Simula
(Sabi nila masarap daw magkaroon ng Bestfriend, may magpapasaya sayo, may magtatanggol sayo, may dadamay sayo sa mga problema mo, may handang tumulong sayo kahit anong mangyari. Sya ang lagi mong kasama kahit san ka pumunta kaya hindi na mawawala sa magBestfriend ang magkagusto ang isa sa kanila kaya handa ka bang ipagpagpalit ang pagkakaibigan para sa hinahangad mong pagmamahal?)
========Mark's POV========
Ako si Mark at sya naman ang bestfriend ko na si Claire... matagal na kaming magkakilala nyan... Highschool pala lang ay magkaibigan na kami nyan, para kaming magkapatid nyan dahil lagi kaming magkasama kahit san pumunta... kahit kami lang dalawa hindi nagiging boring ang gala dahil parehas kaming may tama or may toyo... para na nga kaming couple nung highschool... pero habang patagal ng patagal ang panahon, unti unti rin nagkakalamat dahil kapag paulit ulit na ang ginagawa nyo eh magsasawa karin... Dumating ang oras na nag 4th Year na kami, suddenly hindi ko sya classmate, and suddenly again biglang nagkaroon ng awkwardness between me and claire so pag nagkakasalubong kami sa hallway bigla kami lumilihis ng daan, hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagkaganoon ang pangyayari... Halos hindi kami mapaghiwalay nung 3rd year tapos in just one thing bigla na lang magkakaganun? How weird diba? Hanggang sa may isang Qoute ako nabasa na nakapagpagising sakin sa reality, "Tanggapin mo na kasi, hindi na kayo tulad ng dati!". After i read that qoute i realized na hindi lang sya ang babae sa mundo, marami pa akong makikilala but she's my Bestfriend. Bihira lang ako magkaBestfriend kaya hindi hindi ko sya makakalimutan. Lumipas ang ilang buwan still ganun parin ang pangyayari hindi parin kami nakakapagusap, lalong tumindi ang awkwardness dahil nagkaroon na sya ng Boyfriend so yari na. Ako naman tong si tanga patuloy pa rin na umaasa na may chance pa na maibalik ang dating Mark & Claire. 1 week before her birthday kinausap nya ako
=======================
Claire: Mark!
Mark: Bakit?
Claire: Punta ka sa Birthday ko...
Mark: Osige, sino mga pupunta dun?
Claire: Yung mga friend ko ng 2nd year
Mark: Osige try ko...
Claire: Bakit itatry pa?
Mark: Basta..
========Mark's POV========
Hindi ko alam kung pupunta ba ako dahil hindi ko naman mga close yung mga kaaibigan nya ng 2nd Year... Dumating ang Birthday nya, nakita ko sila ng mga kaibigan nya na samasama sila at mukhang hindi nila ako hinahanap or hindi nya ako hinahanap kaya ang ginawa ko ay hinintay ko sya na pumunta sa room namin para tawagin ako dahil ayokong ako ang pumunta sa kanila dahil hindi ko nga mga close yung mga un... 15 minutes later, hindi parin sya pumupunta sa room... akala ko ako ang hinihintay nila kaya pupunta na sana ako dun sa kanila but suddenly biglang may isa pang tao ang lumapit sa kanila at bigla na silang umalis... Syempre nakakasar yun, i assume ehh kaya kayo "Wag kayong magaassume kung ayaw nyong masaktan". Biglang nakita ko ung kaibigan namin na si Pau at sabi nya
=======================
Pau: Mark!
Mark: Bakit Pau?
Pau: Hinahanap ka ni Claire kanina ha?
Mark: Bakit daw?
Pau: Diba pupunta ka daw sa Birthday nya?
Mark: Hindi nya naman ako pinuntahan dito ehh, alam nya naman na lagi lang akong nasa room...
Pau: Pinapasabi nya na sumunod ka na lang daw sa kanila, nauna na sila...
BINABASA MO ANG
My Best Friend, My Lover (EDITING)
De TodoWait for the person who pursues you, the one who will make an ordinary moment seem magical. The kind of person who brings out the best in you and makes you want to be a better person. Wait for the person who will be your best friend. The only person...