Prologue

9 1 0
                                    

Today is a sunny rainy day. Ang gulo, 'no? Ang sabi ng lola ko, kapag ganito ang panahon ay may kinakasal na tikbalang. I was so amused by that saying back then, how I was so amused by the word kasal. But not anymore.

I release a deep breath. I was running in the hot rain, paano'y ang gagong tricycle na sinakyan ko kanina ay ibinababa ako pagkatapos maaninag ang mukha ko.

Bwiset. Lahat nalang ng tao sa lugar na ito'y ayaw sa akin. Palibhasa'y mga inggit sa ganda ko!

"HOY SAISSSSS!" Sigaw ng kaisa-isang taong kakampi ko sa lugar namin-ang Trese Dos. Ang lugar na ito ay may halos isang libong populasyon lamang kaya't halos lahat ay magkakakilala na. Kakatwa'y lahat sila'y kilala ako bilang bastos at tarandatado. Well, totoo nga naman kasi, Syx! Bastos at tarandatado ka talaga!

"HOYYY!" Lumingon ako sa pinaggalingan ng sigaw at natanaw si Nami at ang kaniyang kunot na noo. Napatawa naman ako sa itsura nya. Panigurado'y nalaman na naman nito ang kalokohan ko kahapon.

"Gaga ka, sinira mo raw ang net ng gym?!" Ang net na kaniyang tinutukoy ay ang net na pangvolleyball. Oo, sinira ko ito pero may dahilan ako, 'no! Bakas ang galit sa mukha ni Nami dahil buhay lang naman nyan ang isports na 'yon! Tsk! Kala mo'y pinapakain siya 'non. Ang sakit kaya sa braso ng larong iyan!

"Uhm, dahil binastos ako ng coach n'yo?" Rason ko. Nanlaki agad ang mata nya at may pahawak pa sa bibig. Sus, OA talaga!

"Sabi na nga ba't manyak yang coach na yan eh! Diba't kinuwento ko sayong nahuli ko yang nagjajakol noon sa gym?! Naku, i-report na natin yan para mapaltan na!" Kita ko pa ang pagtango tango nya na tila ba'y sumasangayon siya sa sarili. Napatawa naman ako. Palibhasa'y ayaw nya sa kaniyang pangit at mabahong coach. Nararamdaman n'ya raw kasi ang tinatago nitong baho, na hindi naman s'ya nagkamali. Talaga ngang mabaho ang coach na iyan mapapisikal o ugali man.

"Na-report ko na. Napatalsik na yan kahapon pa." Nanlaki na naman ang mata nya.

"Talaga?! Waaaa! Sa wakassssss hindi ko na makikita ang panot na iyan!" Sigaw pa nya na naging dahilan para pagtinginan kami. Nakarinig agad ako ng mga bulungan.

"See?! I told you napatalsik yung coach ng volleyball because of Syx!"

"I heard sinira rin daw ng Syx na yan ang net ng gym na'tin! Wala talagang hiya!"

"Why not si Syx nalang ba ang patalsikin?"

"Kasi mauuna ka bago ako." Sagot ko sa huling bulong na narinig ko. Nakita ko ang panlalamig sa mukha nito. Nagtulukan pa silang magkakaibigan bago mag-unahang tumakbo.

"Tsk tsk tsk tsk. Mga chismosa nga naman! GAGO KAYO DAMI N'YO EBAS PITIKIN KO MGA CLITORIS N'YO EH!" Sigaw ni Nami sa mga ito. Wag kayo, duwag ang isang yan. Matapang lang naman yan kapag nakalayo na ang mga kaaway o kaya'y nakatalikod. "Tara na nga, male-late na tayo!" Sabay hatak sa'kin nito.

Nang marating namin ang room ay bulungan agad ang bumungad sa akin. Kumalat na pala talaga ang ginawa ko kahapon, ang kaibahan lang ay hindi nila alam kung bakit ko ginawa iyon.

Tsk. Gan'yan naman talaga ang mga chismosa. Hindi ka pa ba sanay?

"Walang first at second periodddd! Sa third period ay wala rin si ma'am pero papaltan s'ya ni Sir Jappp!" Sigaw ng pabibo sa room. Hindi yan class officer pero daig pa ang presidente sa paglaganap ng balita tungkol sa seksyon namin.

Isa-isang tumayo ang mga kaklase ko at nagpuntahan sa mga tambayan nilang magkakaibigan.

"Boringgggg! Tara na, Sais! Cut na!" Sigaw nito. Pinagtinginan kami ng iilang mga natirang kaklase pero inirapan lang nya ang mga ito. "Oh, rinig n'yo ko?! Sumbong n'yo na! D'yan naman kayo magaling, diba?!" Ani nito na may pa-sensyas pa sa kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Moon TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon