Aleya's Project Idea

297 0 0
                                    

Disclaimer: This Story is purely Fan-Fiction, Some characters are made through the Author's Imagination. Well, Some are part of Thai BL Entertainment Industry.

--------

"Ley! Nakaisip ka na ba nang project Output? Kinukulit na ko ni Madam tungkol jan..." Project Output. Halos mabuhos ko yung iniinom kong kape nung marinig kong banggitin ni Marj yung "Project Output".

Bakit kasi sakin binagsak yon tas Deadline September na agad. Like Hello?! March na... Kung tutuusin may pitong buwan pa ko pero... Hindi kakayanin magproduce nang Project nang ganon. Sana manlang iadjust nang 2022.

"Marj, may nabanggit ba siyang kailangan idagdag na tema? Wala naman diba. " Ang nakakaloka pa ang gusto niyang iconcept sa project is about Expectation Vs. Reality..

"Nasayo daw . Ang bongga pa nga ni madam surprise her daw. Yung malaking Pasabog... Boom boom pow." Hirit nito..

Ang hindi ko lang talaga lubos maisip e yung pasabog kuno na gusto niya...

Nagsimula akong mag bulatlat sa Internet nang mga Expectations vs. Reality na articles and such.... Kaso alangan namang ilagay ko yung Memes nang mga Kpop or mga palabas na may behind the scenes... E masyado nang gamit yung mga ganun...

I was Checking some articles here and there nang bigla kong mapadpad sa BL Series...

BL Series ....

Ayon sa Clozette.co : Originating in Japan, they were formerly also called "yaoi." These romances between beautiful boys (bishounen, in Japanese) or beautiful young men (biseinen) were originally featured in media catered to young female audiences, particularly in comics or manga. (https://www.clozette.co/article/what-are-bl-series-cj-7061)

So ayon na naparesearch na ko nang mga tampok na series. Napag alaman ko rin kasing Hit Yung Thai series kaya mas minabuti kong magfocus sa Thai. Baka sa kali lang naman may pumasok na Idea sa Utak ko...

Kagat kagat yung paper cup nang kape ko, nagtatype ako nang kung anu ano about sa BL .

Delicately took a lot of Important details. And amazingly it catches my attention to the point na nagugustuhan ko na yung mga nababasa ko and for me the Agenda of showing the world that love is love is amazing.. para bang sinasabing Wala dapat Gender Boundary pagdating sa pag-ibig . Ganun?!

Maya maya pa , habang busy ako sa pag hagilap ng ideya sa Internet , nag ring yung Cellphone ko ... Nagulat ako. Pakiramdam ko nahuli ako sa isang crimen na hindi ko ginawa...

Nanginginig kong sinagot yung tawag...

Ewan ko ba at parang daig ko pa may kabulastugang ginagawa na takot na takot akong makita...

"Hello?" Naramdaman kung dumungaw si Marj Sa desk ko... At Funyawa lang talaga , dahil nasaktong ang mga imaheng nasa harap ko e dalawang lalaking naghahalikan..

Madalian kong nilock yung Pc habang kinakausap ung tao sa kabilang linya...

"Ley! Sa Office ko now na." Boses palang alam ko na kung sinong tumatawag..

Si Madam Aliceandra Mil, ang Managing Supervisor nang Malaya Publications.

"Copy Madam A." Pagkasabi ko nuon ay agad niya nang ibinaba yung telepono. At ako naman ay inunlock yung pc at binookmark ung mga page na importante. Tsaka ko ulit ito nilock.

Nagmartsa na ko patungo sa office ni Madam A.

Marj mouthed "Goodluck sayo sesh!" Habang naglalakad ako.

Marj is actually my table mate, May sarili din siyang Project na inaasikaso kaya hindi na ko magtataka kung bakit babad din sa pc yun.

Habang naglalakad ako napaisip ako bigla...

"Nakita kaya ni Marj?.... Hindi naman siguro noh?.... Ay Yaan na .... May sarili namang mundo yun.." narating ko yung office .. pumasok ako at naupo ...

"Madam... Nandito na po ako.." umikot paharap sakin yung malaking office swivel chair at lumantad si madam Alice. Hawak hawak yung tablet niya at nagsaswipe.

"How's your day? ley? Any news? Updates? " Sabi niya while swiping.

I looked at her then looked around, alam ko kung anong tinutukoy niya. It's about the project.

"Madam, I have this Idea na po and currently doing studies and research about it. Medyo himayan nga lang kasi Expectations Vs. Reality po." Then she suddenly looked at me. Binaba niya yung tablet .

"Okay Ley, tell me about this topic. "

I'm going to be honest. It's the first time na seryoso yung tingin niya. Most of the time kasi nakatingin lang siya sa tablet or sa mga ginagawa niyang paper works kapag nakikipag usap sa aming mga staff niya.

But this time parang may kung anong koneksyon kami sa mga mata .

"I'm thinking of covering Thai BL Series" tapos biglang nagbago yung timpla sa mukha niya. Hindi ko masabi kung nagulat ba siya kasi parang gulat lang siya pero straight face ..

"You want to cover Thai BL Series? Kaya mo ba ? Kakayanin mo ba? " Natigilan ako sa mga tanong niya. Nakaramdam ako nang kaba kasi ... ANONG ALAM NIYA?

"This topic is very ... Sensitive... Because you're somehow dealing with LGBTQ Community.. " she then took her cup at dahan dahang uminom .. sabay tingin ulit sa akin..

"hindi mo alam kung gaano kagarapal ang Hate towards this topic... Yeah, nandun na tayo na its the 21st century pero there still existing people na hindi sila kayang tanggapin.." she said.

"Against ka din po ba?" I quickly asked.

"No! Why would I ? I have a lot of friends in the community.... Alam mo kung tutuusin I could Let you do it.... But The Only thing I'm Thinking is can you handle it? Can handle the pressure? Can you be strong? Because in order for this project to be successful you have to have a strong will... Bakit? It's the People who'll definitely leave a critical mark on project.. and other thing is, How Strong are you to handle this people.. to put a strong connection and build a strong impact story..." I slowly took notes sa mga sinasabi niya ...

Gaano katapang ang matapang para dito? Yun ba yung gusto niyang sabihin? Focusing on those parts na tumatak sakin , gaano katapang yung tapang na dapat meron ako.



Wait... Thai BL series???




Pero bakit parang ang gustong iparating nang boss ko e Gore series?



"Uhmm Miss A, Kinda confuse here ha... Pero Thai BL Series lang naman to diba . BoyXBoy Romance... Bakit parang tarak sa puso naman yung sinasabi mo ? " Confused na tanong ko sa kanya...




"Kung yung fans nga nila iniiyakan na sila , paano ka pa kayang mag susulat ng cover Book about sa Kanila? Ah basta kung gusto mo talaga sige... And there is only one way for you to find out kung anong pinagsasabi ko ... na hindi lang basta basta makukuha sa panunuod nang series nila... " She then look back dun sa tablet niya ..

"Walang back out ha... Present me the Project plan and Proposals. " I was taken aback . Para kong lumunok nang tinik sa mga salita niya.. napadalawang isip ako kung tama ba tong papasukin ko?

Tumayo ako at lumabas ...

"How scary is getting hooked, How Painful is it to get Unhooked..."



Sa panahon ngayon may katatakutan at iiyakan pa ba ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WARNING: FANSERVICEWhere stories live. Discover now