Chapter 01

3 0 0
                                    

"KROOK! KROOK! KROOK! KROOK!" Pinatay ko agad ang nakakabwisit kong alarm, syempre kailangan nakakabwisit para magising ako agad. Bumangon ako agad at nagbukas ng tindhan.

Nandito ako sa bahay ng tita-ninang ko, dito ako tumutuloy dahil nagtatrabaho ang mga magulang ko sa ibang bansa, sa ninang ko na ako lumaki. Nasanay akong ninang ang tawag ko sa kanya kaya ayon.

"Good morning world!" Binuksan ko agad ang tindahan namin, 4:00 am palang naman, wala pa naman siguro masyadong bibili kaya maghahanda na muna ako para pumasok. Well I'm 4th year highschool and yes! I'm graduating, finally.

Naligo na muna ako bago kumain at nagtoothbrush. Mabilis ako gumayak because time is gold yes! Nagtimpla ako ng iced coffee at nilagay iyon sa tumbler ko, for lunch yon. Wala kasing kape sa school eh, may water dispenser pero bawal naman magkape, ang korni nila. Kaya nagtitimpla na lang ako ng akin, hindi naman kumukupas yung lamig sa tumbler ko eh, pinag-ipunan ko talaga 'tong tumbler na 'to.

"Pabili po!" Agad akong pumunta sa tindahan.

"Ano?"

"Nescafé creamy latte nga raw po." Binigay ko naman agad sa kanya yon. Ang cute naman ng batang yon siguro mga 11 years old s'ya. Ngayon ko lang s'ya nakitang bumili rito.

"Eunice! Binalot mo!" Agad naman ako nagtungo sa kusina para khnin ang binalutan ko. "Kumuha ka na lang ng pera sa tindahan."

"Sige tita, bye alis na ko." Sabi ko pagkakuha ko ng pera.

"Euniceee!" Narinig ko agad ang boses ng bestfriend kong si Ivory, she's my bestfriend since elementary and she's my first friend, ayaw ko kasi ng madaming kaibigan pakiramdam ko paplastikin ako kahit anong oras.

"Ivo! Long time no see!" Niyakap ko s'ya agad. Grabe namiss ko s'ya ah. Tumingin ako sa likod n'ya, nasaan na kaya 'yong mokong na 'yon.

"Ay teh, hanap mo ba si Tristan? Wala, bukas pa." Sabi n'ya, pinsan n'ya si Tristan na kaibigan ko din.

"Ang korni naman n'ya, by the way namiss kita sobra!" Sabi ko at niyakap s'ya.

"I missed your fluffy boobs ah." Lumayo ako ng bahagya at hinampas s'ya, tumingin ako sa paligid kung may nakarinig ba o wala good thing busy sila sa mga ginagawa nila.

"Gaga ka talaga ang ingay mo." Pumasok na lang ako sa loob at pumili ng upuan, as usual magkatabi kami ng bestfriend kong may megaphone sa lalamunan.

"Gaga kamusta?" Tanong ko kay Ivo.

"Ayos naman, 'teh. Grabe ayo'ko talaga sa province namayat ako ng super!"

"Masarap kaya sa probinsya." Dumating bigla yung teacher namin kaya natahimik kaming lahat. Kanya-kanyang balik sa mga upuan.

"Good morning, we have a transfer. Come in Mr. Montalvan." Napabaling ako sa pumasok na lalaki. "Introduce yourself."

"Good morning everyone! My name is Clayton Jace Montalvan, you can call me Clayton or Jace. I'm homeschool since I was nursery. I love playing basketball, I love coffee, I also play guitar and I love arts, that's all." Woah, first time may nagpakilalang ganoon kahaba ah, so energetic naman kuya.

"You can seat wherever you want, tsaka ko na ia-arrange seats n'yo." Sinundan ko lang ng tingin yung transfer. Nagulat ako nang bigla s'yang umupo sa upuan ng adviser namin. Natawa ako dahil do'n.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coffee In The MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon