"Ilan nga kayo sa klase?" tanong ni Ma'am Joanna.
"40 po Ma'am" mabilis na sagot ng mga kaklase ko.
"Okay. There will be 5 groups with 8 members. Kayo na ang bahalang pumili ng magiging kagrupo niyo. Okay?"
"Okay na okay ma'am! Yahooo! Yes!" sumasayaw-sayaw na sagot ng isa sa mga kaklase ko na ikinatawa na lang ni Ma'am.
Napaiwas na lang ako ng tingin at mas piniling ituon ito sa labas. Maraming mga estudyante ang masayang nakikipag-usap kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sana ay mayro'n rin ako kahit isa. But, it's very impossible para sa akin ang magkaroon ng kaibigan. No one likes me.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ibalik ang paningin sa loob. At doon ko lang napansin na wala na pala si Ma'am at may kanya-kanyang grupo na ang mga kaklase ko. Nakabilog silang lahat.
Nang ilibot ko ang paningin ko, napangiti na lang ako ng mapait. Katulad ng dati, ako na naman itong walang kagrupo. Kung magkaroon man, 'yon ay dahil no choice na sila.
Pero masaya na ako do'n, at least, kinukuha pa rin nila ako kahit alam kong napipilitan lang sila.
"Ay! Bakit pito lang tayo? Eh 'di ba, 40 tayo? Paanong nagkulang tayo ng isa?" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko sa may bandang harapan ko.
"Hoy! Sino dyan ang sob---" napatigil ang isa kong kaklase nang magtama ang mga mata namin.
Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako.
"Ms.Barbara, dito!" may halong inis sa boses na tawag niya sa akin.
Ngumiti na lang ako at saka lumapit sa kanila. At pagkarating ko, pakiramdam ko ay hindi ako welcome. No one greets me, kahit simpleng hi.
Pauwi na ako ngayon at katulad ulit ng dati, tinakasan ko na naman yung driver ni Mommy. Mas gusto ko kasing maglakad pauwi. It makes me feel better. I find it peaceful and relaxing.
Maraming tao sa paligid at halos lahat sa kanila, ay may mga kasama. Kung hindi nagkukwentuhan, nagtatawanan naman.
Mahina akong natawa nang makita ang isang grupo ng magkakaibigan. Aksidenteng nadapa ang isang kasama nila, at bago ito tulungan, lahat sila ay humagalpak muna ng tawa. Napairap na lang yung nadapa at saka pinagpapalo isa-isa ang mga kaibigan niya sa pwet na ikinatawa nilang lahat.
Ang saya nilang panoorin.
Matapos ang halos isang oras na paglalakad, ay nakarating na ako sa amin. Pagkapasok ko sa loob, isang sampal ang agad na bumungad sa akin. Bahagya akong napapikit at hindi agad nakagalaw.
"What do you think you're doing Lorrie?!"
"I'm sorry mom. Sorry po kung tinakasan ko ulit si Mang Jerry" nakayukong sambit ko.
"Sorry? Eh dito, anong sasabihin mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bagay na inihagis niya sa harapan ko na ngayon ay bumagsak sa sahig. It's my card.
"Paano mo maipapaliwanag sa akin ang 88 mong grade sa math, Lorrie? Anong ginagawa ng pesteng 88 na 'yan sa card mo? What the hell?! Kailangan ko pa ba talagang ulit-ulitin 'to sa'yo ah? Ayoko ng line of 8 sa card, Lorrie! I want 95 above. Ganyan ka na ba talaga ngayon ka-bobo? Are you really serious? Ngayon, ano na lang ang sasabihin ng mga Tita mo? Yung mga pinsan mo, kailanman ay hindi pa nakakakuha ng 90 below na grade. For the very first time, nagkaroon ng grade na 88 ang isang Barbara. Nakakahiya ka! Bakit ba kasi ikaw pa ang naging anak ko? Oh my god! Pwede ba, umalis ka na sa harapan ko? You're really annoying! Kaya wala kang kaibigan eh" mahabang sermon niya sa akin.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomThis is my compilation of One Shot Stories inspired by all my favorite songs. --- Photo is not mine. Credits to the rightful owner.