3rd entry sa series.
*****
Nandito ako ngayon sa Cafeteria. Magisa lang ako sa isang pangapatang table habang nilalapastangan ko yung binili kong spaghetti. Oy, wag kayong magisip na mataba ako. Kung saan napupunta lahat ng kinakain ko...hindi ko rin alam.
Ayun nga...kumakain ako. Masanay na kayo dahil sa halos lahat ng eksena sa istoryang ito ay kumakain ako. Dahil nilalasap ko ang spaghetti ko ay hindi ko napansin na may umupo pala sa tabi ko.
"uy, Lois Ann!" sabi nung istorbo.
Hindi ko siya pinansin. Badtrip itong babaeng to. Ayaw ko pa naman sa lahat ay ang iniistorbo ako sa pagkain ko. Hindi Lois anne ang pangalan ko. Well, pangalan ko rin yon..pero second name. See...kung mayroon mang bagay na nagkakaisa kami ng mga kaibigan ko...iyan ay ayaw namin sa second name namin. Christelle yung first name ko.
Buti nga sila second name lang galit. Eh ako...may second at third?! Kapag may magulang ka talaga na malakas ang trip sa buhay. Tsk.
"Uy! Lois Ann!" sabi niya ulit.
"Hoy, Jillian. Tigilan mo ko ah!" sabi ko. Si Jolleta yung katabi ko. Second name niya yung Jillian. Peste! Kumakain ako eh.
"Pssst. Hindi mo ba alam?" sabi niya sakin. Baliw talaga itong babaeng ito. Ngintian ko siya. Yung ngiti kong wala-ka-sa-pamatay-kong-ngiti.
"Ano namang hindi ko alam?" tanong ko.
"Darating si Rence!" sagot niya.
Nagtaasan lahat ng balahibo ko. ANAK NG WASHING MACHINE. Si Rence?! Ay tinamaan talaga ng lintik oh!
"Kailan?!" pasigaw kong tanong habang niyuyugyog ang mga balikat niya.
"Kahapon pa. Kumalma ka nga." sagot niya sabay tanggal ng kamay ko sa balikat niya. Umupo siya ng maayos saka tumikim sa spaghetti ko. Letse to, makikitikim pa.
Letse talaga. Bakit ba bumalik pa dito yung Rence na yun?! Siya ang monster ng buhay ko...literally.
Iniisip niyo na kung bakit naman monster si Rence? Kahit gwapo yun ay---TEKA! Sinabi ko bang gwapo yun?! Binanggit ko ba ang salitang gwapo?! DIBA HINDI? SABIHIN NIYO HINDI! Anak ng washing machine talaga! Sinabi ko ba talaga?! Bumabalik na naman ang mga hallucinations ko!
7 years ago.
Busy akong naglalaro sa playground at ineenjoy ang aking childhood ng biglang may narinig akong tunog ng nagtitinda ng ice cream. Hindi lang ito basta dirty ice cream, Selecta lang naman. Dahil mayaman ka kapag bata ka pa ay ma pambili ako ng cornetto.
Ayun na nga...pumila na ko dahil marami ring bumibili. Ako yung nasa hulihan ng pila. Nang malapit na ko naramdaman kong may pumila na rin sa likuran ko.
Lumingon ako at nakita ko ang isang batang lalaki. Gusto niyo ng description? Isang word lang. Cute. Nakasimpleng shirt at maong shorts lang siya. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya at nginitian ako.
Ano pa nga bang nagyare? Eh di gino-google ko ang meaning ng "Infatuation".
Syempre hindi ko talaga gino-google. Hindi pa uso ang pag-google noon. Napatulala lang ako at pinagmukhang tanga ang sarili ko ng nginitian ako nung bata. Yung literal na "jaw drop". Nagising lang ako sa realidad ng marinig ko yung tawag ng tindero dahil ako na yung bibili. Eksena lang si Manong! Humarap na ako ulit kay manong at wala pa rin sa sarili kong bumili.
Magbabayad na ko ng marinig kong tumawa ng mahina yung batang lalake sa likuran ko. Lumingon ako at nakita kong nakangiti ulit sakin yung batang lalaki. Inabot ko na lang yung bayad kay Manong at naglakad papalayo.
BINABASA MO ANG
The Spoon and Fork ( one shot )
Humor(NTPKS) Nangangain ng Tao Pag Kinikilig Series : The Spoon and Fork