Undercover / 24

131 5 0
                                    

Undercover 24

Suot ang isang mask na naka cover sa buong muka ko at gloves at black outfit at black boots muka na kong mag nanakaw psh. Pero puso ni zerr hindi ko manakaw choss!

"Turn left." Utos ni ginwo sinunod ko naman.

"Stop." Utos nya ulit tumigil naman ako.

"Lazers are been there kaya mo bang dumaan na lang sa kisame masyadong marami ang mga yan." Ginwo tiningnan ko naman ang kisame.

"Kaya naman ata." Hindi ko siguradong Sagot he sigh.

"Use the powder lalabas ang mga lazers sa directions na lang kita gagabayan naiinis ako sa sagot mo v." Urat na sabi nya tinawanan ko lang sya.

Gaya ng sinabi nya ay gumamit ako ng powder at wolala.. Sunog talaga ang balat ko sa dami ng lazer na nag kanda buhol buhol na.

"Oo nga hindi nga kaya." Naka kagat labi kong sabi.

"Told yah." Mayabang na sabi nya napairap ako.

Umakyat ako sa pader gamit ang sticky stickers na para sa gloves at sapatos ko parang spider man lang ang peg muhehe..

Tinawid ko ang kisame hanggang sa maka alis ako sa third floor ng bahay buset!

"Safe ba ko dito sa second floor?" Tanong ko sa kanya.

"No your not try to throw something para malaman mo." Ginwo said.

Gaya ng sinabi nya ay nag bato ako ng sapatos na pakalat kalat at nagulat ako.

Puro sibat lang naman ang nag labasan sa bawat gilid ng pader.

"See.. Kung dumaan ka baka pag lamayan ka na namin good thing matalino ka." Pang aasar ni ginwo.

"Letche ka! Paano ako dadaan dito? Ehh kahit main na sahig meroon din!" Reklamo ko.

"Find another way im sure may naiisip kang ibang daan." Ginwo.

Inisip ko yung blueprint pero wala ng ibang way maliban dito depende kung dadaan ka sa bintana pero sobrang labo dahil wala ng binata ang first floor sa main door naman ay puro patibong din.

"Ugh! Okey! Ako ng bahala bahala na si batman." I said at mabilis na tinakbo ang corridor may mga tumatama saken pero hindi ako nag pa apekto i need to move forward.

Ilang minuto lang ay mabilis akong naka alis. Puro ako sugat agad kong binalot ang malalalim kong sugat para hindi tumulo ang dugo ko.

"Baliw ka ba?! Bakit ka tumakbo!? Sabi ko naman sayo diba! Imposible ang misyon na to!" Sigaw ni ginwo.

Naka kita ako ng cctv saka ko syang pinakyuhan saka nag lakad pababa sa first floor naman ay puro spikes ang nasa sahig.

Ugh! Adik nga may gawa ng bahay na to parang bahay ng mga sinaunang tao.

"Eh ito? Baka naman may way na?" Tanong ko sa kanya.

"Baliw ka nga, there is turn left may library dun sa isang book shelf may gold na libro dun tumabahin mo lang yun may secret way dun papunta sa basement." Ginwo.

Hindi na ko sumagot agad kong ginawa ang sinabi nya at tama nga nag lakad ako ng ilang minuto at agad ko ring nakita ang figurine na nasa isang stand kinuha ko ang powder saka sinaboy ko sa paligid nun gaya ng inaasahan ay meroong lazer pa rin gaya ng dati kong ginawa ay sumabit ako sa pader at mabilis na pinalitan ang figurine ng peke at kinuha ang original at mabilis na umalis dun.

"Umuwi na tayo kailangan maayos ang sugat mo." Ginwo said seriously.

"Psh! Mababaw lang naman ang mga ito e." Sagot ko sa kanya.

Nag make face lang sya saka kame umalis nag ring ang phone ko its vale.

"O vale napatawag ka ata miss mo ko?" Pang aasar ko.

"Vlad we have a huge problem." Vale said napa ayos ako ng upo.

"What do you mean?" I asked her.

"Dalian nyo na lang ni ginwo umuwi na kayo dito dalian nyo." Seryosong sabi nito.

"Sige sige bye." Agad kong sabi napatingin naman saken si ginwo.

"Ano meroon?" Tanong nito.

"Dalian daw natin umuwi may problema daw tayo sabi ni vale dalian daw natin." Seryosong sabi ko kay ginwo tumango naman sya at binilisan ang pag papatakbo ng kotse.

Hindi nag tagal ang byahe namin ay agad akong pumasok sa bahay at iniwan si ginwo.

"Vale anong problema? Anong ginagawa mo dito zerr?" Tanong ko habang naka tingin kay zerr na nasa harapan ko at nasa likod nya si vale na kalalabas lang sa isang kwarto.

"Anong bang problema?! At bakit andito si zerr?!" Tanong ko kay vale ng malapitan ko sya.

"Tingnan mo muna yung nasa kwarto bago ka mag kung ano jan." Mataray na sabi nya saka nginuso ang nasa kwarto sinilip ko ang ulo ko at nakita ko si neil na may tubo sa bibig at si miky na umiiyak sa tabi nito.

"What the hell vale!? Anong nangyari?!" Gulat kong tanong.

"Nag ka enkwentro sa bahay nila zerr dahil pumunta ron ang step dad nya at saktong andun ang mga kaibigan ni zerr at nadamay si neil ang tinamaan may galos naman si miky at nadaplisan si zerr sa braso." Vale said habang sinisipat ako.

"Andun ka! Bakit hindi mo nakita?!" Inis kong tanong.

"Andun ako vlad oo ginagawa ko ang trabaho ko ron, dumating si zerr kasabay nun ang pag dating ng tatay nya at ng mga pulis dahil hinahabol sya at yun! Masyadong mabilis ang pang yayari vladimir na kahit ako hindi naka tyempo mabuti na lang nakuha ko si neil kasama nila zerr kung hindi baka wala kang naabutan na mga kaibigan." Sabi nya saka ako hinila at pina upo sa tabi ng medical kit nya.

"Tangna talaga ng hayop na yun bakit dun sya tumakbo!? Hindi nya ba na isip ang asawa at anak nyang madadamay?!" Inis kong tanong.

"Ginagamit nya lang ang mommy ni zerr remember? Tss. Mamaya ka na dumaldal hindi ako makapag focus sa sugat mo." Galit na sabi nya nanahimik na ko at hindi na nag salita pa.

Nag bihis ako at agad na dinaluhan si miky at zerr sa sofa.

"Vladimir!" Sigaw ni miky at agad akong niyakap umiiyak nanaman sya.

"Sorry miks iniwan ko kayo." Hinging tawad ko umiling lang sya.

"I know you have a reason vlad save it saka na yan." Miky said ngumiti lang ako.

"Salamat sa pag intindi."

"Hindi salamat sa kaibigan mo kasi kung hindi sa kanya baka wala na kame ngayon." Miky said and she cry again.

Mag babayad ang may gawa nito.

---

Sabi nila masama daw maging mabait kasi inaabuso. :(

True kaya?

Vote!!

UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon