ONE

1.8K 111 11
                                    

RYOTA Point Of View...

Naranasan nyo na bang balewalain?

Naranasan nyo na bang maiwan?

Naranasan nyo rin bang masaktan na kahit walang kayo nasasaktan ka?

At ang masakit kahit na iniwan ka nya mahal mo parin sya....

Ako nga pala si Ryota Miyagi ang nag iisang team captain ng SHOHOKU na pumalit kay Takenori Akagi. Inaamin ko hindi na ako masaya dahil mula ng umalis si Ayako papuntang america nawalan na ako ng gana mag laro.

Palageng sinasabe ni Hanamichi sakin na maraming babae akong makikita pero hindi ko magawang kalimutan si Ayako. Mula ng makita ko sya sa SHOHOKU nangako ako sa sarili ko na ipapanalo ko ang bawat laro para makita ko ang mga ngiti ni Ayako ng sa ganun hindi ko makita na umiiyak sya o nalulungkot pero ako pala ngayon ang maiiwan sa ere.

"Kulot."

"Ang aga mo ata? eleven o'clock pa ang practice." pagtataka ni Mitsui ng makita ako sa gym.

"Iniisip mo si Ayako noh kulot? sinasabe ko sayo magpalit ka na ng sinisinta ganyan din ako kay Haruko dati pero ngayon si Aicelle pala talaga ang para sakin." sabe ni Sakuragi habang tumatawa.

"Hindi naman sa nakikialam ako Miyagi pero tama si Sakuragi wag mo ng hintayin si Ayako paano kung di na sya bumalik ikaw lang ang masasaktan. Ang dami daming babae dyan na pwede mong ligawan mas maganda pa kay Ayako." sabe naman ni Mitsui

Hindi na lang ako kumibo at lumabas na lang ako ng gym. Hindi ko alam kong tama bang kalimutan ko na lang si Ayako naiisip kaya nya ako? Naiisip kaya nya ang pinaka magaling na point guard sa buong distrito ng KANAGAWA hay...

"Ryota Miyagi...

Nagulat ako ng may tumawag ng pangalan ko wala naman akong makitang tao kundi ako lang...

"Ryota Miyagi...

"Sino ka lumabas ka multo kaba?" tanong ko.

"Mukha ba akong multo sa paningin mo." pagsusungit ni Ayako.

"Ayako hehehe....

Hindi ko akalain na makikita ko ulit sya napaka ganda talaga nya.

"Kailan kapa dumating Ayako?" bungad nila Mitsui at Sakuragi.

"Babalik din agad ako sa america isang linggo lang ako dito." sagot ni Ayako.

Sa tuwing sasabihin nya na babalik sya ng america nalulungkot ako pakiramdam ko hindi na sya babalik dito sa KANAGAWA.

"May isang tao nga dyan Ayako nagdudusa ang puso di ba Mitchi." pang aasar ni Hanamichi.

"Wala akong sinabe Miyagi." sabat ni Mitsui.

"Nakakainis talaga tong dalawa sa harap pa talaga ni Ayako." bulong ko.

"Kamusta naman ang pagiging captain mo? Pinagbubutihan mo ba ang paglalaro kahit wala ako?" tanong ni Ayako sakin.

"Oo Ayako pinagbubutihan ko para sayo." sagot ko

"Sus parang nung isang araw lang ang sabe mo mag ququit kana sa basketball dahil wala na si Ayako wahahaha."

"Hanamichiiiii....

"Eh totoo naman kasi ang sinasabe ni Sakuragi muntikan pa kami mawalan ng captain." pang gagatong pa ni Mitsui.

"Totoo ba Ryota? Bakit ka mag ququit dahil ba sakin?" tanong ni Ayako.

"Naku hindi Ayako hindi dahil sayo ano kasi...

"Dahil sayo yan Ayako kaya magququit yan si kulot." sagot ni Hanamichi habang tumatawa.

"Tumigil ka dyan Hanamichi." bulyaw ko sa kanya.

"Gusto ko makita ulit ang paglalaro mo Ryota pwede bang wag kang mag quit para sakin." pakiusap ni Ayako at hinawakan ang kamay ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko lalong lumalakas ang tibok ng puso ko nanginginig din ang mga kamay ko. "Ayako." sambit ko habang nakatitig sa kanya..

"Bakit nanginginig tong kamay mo Ryota? Pasmado kaba?" natatawang tanong ni Ayako sakin.

"Hah oo pasmado ako. Ayako pangako hindi na ako mag ququit at pagbubutihan ko ang paglalaro para sayo."

Napaka ganda talaga ni Ayako at napaka bait pa nya kahit na madalas nya akong pagalitan o kaya tarayan. Yun naman kasi ang minahal ko sa kanya kaya nga di ko magawang kalimutan sya.

"Ano practice na." sabe ni Ayako sakin saka kumindat.

"Hehehe sige...

Kahit isang linggo lang si Ayako dito susulitin ko na lang ang araw na kasama ko sya....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐔𝐂𝐊𝐈𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐆𝐔𝐀𝐑𝐃 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon