I will not be the person you settle for just because you can't have her.

7 1 8
                                    

"Naalala mo ito? Diba dito tayo kumain non habang nasa bench tayo?"

"Oo naman."

"Eh ito? Diba kumain din tayong ice cream non. Naaalala mo?"

"Oo naman. Vanilla akin tas chocolate sayo."

"Naalala mo nung..."

"Tumigil tayo para magsintas ng sapatos"

"Mali. Pinatigil kita kasi natanggal sintas mo tapos tinali ko para sayo"

"Oo..."

"Ang saya namang balikan mga ala-ala natin noon noh? Sana ganun parin tayo hanggang ngayon.."

Tumigil ako sa paglakad at tinignan lang ang likod niya habang patuloy parin siya sa paglakad.

Hindi ko namalayan sa pag hakbang ng mga paa niya palayo sa akin ay unti-unti ring pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Anne! Halika na! Diba gusto mo sumakay ferris wheel?"

Malapad na ngiti niya ang sumalubong sa akin sa pag harap niyang muli. Agad ko g pinunasan ang mata ko at naglakad papunta sa kaniya.

Kinapitan niya ang kamay ko at hinila niya ako patakbo. Kamay, na ayaw na ayaw kong bitawan.

"Anne. Tara na?"

Huminga ako ng malalim habang inaalalayan niya akong makapasok. Kumapit ang ng mahigpit gilid ng inuupuan ko ngunit kinuha niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

Ilang minutong katahimikan bago siya tuluyang magsalita.

"Naaalala mo ba, nung unang sakay natin dito takot na takot ako pero kinapitan mo lang 'yung kamay ko at sinugurado mo sakin na hinding hindi mo ako bibitawan?"

"Hindi..."

"Anong hindi?"

"Hindi ko maalala" sabi ko sa kaniya at tumingin na lamang sa kamay naming magkakapit upang pag hiwalayin ito.

"Bakit? Ayaw mo na ba talaga? Hindi mo na ba kaya? Maghipit na ba masyado ang kapit ko sayo? Nasasaktan na ba kita?"

Wala na akong ibang nagawa at nasabi kung hindi tumango na lamang sa kaniya habang patuloy sa pag patak ang luha ko.

Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at kinapitan ang mukha ko para iharap sa kaniya.

"Ayokong nakikita kitang umiiyak o nasasaktan. Ayokong nasasaktan ka ng dahil sa akin"

Pinunasan niya ng dahan-dahan ang mukha ko at ngumiti.

"Pero Anne, mahal mo parin ba ako?"

"Mahal na mahal... hindi mo alam kung gano... kita kamahal" mahinang sabi ko sa kaniya

"Pero siguro hindi sapat yung pag mamahal na binibigay ko sayo kapalit ng pag mamahal mo... kaya nasasaktan ka ng ganyan. Pero ayos lang... Patawarin mo ko kung di kita kayang iwanan. Mahal na mahal lang din kita Anne"

"Chocolate ang paborito kong flavor ng ice cream, hindi vanilla pero nunng araw na 'yon kumain ako ng vanilla.Natanggal ang sintas ng sapatos ko nung araw na 'yon pero ako sng nagsintas non"

"Ano bang sinasabi mo naguguluhan ako sayo Anne" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kasama mo ako nung araw na 'yon pero hindi ako yung mahal mo noon."

"Ikaw lang ang mahal ko Anne. Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ako si Anne."

"Ikaw si Anne! Hindi ako pwedeng magkamali! Oo tanggap ko nang nasaktan kita oo! Pero para mag sabi ka ng mga walang kwentang bagay!?"

"Ako si Arriane. Hindi ako si Anne."

"Hindi..."

"Mahal kita pero I will not settle with this kind of love. I will not be the person you settle for just because you can't have her! I know that we look a like because we are twins but it doesn't mean that I will change myself to be her para lang mapunan ang pagmamahal na hinahanap mo--- matagal nang patay si Anne, hindi ko matanggap pero mas hindi ko matanggap na ginawa ko pang magpanggap para lang mahalin mo rin ako..."

"Pasensya ka na kung hindi ko na kaya.... ayoko lang mabuhay sa kasinungalingan... Mahal kita kaya gusto na kitang maging malaya at maging masaya.... mahal kita pero mas mahal ko ang kapatid ko."

I Will Not Be That Person | One Shot Story Where stories live. Discover now