1 message received
Nasan ka na..?=-ONandito! Ano ba kasi to? :-\
Sent
1 message received
Nakita na kita. Tingin ka sa likod mo. ;-)Tumingin ako, nandun sa siya. May dalang bulaklak at tsokolate. Dahan dahan akong naglakad papunta sa lugar kung saan siya nakatayo. Kung saan kami nagkakilala at gumawa ng maraming alaala.
Hindi ko mapigilang ngumiti, habang tinitingnan siyang nakatayo. Halatang kinakabahan.
Kumaway siya.
"Kylie naman eh! Ang tagal mo!"
"Sorry na Drake."
"Papunta na daw ba si Zia?"
"Oo.. Nag text sakin."
"Para kanino yan?"
"Para naman tong ano! Siyempre kay Zia. I will ask her if she can be my girlfriend"
Oo nga pala. Hindi para sakin yung bulaklak at chocolate na yon. Plano namin yun, pasasagutin niya si Zia. Sana hindi. Ang sama ko no? Bestfriend ko si Drake and I can't help it to loved him for a year. Si Drake naman.. Hindi makaramdam. Nasa harap na niya yung taong mamahalin siya ng totoo, wagas at tapat hanggang sa huli pero ang tangkad niya kasi.. Kaya sa malayo siya palaging nakatingin.
Drake": ayun! Zia!!
Kumaway si Zia, halatang kinikilig.
Kylie: Zia! Over here!!Hinihingal pa si Zia na tumatakbo papunta sa coffee shop na palagi naming tinatambayan ni Drake.
Zia: oh? Bakit kayo nandito?
Kylie: /ngumiti/
Drake: Para sayo nga pala Zia! Happy Valentines, uhmm..
Zia: Oh my god, thank you Drake! You're the best talaga!
Kylie: May sasabihin siya sayo.
Drake: Uhm.. Zia.. Diba ilang bwan naman na ako nanliligaw sayo. Kilala mo na ako, kilala na kita. At alam mong mabuti ang intensyon ko sayo.. Can you be my girlfriend?
Nasaksihan ko sa harap ko pa mismo, habang hinabanggit ni Drake yung mga salitang halos sumasaksak sa buong puso/ ko. Ang tanga mo kasi Kylie. Pero wala eh, bestfriend ko siya. Gusto kong sumaya siya.
Tinitigan ni Zia si Drake.
Zia: uhmm Drake?
Drake: ayos lang kung hindi mo masasagot yung tanong ko. Naiintindihan ko, na if I really love you kailangan kong mag hintay.
Zia: OO na :-)
Halos tumalon sa tuwa si Drake, sa first girlfriend niya. Palagi siyang basted pero isa lang yung babaeng mas nag effort siya patra sagutin siya.
Drake: talaga? Zia?!
Zia: Oo! I love you :)
Drake: I love you so much! I'm so happy! 14 Monthsary natin! At Feb 14 ngayon!
Zia: oo!
Niyakap ni Drake si Zia. Habang ako? Nakatingin sa kanila. Ngumingiti, napaiyak sa sakit at tuwa. Ano ba dito ang dapat kong maramdaman? Yung maging masaya dahil sa wakas may gf na siya? O yung umiyak dahil sa ilang taon kong tinago na minahal ko siya na higit pa sa pagiging bestfriend.
Kylie: sige na Drake at Zia, alis na ako! Happy Valentines sa inyo! May date pa kami nung laptop ko. Baka magselos ! Haha.
Both: sige! Ingat!
![](https://img.wattpad.com/cover/32813240-288-k900879.jpg)