Third Person's POV
Hindi na bumabata pa si Crimson at malapit na siyang mamatay ngunit hindi alam ng kaniyang doktor kung kailan. Buwan ng Disyembre nang malaman niya ito at hindi pa niya nasasabi sa kaniyang nobya dahil siya'y natatakot. Natatakot na baka siya'y iwan nito dala ang kanilang anak.
Sa wakas, nagkaroon na siya ng lakas ng loob, ngunit paulit-ulit na nabalik sa kaniya ang sabi ng doktor. Siya'y lunod sa pagiisip nang halikan siya ng kaniyang nobya sa pisngi at umupo sa harap niya at ngumiti.
"Sorry, ngayon lang ako. Ang traffic kasi, grabe." Ani ng kaniyang nobya.
"Ayos lang Viri, gusto mo ba munang magorder?" sagot at tanong naman ni Crimson.
"Sige, sakto gutom na 'ko."
Nang makakain na si Viridian ay naghanda na sila para sa totoong rason kung bakit sila nagkita sa gitna ng busy na schedule.
"Viri, una sa lahat, sorry, pero 'wag mo 'kong iwan, please?" pagmamakaawa ni Crimson nang tanongin na ni Viridian kung bakit sila nagkita. Kinakabahang tumango at nagaalangang ngumiti lamang si Viri at hinanda ang kaniyang sarili.
"May sakit ako. May sakit ako, Viri, at hindi 'ko alam kung kailan ako babawian ng buhay, pero malapit na. Baka malapit na. Viri, please, alam 'kong makasarili ito pero... 'wag mo 'kong iwan please?" Nanginginig at lumuluhang wika ni Crimson.
Napatulala lamang sa una si Viridian ngunit maya-maya ay napaluha siya at napayuko habang umiiling-iling.
"Bakit? Bakit ngayon mo lang saakin sinabi ito? Kailan mo pa alam?" nanginginig na wika ni Viridian habang lumuluha.
"Viri..."
"Hindi. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng mawala!" Humahagugol at iling-iling na na wika ni Viridian.
Natahimik sila ng ilang minuto at pinagisipan ang pangyayari.
"Hindi kita iiwan. Makasarili man, pero matutuloy ang kasal natin sa Pebrero. Ayaw mo man o hindi." Matinding wika ni Viridian. Lumuluha pa rin siya ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya pagsisisihan ang desisyong kaniyang sinabi.
Napatitig na lamang si Crimson sa kaniyang nobya habang tuloy-tuloy na umaagos ang kaniyang luha.
Tumayo silang dalawa at nagyakapan habang lumuluha pa rin at bumubulong ng mga katagang "mahal kita" sa isa't isa.
Masakit man para kay Crimson ang nangyayari ngunit mas masakit naman ito para kay Viridian. Siya ang magdudusa at maiiwan sa mundong ito habang pinapalaki ang kanilang anak. Mas mahirap ito para sa kaniyang parte.
Dumaan ang mga araw na lagi silang magkasama at gumagawa ng mga memorya at nagpaplano para sa kanilang kasal sa nalalapit na ika-14 ng Pebrero, sa araw ng mga puso. Masaya sila at parang walang kinakaharap na problema nang mga araw na iyon.
Nang ika-14 na ng Pebrero ay handa na ang lahat. Mayroon pang pagpipilian ang dalawa ngunit pinili nilang manatili at magpakasal.
"Do you, Viridian Gem, take Crimson Alec as your husband?"
"I do, Father." nakangiting tugon ni Viri sa Padre.
"Do you, Crimson Alec, take Viridian Gem as your wife?"
"I do, Father." Nakangiti ring tugon ni Crimson habang nakatitig sa mga berdeng mata ni Viri.
"Then, I now pronounce you as husband and wif--" Hindi na natuloy ang sasabihin ng Padre dahil biglang bumagsak si Crimson sa kanyang kinatatayuan. Dali-dali namang dumalo si Viri at tiningnan ang kanyang pulso.
Nang maramdamang wala na ito ay siya'y natulala hanggang sa napaluha na siya na unti-unting naging hagugol.
"Bakit ngayon pa?!" Hiyaw ni Viridian.
BINABASA MO ANG
St. Valentine's Day
RandomOne Shot. I'll make it a short story soon. Actually, it's just a story I made for school then I decided to post it here 'cause I want to. So, I'm warning you, this is an amature one shot.