Kung ikaw ay isang Panaginip
A Short Story
Introduction
Ito ay kwento ng isang dalagang nagbago na lamang ang ikot ng mundo ng dahil sa isang panaginip
Na sa isang pikit lamang ng kanyang mga mata, ay ang pagdala sa kanya sa isang lugar kung saan nagiging maganda at masaya ang lahat, magagawa ang lahat ng bagay na ni minsan ay hindi mo maiisip na magiging posible sa totoong buhay
Kung saan matatagpuan ang isang binatang hindi maalis sa kanyang isipan. Isang binatang nagbigay sa kanya ng dahilan na maging masaya at muling magmahal
Ngunit hanggang saan ang paraisong nilikha lamang ng kanyang sariling imahinasyon?
Sa muling pagkagising ay matatapos at maglalaho na lamang ang isang napakagandang kwento na binuo ng sariling isipan
Isang kahibangan nga ba? O sadyang katotohanan na hindi makayang unawain ng sino mang pumapaligid sa kanya
"Kung sa panaginip lang ang paraan para makasama ka, Ayoko nang magising pa" ~ Krissa
Written by a Programmer
/**
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang anumang tao, bagay, o pangyayaring naganap sa totoong buhay ay pawang nagkataon lamang.
**/
BINABASA MO ANG
Kung ikaw ay isang Panaginip
RomancePaano kung sa isang pikit na lamang ng iyong mga mata, ay mapadpad ka sa isang isla na hindi mo alam? Eh may kasama ka pang asungot, isang lalaking magpapabago na lamang sa iyong buhay. Anong gagawin mo kung ang taong lagi mong nakikita sa iyong p...