Boyfriend Kong Kuya (One Shot)

884 17 2
                                    

Math. Math. Math. 

Kailan mo kaya ako lulubayan? Ugh. Algebra, Geometry. Ulit-ulit nalang. 

Napatingin ako kay Agnes, busy na busy siyang sinasagutan yung activity. Kokopya nalang ako sa mga sagot niya.

"Agnes," sabi ko sakanya na may pagkasweet voice.

"Ano?" nakafocus parin siya sa notebook niya at nagsusulat.

"Pakopya, please please please? Lilibre kitang lunch." 

Agad-agad naman niyang binigay ang kanyang notebook sakin at bumungad sa harapan ko ang ngiti niyang pagkalapad-lapad. 

Ang takaw talaga nitong babae to.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"Okay class, this will be a take-home activity. We will check that tomorrow. Class dismissed."

SALAMAT UWIAN NA! MAKAKALAYA NAKO DITO! FREEDOM FREEDOM FREEDOM!

Inayos ko na yung gamit ko at dirediretsong lumabas.

"Hintayin mo naman ako, Claire!" sigaw ni Agnes sa likod. 

"Pagkatapos kitang pakopyahin sa math, iiwan moko. I hate you!" ayun, nagsusungit nanaman. Nakamens ata to eh. 

"I love you too, Agnes. Lumabas lang ako ng classroom baka kase nandyan na si Raven eh."

Mark Raven David. Siya lang naman ang aking mapapangasawa. Hahaha, chos! Boyfriend ko siya, 2 years na kami at anniversary namin ngayon. Odiba! Kaya nga excited nakong lumayas dito eh. 

Claire pala pangalan ko, Claire Anne David. Magtaka kayo kung bakit parehas kaming David ni Raven, kase nga MEANT TO BE KAMI PARA SA ISA'T ISA! Hahaha, kahit na hindi pa kami kinakasal, gamit-gamit ko na apilyedo niya. 

"AY! OUNGA PALA! HAPPY ANNIVERSARY SAINYO! OMG CLAIRE 2 YEARS NA KAYO! MEANT TO BE TALAGA KAYO SA ISA'T ISA!" bati sakin ni Agnes at niyakap ako na kinatuwa ko naman.

"Oh pano ba yan Claire? Iiwan na kita ha. Araw niyo to ni Raven eh. Sige, see you!" at umalis ni si Agnes.

Umupo ako sa may bench, malapit sa isang fountain. Dito daw kami magkita ni Raven eh.

Excited nako kase sabi niya daw ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya. Medyo kinakabahan nga lang baka kase hindi ako magustuhan ng mama at papa niya eh.

Ang tagal naman ni Raven. Halos 30 minutes na akong naghihintay di--

Uso pa ba ang harana?

Napatingin ako sa side ko, 

Si Raven at ang mga kabarkada niya.

Marahil ikaw ay nagtataka

Nakabarong silang lima, yung apat nag gigitara,

At si Raven may hawak na pulang mga rosas, kumakanta.

Sino ba 'to, mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Lumapit silang lima sakin at tinayo ako ni Raven. Ngumiti siya sakin at kinindatan ako. 

OMG KINIKILIG AKO NG SOBRA SOBRA! KYAAAAAAAAAHH!

Meron pang dalang mga rosas

Boyfriend Kong Kuya (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon