Alam mo ba yung pakiramdam ng inlove?
Siguro yung iba sa inyo oo. Kasi ako hindi!
Hindi ko alam yan, ang alam ko lang CRUSH! Hindi LOVE! Haha.
Ano bang pinagkaiba ng crush sa love?
Para sa akin, ang crush, paghanga, paghanga sa mga taong gwapo, maganda, matalino, mabait at syempre siya yung taong nagiging inspiration mo sa bawat bagay.
Tapos ang love, yun yata yung di ko kayang iexplain kasi di ko alam kung ano yun, di ko pa alam kung anong pakiramdam nung ma-inlove.
Pero ang napapansin ko sa mga taong sinasabing in-love sila is yung pagiging masaya nila sa piling ng taong mahal nila, yung bang parang aalagaan ka nila, parang wala nang makakapigil pa sa inyong dalawa, ganun yung napapansin ko. Haha
Pero ano nga kayang feeling nun noh?
Siguro ikaw alam mo, masarap ba yun?
Matamis?
Maalat?
Maanghang?
O maasim?
Haha anu ba to pagkain?
Hindi joke lang! :D
Pero clear ko lang hindi ako nagmamadali, nagtatanong lang, nakakacurious lang kasi… :p
Pero alam ko naman na hindi pa ko handa sa ganyan, tsaka hello? 1st year college pa lang ako noh, masyado pa kong bata para jan. haha
Crush pede pa ee…
Aaminin ko marami ako niyan…
hahaha xD *malandi lang.. hanggang tingin lang naman po kasi ako.. hehehe*
---
Ayy oo nga pala, may nakakalimutan ako, hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala, ang daldal ko noh? Pasensya naman haha.
Ako nga pala si Seiko, Sato Seiko. 16 years old, full blooded Filipina, pangalan ko lang ang naiba. Obviously Japanese name kasi, tsaka ang galing ko naman nakakapagtagalaog ako tapos straight pa. oh diba? San ka pa?
Ee kasi ganto yan,
*flashback*
Yung mama ko, accidentally nabuntis ng tunay kong papa, ee di naman kayang panindigan si mama kaya iniwan niya.
Ee saktong sakto naman yung dating ng isang hapones na ubod ng gwapo at ubod ng bait.
Manganganak na si mama sakin nun, ee walang pambayad kaya sinagot nalang nung hapones.
Ang kapalit, papakasalan ni mama yung hapones at isasama kmi sa Japan para doon tumira.
Kaya eto ako ngayon kahit hindi mukang haponesa nasa japan nakatira.
*end of flashback*
Haha oh sya okay na yan para sa introduction masyado nang mahaba.
Balik tayo sa reality, eto ako ngayon nakatayo sa harap ng isang napakalaki at super duper yaman na university.
TAKE NOTE: Para syang international school. Tapos yun nga lahat ng estudyante dito mayayaman. Karamihan may lahi. Tapos ang gagaganda at ang gagwapo pa… parang mga artista, ung iba ata jan, model ng bench or something famous around the world. Basta parang di ako bagay dito pero wala ko magagawa kailangan ko magtiis sa mga nakasisilaw na nilalang na mga ito. Hahahaha
*AUTHOR'S NOTE: may binago po ko sa story since hindi pa naman po to kompleto ng todo... ahehehe*
Gusto ko sanang kumuha ng multimedia arts na course.. hilig ko kasi talaga ung arts, drawing, music, dancing... kaso Engineering ang pinakuha sakin ng Japanese father ko. kaya aun no choice... kailangan sumunod... mabait naman sya samin ni mama ee... sobrnag bait... mahal na mahal niya kami.. kaya di ako makatanggi sa kung anu ang gusto niya... un na lang ang maibibigay kong pasasalamat sa kanya...
ayan ang drama ko na naman... hehehe
BINABASA MO ANG
Is this what you called Love?
Teen Fiction"Is this what you called love?" ang title na naisip ko kasi gusto ko kayo din readers magbigay ng comment about what love is. kasi naniniwala ako na ako mismo kahit in love ako alam ko hindi pa iyon ang tunay na pagmamahal kasi para sakin si God lan...