Dapit-Hapon

45 2 1
                                    

"1...2...3" saad niya, sabay kuha ng litrato sa mga modelong na sa harapan niya.

Kasalukuyan lang akong nakatingin sa kanya, na sa sulok ng kuwarto't naghihintay matapos ang kaniyang trabaho. Narito kami sa isang building sa Manila upang magphotoshoot sa mga modelo na last week pang inofer ito sa amin-- I mean sa kaniya, dahil siya lang ang may hilig sa gawaing ito, samantala, sumasama lamang ako sa kaniya tuwing may ganitong okasyon.

Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay bilang hudyat sa panibagong posisyon ng mga modelo. Nang makuha ang tamang angulo, siya'y napangiti at sabay pindot sa kaniyang camera upang kumuha muli ng litrato. Sinakop ng ilaw galing sa camera ang maliit na studio na naging dahilan ng pagkislap ng aking mga mata. Sa ilaw na bumungad sa'kin ay kasabay nang paglunod sa pagiisip.

"Kung kaya mong itutok ang iyong buong atensyon sa mga modelong 'yan, ba't sa'kin tila 'di mo magawa? At Kung sila'y nakakayanang ngumiti na walang alinlangan tuwing ika'y kaharap, ba't kung ako na, dulot sa'kin nito ay pangamba; na baka lumingon ka na lang bigla sa iba at siya na ang tinututukan mo ng camera." dagdag ko pa.

"Darating kaya na ako naman ang kuhanan mo ng litrato... kung saan kaya kitang harapin ng buong-buo na may ngiting nakasilay sa'king mukha habang mata mo'y akin lamang?" 'Di ko maiwasang sabihin ang mga 'to sa aking isipan. Mahirap nga naman sisihin ang taong hangad lamang ay ang mapansin, mabigyan ng halaga, at mahalin pabalik.

Pilitin man ang sariling nararamdaman, ngunit sa huli'y ito parin ang nangingibabaw. Hahayaan na lang hanggang sa malunod nang tuluyan na ang tanging kailangan ay ang matinding pagpapanggap na tila isang malaking kahibangan.

Tuluyan na ngang naging tulala habang ang mga mata'y nakapako pa rin sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng mga litrato kasama ang kaniyang kalabisang ngiti, aliw na aliw sa kaniyang ginagawa.

Nanatili lang kaming gan'on ang sitwasyon sa loob ng tatlong oras. May inasikaso pa siya kasama ang producer na wala akong balak alamin, 'di ko rin naman maiintindihan sa huli. Nang matapos na nang tuluyan, dahan dahan siyang naglakad patungo sa puwesto ko kung saan ako nakaupo. Buo ang kaniyang ngiti habang ako'y 'di mapakali. Napatayo ako nang tumambad na siya sa'king harapan at ngumiti nang alinlangan.

"Kumusta? Ayos ba?" Bungad ko sa kaniya.

"Mmhm." tipid siyang tumango. "Ang sabi raw sa'kin ay nagustuhan daw nila ang performance ko. Ako lang daw ang nakita nilang matinong photographer at malaki raw ang tyansa na bigyan ulit nila ako ng offer." napahawak siya sa kaniyang batok, medyo nahihiya ngunit bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Talaga?" Todo ngiti naman ang pinakawalan ko.

Tumango siya ng dalawang beses. Tumingila ng ilang segundo, nagiisip, at agarang binalik ang tingin sa'kin. "So, Aiee tara na? Thanks for waiting." biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang inakbayan niya ako patungo sa labas ng studio. Tinatago ang ngiti at pilit pinipapakalma ang sarili. Pumasok kami ng elevator pababa kasabay ng pagbawi ng kaniyang pagkakaakbay sa akin.

"S-saan tayo pupunta?" Maang-maangan kong tanong nang pindutin niya ng button pababa sa ground floor.

"S'an pa ba? Edi sa lagi nating tinatambayan" tumingin siya sa'kin saka tinaas-baba pa ang mga kilay habang malaking ngiti pa rin ang nakasilay. Tukoy niya r'on sa Manila Bay na lagi naming pinupuntahan tuwing may gawain siyang gan'to.

Tumango lang ako at hinintay na lang marating namin ang ground floor. Pagbukas ng elevator, hinawakan niya ang aking pulupulsuhan na ikinagulat ko. Hatak-hatak niya ako papalabas ng building na tila nagmamadali. "U-uy, Alex! Saglit lang!" Huminto siya nang marating namin ang kotse niya sa parking lot at hinarap ako, nanatiling nakahawak sa'king pulupulsuhan. "Kailangan na nating magmadali papunta sa Manila Bay." Giliw niyang sabi. "Baka 'di natin maabutan yung sunset!" Dagdag niya pa, halatang nagmamadali. 'Di ko alm kung bakit niya nakahiiligan pagmasdan ang sunset, multimo ginagawa niya palagi itong wallpaper sa cellpone niya. Ayaw ko man tanungin dahil gusto kong siya ang magsasabi sa'kin.

Dapit-HaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon