I

6 0 0
                                    

I was packing my stuff when Keev entered my room with Ejay and his friends. Nandito na naman sila sa condo ko to make sure that I am fine even though I already asked my parents about this. Alam ko naman na sobrang overprotective lang nila, pero hindi naman na kailangan dahil graduate na ako at nasa tamang edad na rin.

"Are you sure you don't want us to accompany you?" Umiling ako at ngumisi sa pinsan ko. Hawak niya ang susi ng Van ko at parang nagdadalawang isip pang ibigay 'yon sa akin.

"Hindi na kailangan, Keev. You know I can handle myself." Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling siya at tumulong sa akin sa pag iimpake at pag aayos ng gamit ko. These people are super overprotective to the point that they're the one who bought me things that I'll be needing. Mga pagkain, gulay, chips, and all. Pati mga sunblock ko ay sila ang bumili kahit na sinabi kong meron pa akong stock.

"Are you sure?" Nilingon ko si Ejay at tumawa. This is the first time I'll go out without them and with my friends. Hindi talaga ako pinapayagan ng parents ko no'ng nag aaral pa lang ako kaya ngayon, ito sila, super OA!

"Calm down. Three days lang ako ro'n. I'll be back before you know it." I zipped my bag and tried to carry it, but Keev immediately took it and carry it instead. Sina Ejay naman ang kumuha ng ibang bag ko kaya umiling na lang ako. Nauna na silang bumaba at nilagay sa van ang mga gamit ko.

"Be careful. Are you sure you can drive this thing?" Muli kong tinaasan ng kilay si Keev dahil sa tanong niya. This isn't the first time I'll be driving this van. Minsan ay ako ang nag d-drive kapag may family getaway kami.

"Okay, that is enough. Let her be. She's old enough to make her own decisions. Kalmahan niyo nga. Magtiwala kayo kay baby Kenzie." Inirapan ko si Dylan. I know he's siding me because he wants to get me. Though, I might really need his help.

"Fine, but if something came up, don't hesitate to call. We'll come to you immediately." Tumango ako kay Keev at ngumiti. Keev and Ejay kissed my forehead before they handed me my keys. I waved them goodbye before finally drive away.

Honestly, I am nervous and excited at the same time, though, Neecko will not be there since hindi raw siya pinayagan. Ang hula ko, ayaw lang talaga niyang sumama dahil nandoon ako. Even though he's been acting fine around me, hindi pa rin niya matatago na talagang may problema kaming dalawa.

I turned the music on and danced to the beat. Sa Manila ako unang pupunta dahil doon ko susunduin sina Lesley, Adrianne at Kimberly, then we'll go straight to Cavite to pick up Cathleen. 

Madaling araw pa lang kaya wala pang traffic. Tuloy tuloy ang byahe ko pero wala pa akong isang oras nawawala ay agad na tinawagan ako ng mga pinsan ko. I answered it to see what is up, but it turns out, they're just checking on me.

Pagkababa ko ng tawag nila ay agad na tumambad sa akin ang call ni Adrianne sa group chat namin. Sinagot ko 'yon habang nagmamaneho.

"Ano na?" Sinilip ko sandali ang phone ko. Alam kong magkakasama na silang tatlo kaya nagmamadali na ang isang ito dahil atat na atat nang umalis.

"Nakikita ko na kayo. The black van on your right." I told them. Adrianne looked at her right and I guess, she saw the van immediately. I parked the van on the side and went out. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila nang lumabas ako kaya kumunot ang noo ko.

"What?" Tinaasan ko sila ng kilay. I snapped my fingers in front of Adrianne who's actually confused right now.

"Ikaw driver?!" I sighed and rolled my eyes again. Hindi nila alam na nag d-drive ako. Actually, they know, but they didn't know I am professional. I never told them. Hindi rin naman kasi ako nagdadala ng sasakyan sa eskwela.

Three Days, Two NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon