Chapter 2

8 2 1
                                    

Priera POV

After class ay dumiretso na ako sa canteen for my lunch since kumakalam na din naman ang sikmura ko. Pag dating ko sa cafeteria ay pumila muna ako at bumili ng aking pag kain pinili ko ay Chicken Katsu at isa toh sa mga fave ko isama na rin ang sisig.

After kong bumili ay nag hanap na ako nang aking mauupuan kaso halos punuan na ang mga lamesa pero may nakita ako duon sa gilid na table na isa lang naman din ang nakaupo kaya nilapitan ko na.

"Hi! Ako si Priera can I sit here since puno na ang mga tables?"

Napatingin sakin yung babae na nanlalaki ang mata at napatango sya na parang nag hehesitate. "Ahm okay opo ka lang dyan wala naman din ako hinihintay"

"Okie thanks by the way what's your name?" Takang tanong ko rito syempre kailangan ko name nya para atleast may friend na ko here.

"Ahm ako si Iris Zephanie Clinton nice to meet you" sabay abot naman nito nang kamay sakin

"OMG ang ganda nang name mo" masaya kong sambit. Bat ba ang ganda kaya yung Zephanie siguro yung greek word na Crowned with Laurels ang meaning hmm🤔

Nahihiya naman syang tumingin sakin sabay yuko at kumain. Tinignan ko ang kabuoan nya isa syang typical nerd thick eyeglasses shabby uniform thick eyebrows and books at the side of table na nilapag nya. Hmm she is also pretty kapag naging close ko na sya I'll take her for a makeover.

After I finish eating my food I decided to ask her a few question

"Hey Zephanie or Zeph I can call you that right?"

Napatingin sya sakin at parang luluwa ang mata nya sa laki nito pero napatango sya sakin

"Okay then you can just call me Priera or Zender anything you like were friends now okay? Okay" inabot ko ang kamay ko sakanya para makipag shake hands pero parang nanlalaki pa mata nya sakin na ewan. Pero dahan dahan na din naman nya inabot sakin ang kamay nya edi ending ay nag shake hands kaming dalawa.

"So chikahan mo naman ako sa anong meron sa school na toh Zeph" pangungulit ko pa dito. Napa buntong hininga na lamang sya at ngumiti sakin sabay kwento.

"Ahh sige san nga ba ako mag sisimula? Ahm dito sa school may iba't ibang klase ng students dun sa part na yung dun nag sasama sama ang mga atlethes like jocks and cheerleaders." Sabay turo nya dun sa isang table na maiingay "Dun naman sa part na yun is mga emo at dun sa part naman is the rich kids or mga mayayabang kaya wag mo silang lalapitan, ewan ko lng kung may mabait dyan pero mas maganda if di mo iapproach." Sabay turo nya dun sa mga tao dun sa gilid ng cafeteria.

"At kami namang Nerds as you can tell is pakalat kalat lang dedepende nalang sa isang nerd if makakapasok sya sa mga cliques na meron dito sa school, pero ususally naman mas gusti namin na mag isa lng kasi mostly sa iba introverts" napatango tango ako sa sinabi nya habang ginagawa yun ay napansin ko ang isang table nang mga taong parang nag memeeting habang kumakain na ewan.

"Eh sila ba ano sila sa school?" tanong ko kay Zeph sabay turo dun sa table sa gitna. 

"Ahhh yan naman ng pinaka makapangyarihang clique ang student council" sagot nito

"Eh bakit naman? Porket student council makapangyarihan na ganon?" Umiling naman si Zeph sa tanong ko.

"Well hindi naman ganon sadyang sila ang namamahala sa lahat ng clubs and ang student council President nila ay ang anak ni Mr. Rafini yung may ari ng pang top 1 company sa ASIA kaya ayun takot silang lahat sakanya" Napatango tango naman ako at na amaze sa sinabi nya sakin, ganon pala yun noh kapag makapangyarihan ka kakatakutan ka talaga ng lahat.

-------

So ayun nga natapos na ang school day napag alaman ko din na classmates pala kami ni Zeph sa iba kong classes. 

Dumiretso na ko sa bahay ko sa Oblivion, pag abot ko sa gate ng subdivision ay nag hi muna ako kay kuya guard. Pag kapasok ko sa bahay ay tinanggal ko muna ang sapatos ko at sinabit sa upuan ang bag ko sabay bagsak sa sofa.

hanggang sa diko na namalayan na naka tulog na pala ako pag tingin ko sa  orasan ay 8 na pala ng gabi. Naligo na lang muna ako at nag bihis napag desisyonan ko nlang din na manood ng Bigflix sa tv pero bago yun nag luto muna ako ng favorite kong butter popcorn. 

After ko manood ay nag toothbrush na ko at natulog para sa araw ko bukas.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Accidental FallWhere stories live. Discover now