Ako si Kathryn Miranda. 15 na taong gulang. Hindi naman po sa mahirap kami,pero may yaman ding upang matustusan ang aking pag-aaral at makakain ng 3 beses sa isang araw.
Nag-iisang anak lang po o pero kahit ganun ay di parin kayang matustusan ni Inay ang aking mga pangangailangan dahil sa paglalabada at pagtitinda lang ng biko ang trabaho niya. Pero kapag umaga pa ako gumigising,tinutulungan ko muna si inay magbinta na biko,para na din may pambaon ako.
KATH'S POV
"Inay lalakad na po ako." pamamaalam ko kay Inay.
Umaga pa ako umaalis sa bahay upang makabalik agad pag nauubos at para naman hindi ako kutyain ng mga kaklase kung mayayaman.
Ay ito na naman,gaya gaya naman ng dating gawi!
"Biko,Biko!Bili na kayo,habang mainit pa ang sarap isabay sa magandang silak ng araw" ubod lakas kung sigaw,kya ayun maraming lumapit sa aking mga gustong bumili.
Ito ang lagi kung ginagawa sa araw-araw.Umaga pa lamang ay bitbit ko na ang plato ng biko at pumupunta-punata sa mga kalye-kalye at kung naubos na ito ay dumadaan mu na ako sa isang simbahan bago umuwi upang magdasal.
Sa loob ng ilang taon akong bumalik-balik dito ay isa lang ang ipnagdadasal ko at yun ay makita ang aking amang mga 1 dekada ng nawawala dahil narin sa hikahus sa buhay ay hindi na rin kaya ni Inay na kunuha ng isang Private Investigator upang ma-imbestigahan ang pangyayari. Nawala siya dahil na rin sa isang walang kwentang aksidente.
FLASHBACK
Sa probinsya palang kami nun, sa Mindoro.
5 taong gulang palang ako.
Isang araw nalang sana at magiging isang buong pamilya kami na magsasalo-salu ng Noche Buena pero ang pag-aakala ko iyon ay nawala na parang isang bula na agad-agad nalang maglalaho at pinalitan ng isang nakakalungkot na trahedya.
“Nak, anung gusto mong regalo mula kay itay?”tanong sakin ni tatay.
“Malaking stuff po Itay o pupwede lang po Itay bagong manyika nalang”
Sagot ko kay tatay habang pinapakita ang luma kung manyika at kumakain ng lollipop.
Isang tricycle driver lang si Itay. At papunta palang kami sa kanyang kumpare sa mga oras na iyon upang maghatid nang mga lumang damit ko bago dumiretso patungung simbahan bago magsimbang gabi.
Nakatira ang kanyang kumpare sa isang malawak na lupain na mayroon maliit na kagubatan.
Kasamahan rin ni Itay ang kanyang kumpare sa mga association ng mga tricycle driver.
“Ang ganda pala ng lokasyon nila dito,parang pwede ditto manirahan ha! Ang sarap pa ng simoy ng hangin.” manghang-manghang sabi ni Inay.
“Sinabi mo pa”
“Teka,pala pagkatapos pa nating magsimba ay dumiretso na tayo sa palengke upang bumili ng lulutuin natin pang Noche Buena” sabi ni Itay.
“At bilhan na lang natin si Cath-Cath ng bagong manyika.’’ Pagsasambit pa ni Inay habang hinahawakan ang kamay ko ng sobrang higpit.
Cath-cath pala ang palyaw ko pero si nanay at tatay lang ang tumatawag sakin nun.
“oo,nga pala nu!”
Pagkatapos naming pumunta doon ay bumalik na si Itay sa direksiyon papuntang simbahan.
Pero bago paman yun ay hindi ni Itay nakita ang isang sasakyan na pagiwang-giwang sa daanan na papunta na sa amin dahil wiling-wili siya sa panunuod nang pagkanta k at parang di niya inakala na magkakaganun kaya ayun
.
.
.
.
Naaksidente kami.
END OF FLASHBACK
Kaya pagkatapos ng pangyayaring yun ay sinisi ko a nag sarili ko sa pagkawala niya!
kaya ito nakalipas na ang 10 taon ay hindi parin siya naming na kikita at kahit nga mga pulis walang may naabot sa aming impormasyon,eh! Kung patay na ba si ITay?
Pero alam ko na sa puso’t isip namin ni nanay alam naming na buhay parin si Itay at magkikita at hahanapin ko rin siya balang araw.
BINABASA MO ANG
Someday You'll be MINE
FanfictionMeet Kathryn/Cath-cath na handang gawin ang lahat para sa kanyang ultimate crush na si Daniel na isang model,sikat na artista at isang heartthrob!makakaya ba ni kath na hintayin si daniel na mahalin siya?o gigive-up nalang siya?