Kapag naaalala ko ang mga araw
Na magkasama tayong dalawa
Ngiti at luha sa aking mga mata
Gano'n na pala tayo dati kasaya'Yung tipong kapag tayo'y nagkatitigan
Magngingitian para bang nahihibang
Mag-iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran
Kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakialamPanahong nando'n ka pa, laging pumupunta
'Di inaasahan, may sorpresa ka laging dala
Ang saya-saya, ayoko lang pahalata
Kasi okay na naman ako basta makasama kaKaso lang wala ka na
Pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko, wala nang makakagawa
Makakatumbas ng 'yong napadamaKaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita
Na nami-miss kitaSa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rin kitaKasi 'di ko na matiis, love
Dahan-dahan kitang nami-miss, love
Ilang beses man nilang aliwin
Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong kini-kiss, love'Di pumapayag na 'di kita kasama
Kung makayakap, daig pa mag-asawa
Nakaalalay sa ano mang bagay
Mawala man ako sa sarili, laging nand'yaan kaAt kung mababalik ko lang
Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan
Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan
Balang araw kaso biglang umulan, yeahDahil nga wala ka na
Pero alam ko na masaya ka na
Sa mundo ko, wala nang makagagawa
Makakatumbas sa 'yong napadama, ohAlam ko namang kasalanan ko
Oh, sinayang ko
Malabo nang pagbigyan mo
Malabo nang pagbuksan moKahit ano pa'ng paghirapan ko
Pa'no kung ayaw mo?
Anong magagawa ko?
Anong magagawa ko?Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita
Na nami-miss kitaSa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rinKaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo
Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko
At inaamin ko na nami-miss kita (nami-miss kita)
Na nami-miss kita (no, no, no)Sa 'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko
Pangakong ipagdadasal pa rin kita
Ipagdadasal pa rin kita (no, no, no)