Chapter 1

26 3 0
                                    

Chapter 1


Hayst. Life ang hirap mo na talagang intindihin. Isa ka pa tadhana di ko naman kayo inaano pero sarap na sarap kayong pahirapan ako.


Pumunta ako nang cubicle ko at nag search sa internet ng mga articles about sa mga Engineers na nasa listahan. There were five of them. Andreas Gonzales, Gabriel Fuentez, Benj Oliveros, Hasy Perez and Andres Casabueno. Kilala na silang lahat dahil marami nang articles tungkol sa kanila pero iba din itong si Andreas Gonzales dahil hindi lang siya sikat dito sa Pilipinas sa labas din tulad ni Andres.


Oh well, nagsimula na akong mag compose ng message para isend sa mga sekretarya nila. Oh diba, talagang mga big time ang mga engineer na to besh! Eh si daddy naman noon wala namang sekretarya.


I asked them if they can email me back kung kailan pwedeng ma-interview ang Engineer nila. And only 4 of them responded right away. Pa special tong Andres Casabueno na to sis haaa! Nadedelay na ako dahil sa kaniya. Char, OA lang po talaga ako dahil after 30 minutes nagreply din naman yung secretary niya.


Pareho-pareho sila nang mga sagot, they asked to conduct the interview on friday pwera nalang sa isa. Sinasabi ko na sa inyo sis eh, pa special talaga siya. Siya lang sumagot na today tapos wala pa akon questions. So I did the most sane thing I thought of, I composed another email if it's possible to just make it Friday. Pero hindi pa rin.


Marie Cabalatungan

To me

Good morning, Ms. Dizon. I would like to inform you that Engr. Casabueno is not available this Friday. The only time he's available this week is on Wednesday 6pm or Today at 12pm.

We expect to hear from you before 12pm for the decision.

Thank you!


I'm doomed! It's official.


Wala na akong choice kundi piliin ang Wednesday, dahil hindi pa ako prepared ngayon. Magpre-prepare pa ako nang mga questions at ng self ko sis! Dahil dalawang araw pa pero hindi na makapag-pahinga ang puso ko.


Kalma ka lang heart, kailangan na natin mag practice mag fake nang smile at mag tago ng feelings. Baka mabuking pa tayo ni tadhana sa araw na yun. I know I'm already rambling nonsense, pero kinakabahan talaga ako kahit wala naman akong rason para kabahan. Heart please!!! Mind beke nemen? Patulong na lang, sana ay perfect performance ka sa araw na yun. Yung walang mental block moments at slow moments. And finally sa bibig ko, umayos ka! Baka iba na ang masabi mo.


So yeah this is me when I'm doomed. I frigging blame all this unfortunate events sa pesteng flash drive. Like diba? Paano nangyari to dahil lang nahirapan akong mahanap ang isang flashdrive na yun? Like? Like what the pak?


And dahil nga hindi pa ako ready, physically, mentally at emotionally nag simula nanaman akong magcompose ng email to inform them of my decision.


To: maria.cabalatungan

From: leinadizon.0001

Good morning Ms. Cabalatungan, I would like to inform you that I have made the decision on when to interview Engr. Casabueno. It would be this Wednesday, 6pm at Delijero's Cafe&Grill.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between BoundariesWhere stories live. Discover now