[ ANTON's POV ]Isang linggo ng mag mula ng ma ospital si Aileen at naging mas maingat ako sa pagbabantay sa kanya.
Hahatid ko sa umaga at susunduin sa hapon.
Pati sinabi ko sa kaibigan niya na kung magkayayaan man silang, kumain ng street food ay huwag ng idamay ang kapatid ko.
Ingat na ingat na ako sa kanya siya lang yung babae kong kapatid at wala ng iba pa.
Natatakot akong mapahamak ulit siya, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sa isang linggong lumipas hindi pa rin nawawala ang takot ko na mapahamak ulit siya.
Kaya doble pag iingat ko rito.
Pare'koy!!! Napalingon ako sa nagsalita.
'oh zybin musta?' pangangamusta ko rito.
Pare'koy ayus lang! Nakangise niyang sagot.
Tch..
Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Sabi nito at naupo sa tabi ng upuan ko.
Ba't ako? Nalilito kong tanong.
Tch.
'sabi ng Girlfriend ko kilala mo raw yung kaibigan niyang babae! Nanunukso niyang sabi.Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, gayung hindi ko nga kilala ang girlfriend niya oh mga girlfriend niya.
"Sino ang tinutukoy mo?" tanong ko rito.
'ahmm... Si ano.. Si ano!!' pilit niyang inaalala kung sinong babae ang tinutukoy niya.
Na alala ko na si Geinnel! Sabi niya lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya
O__O '
Kila..la mo s.. ya? Nauutal kong tanong
Tumawa lang ang loko.
Yeahh! At girlfriend ko yung kaibigan niya! Sabi ni zybin na may nanunuksong tingin.
' Na napagkamalan kang manliligaw ng kaibigan niya! Pagpapatuloy nito.
Ahh. Tango na lang ang naisagot ko sa kanya.Hindi ko mapalagay gusto ko syang tanungin kung ano ang buong pangalan ni Geinnel.
Ngunit nasisisguro kong aasarin din lang naman ako ng loko, huwag na lang.
'kung tatanungin mo ang buong pangalan niya huwag kang mahiya.' sabi nito.
Tch..
Wala akong balak tanungin.
Hindi ako interesado! Sagot ko rito.
'sigurado ka?' paninigurado nito.
Oo nga. Inis kong sagot ngunit sa loob - loob ko gusto ko talagang malaman kung anong buong pangalan nito*
Okay! Aalis na ako tutal naman hindi ka interesado! 'ani niya at walang kahirap hirap na tumayo sa pinagkakaupuan niya.
Hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay hinigit ko na ang braso niya.
Ang loko tumawa lang ng tumawa.
Gusto kong mainis kung bakit ko siya hinila.
Ahahah pare' koy magkakaroon ka ng dahilan para hindi matuloy ang pagpapari mo. Ng aasar niyang sabi
Tch.
Sabihin mo na lang yung buong pangalan niya! Sabi ko rito
Nino? Tanong niya °patay malisya pa ang loko alam niya naman ang tinutukoy ko!
Alam mo kung sino nag tinutukoy ko. Inis kong sabi rito.
Hahaha
Easy ka lang sasabihin ko na.
Her name is
'Mady Geinnel Guevarra '
Sabi niya
Ang ganda ng pangalan niya she's pretty also,i think she is a photographer i guess.
Ahemm ang layo ng nararating ng imahinasyon mo ah. Pangaasar niya.
Puwede mo namang ishare sa'kin yang naiisip mo diba?! Tanong nito.
Hindi. Sagot ko rito at itinuon ang atensyon sa labas ng room.
Ang kaibigan ko ay umiibig na sa dalagang ngalan ay Geinnel!
Ang pag papari niya'y mauudlot dahil ito'y inlove....!!
La..la... La....la.....la.Kanta ng lolo kong kaibigan nabibingi ako sa panget ng boses niya.kakanta na ngalang pumiyok pa.
Sa sandaling siya'y magmahal pati asin kikiligin!
May sayad ang kaibigan ko pati asin dinamay. May pagkakataon na sadya syang baliw huwag nyo na lang pansinin.
Geinnel!! Geinnel!! Geinnel ohh Geinnel laman ng isipan ni Jansen. Pagtatapos niya sa pagkanta.Tiningnan ko naman siya ng isnag masamang tingin.
Sinabi nang huwag mo kong tatawaging Jansen! Inis kong sabi rito.
Pare'koy ang ganda ng second name mo! Ani nito.
Edi sayo na !
Ewan ko ba sa magulang ko puwede namang Anton na lang ang pangalan ko may Jansen pa!! Inis kong kwento rito.
Thanks to your parents! Ani nito.
'ikaw may second name ako nga wala Eh.' sabi nito
Kaya nga binibigay ko na sayo diba.
Natawa na man ito!
Tok... Tok... Tok..
