FightingJinri_07