HAGDAN (RON HENLY)

1.2K 1 0
                                    

.

Araw-araw ay kabaliktaran ng swerte

Mukha lang inosente pero pwede magrebelde

Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende

Kung minsan ang kulay pula'y ginagawa kong berde

Nakasagutan ko si Nanay, si Utol nakaaway

Hindi nako umuuwi ng bahay

Nagpunta sa kapitbahay, nakitulog, nakitambay

Nakiuso, nakibagay, naki-usok, nakitagay

Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo

Paulit-ullit lang umaasang may magbabago

Binusog ko lang lalo ang adik kong pagkatao

Pag nagtalo yung dalawang aso yung mabuti yung talo

Napalayo sa realidad

Naglalakad ako ngunit akala ko ako'y lumilipad

Laging tamang hinala, panay maling akala

Hinahabol ko ang tama at mukhang mali na ata

Koro:

Gusto kong maglayag

Gusto ko mga pangarap ko'y mangyari agad

Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad

Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat

Teka wag kang magmadali, dahan-dahan lang (dahan-dahan lang!)

Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

II.

Ang kalaban ko ay nasa likod nakangiti

May inaalok sya sakin di ako makahindi

Di sila nakaitim, bagkus, nakaputi

Nung ako'y nakatikim, hindi nako umuwi

Sa aking tunay na buhay

Humaba lang ang sungay

Ang patunay nun ay ang lakad ko ay pasuray-suray

Ako ay uminom ng lason kahapon

Umaasang yung taong yun ang nasa kabaong

At ako ay nilamon ng buhawi

Inanod ng ugali kong simbaho ng pusali

Sa sobrang bangis nagawa nila akong itali

Ang buhay ay tungkol sa kung papano ka bumangon at bumawi

Sa aking pagbalik, sa liwanag ay nasilaw

Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw

At kahit na nasasabon, wag na wag kang tatalon

Sa bawat bagyo tandaang laging may PAG-ASA, Ron!

KORO

III.

May araw na malas, may araw ring swerte

Tanggap ko ng pula'y hindi pwedeng maging berde

Hindi madali pero posible

Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple

May mga taong inilagay para ako'y itumba

Isang kalabit nalang at ako'y puputok na

Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga

Binabato-bato ng may mahulog at makuha

Sa aking kahinaan ay naging malakas

Lalo akong tumingin paloob imbis palabas

Isinapuso ko, di ako masyado nag-isip

Ng kung ano-ano, lalo ko lang niyakap ang inip

At ako ay nagpasakop sa programa

Sa tulong ng aking mga bagong kasama

Ako ay nakabangon sa kama

Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga.

KORO 2x

LYRICS OF ANY MUSIC SUGGESTION (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon