-Ako to si Vince-
"Maegaaaaaaan"
Tumatakbo ako papunta sa bestfriend ko.
Inhale-Exhale-Inhale-exhale. Grabe,hiningal naman ako dun.
Nang makalapit na ako sa kanya ngumiti siya sakin.
"Oh bakit?"
"AH ....eh.. Ano kasi.. yung yung.." Naman oh! Nauutal na ako. Ang cute naman kasi nitong kaibigan ko.
"Hmmm, Ano nga yun?"
Ayan lalo pa siyang nagpapacute. Ai MALI! Hind siya nag papacute kasi natural na talga ang pagiging cute niya.hehehe :D
"VINCEEEENT"
Para naman akong nagising sa panaginip ko nun. Ayan ,medyo sumigaw na siya. Halatang naiinis na. Pano , halos isang minuto din akong napatulala eh.
"Eto Oh . ^___^ "
Sabay lahad ko sa kanya ng maliit na garapun na may lamang maliliit na isda.
"Wow! Ang cute naman ng mga fish. Pero kawawa naman sila. Baka namimis na sila ng parents nila ,tska baka mamatay sila Vince. Ibalik na natin sa dagat."
Naku naman, bigla tuloy ako naawa sa mga isda. Parang kanina lang eh pinag iisipan ko kung iisasama ko ba sila sa isda sa aquarium namin sa bahay o sa kwarto ko nalang. (LOL)
"AH. Eh. HE.HE.HE, Ibabalik ko naman talaga sila ,gusto ko lang muna ipakita sayo."
Sinungaling ko no? XD
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa dagat.Pinakawalan na nga niya ang mga isda. (Yung isdaaaa koooooo! WaaaaaaaaaG! -____-
Joke lang. hehehe)
Magkahawak parin ang kamay naming dalawa, parang wala nga siyang balak bitawan eh. Naconscious naman ako kaya ako na ang unang bumitaw.. Nang inalis ko ang mga kamay ko, bigla siyang napatingin sa'kin. Hindi ko alam kung lungkot ba yung nakita ko sa kanyang mga mata. Napayuko kasi ako bigla. Ewan ,I can't look at her eyes eh.
"Halika gawa nalang tayo ng sand castle."
Siya ang unang nagsalita saming dalawa. Pagangat ko ng ulo ko, nakangiti na siya. Hay.Nag kamali lang siguro ako ng tingin kanina.Tsaka bakit naman siya malulungkot diba?
".Paglaki ko, gusto ko rin mag patayo ng palasyo para sa princess ko ^.^ ."
"Eh di maging Architect ka paglaki mo."
"OO nga no!" Talino talaga ng Bestfriend ko.Kaya LAB ko siya eh.
Nagusap lang kami ng kung ano ano hanggang tumahimik siya at tumingin sa dagat. Nakakuha naman ako ng pagkakataong matitigan siya. Ngayon ko lang napansin ,hindi lang pala siya cute ,MAGANDA talaga siya. Morena ,matangos ang ilong,mahaba at makapal ang pilik mata. Marami ngang nag tatanong kung may lahi daw ba siyang Indian. Natatawa nalang nga sila Tito Ernest at Tita Mae (magualng ni Maegan) sa mga nagtatanong.
Tumingin siya bigla sakin. Naku naman.Nahuli ako.Malas! Bigla siyang nagsalita. Kinabahan naman ako nun.Baka naka halata na siya. =.=.
"Alam mo, na realize ko, na, a girl can be princess without a castle. Kelangan lang niya ng prince na mag paparamdam sa kanya na siya lang ang princesa niya."
"HA?"
Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"Wala. . . Sirado mo ang mouth mo baka pasukan ng langaw. HAHAHAHa!"