MSTA 17

1.6K 76 26
                                    

ERIN'S POV

Kanina pa tawag nang tawag si Syd. Kita ko ang pag-ring ng cellphone ko at amg pangalan ni Syd ang nakikita ko.

Muli kong tinungga ang alak na nasa baso. Ayoko siyang makausap. Hindi ko maintindihan bakit ako ganito. Bakit nasasktan na naman ako.

Tama naman si Nadia, kahit kailan hindi ko siya kayang bigyan ng anak.

Hindi na dapat ako ganito, pero pagdating talaga ssa issue na iyon nanghihina at nasasaktan ako. Totoo naman na kaya ako iniwan ni Syd at pinagpalit kay Nadia dahil kaya ni Nadia na bigyan siya ng anak. Bagay na hindi ko kayang ibigay.

Ako yung nasaktan, pero bakit parang ako na naman ngayon? Tama ba tong pinasok ko? Ang bawiin si Syd sa kaniya? O pinapaikot na naman ako ni Syd?

Ayoko dumating sa punto na muli na naman akong mabaliw kay Syd. Ayokong tuluyan akong mahulog na naman sa kaniya. Tapos sa huli ako na naman ang talo dahil may anak sila.

Tumulo ang luha ko, bakit ako ganito? Sila daoat ang nasaksatan ngayon at hindi ako! Dahil tapos na kong masaktan! Ginagawa ko to para ibalik lahat ng sakit na naramdaman ko sa kanila.

Hindi ako dapat ang nasasaktan, sila! Sila dapat! Lahat ng kasalanan nila sa akin ay ibabalik ko sa kanila!

Nagsisimula pa lang ako.

****
Kakarating ko lang ng palawan. Malapit lang naman kaya hindi ako nahirapan. Pagabi na at alam kong nasa bar na naman si Syd kasama ang mga kaibigan niya. Nag-text na sa akin si Chad na andon na sila. Kaya naman matapos kong ilagay ang bagahe ko sa hotel, agad akong nagbihis at sumunod sa kaniya.

Ilang oras lamg ay nakarating ako, agad ko silang hinanap. Napangiti ako ng makita ko sila sa di kalayuan. Hindi ako nagpahalata kay Syd at dumaan ako sa likod niya.

Nakita kong nagulat ang iba kaya napangiti ako sa kanila. Kasunod noon ang pagtakip ko ng mga mata niya.

Agad siyang lumingon sa akin. Nakangiti akong humarap sa kaniya.

"Hon?" gulat na tanong niya at dali-daling tumayo.

"Akala ko ba-"

"Papayag ba kong hindi ka samahan dito? Kung kailan maso-solo natin ang pagkakataon?" nakangiting sambit ko sa kaniya at hinalikan siya.

Agad niya akong hinigit at hinalikan ng malalim. Hinila niya ako papaupo sa sofa ng bar. Kumandong ako sa kaniya at hinalikan siya ulit.

Para bang wala kaming paki kung makita ng iba na ganito kami.

"Bagay na bagay kayong dalawa, ano bang nakain mo pare at hindi mo niligawan itong si Erin?" sabi ni Chad.

Napangisi naman ako, walatalaga silang alam sa nakaraan namin.

"Hindi na bale, atleast ngayon natauhan na siya," sabi ko at muli siyang hinalikan sa labi.

Nakailang minuto kaming nag-inuman nang hilahin ko siya palabas ng bar. Sa parking pa lang, muli ko siyan hinalikan. Maya-maya lang ay dumating na ang grab na pinadala niya.

Nang makarating sa hotel, sa elevator pa lang ay binuhat na niya ako. Napangiti na lamg ako dahil for sure mababaliw na naman si Nadia kakaisip kung sino ang kasama ng asawa niya.

Mukhang sumasang-ayon ang tadhana sa gusto ko.

SABBEY'S POV

Nakatunganga akong nakatingin sa entrance ng shop ko. Ilang saglit pa ay napataas ang kilay ko sa bagong pasok.

"Asan ang malandi mong kaibigan?" galit na bungad sa akin ni Nadia.

Lumigon-lingon ako.

"Malanding kaibigan? Wala ako non, hindi naman kita kaibigan," pilosopong sambit ko.

"Huwag mo kong pilosopohin, Sabbey. Ilabas mo yang malanding si Erin! Asan siya?!" sigaw niya kaya napatingin naman ang mga costumer sa kaniya.

"Pwede ba, Nadia. Huwag ka dito magkalat ng kabaliwan mo. Huwag mong idamay ang coffee shop ko," sabi ko.

"Ano bang pinakain sayo ni Erin at kamping-kampi ka sa babaeng yon? O baka naman parehas lang kayong malandi," sabi niya animo'y proud na proud sa sarili niya.

"Coming from you, Nadia? Seriously? Saan ka kumuha ng tigas ng mukha para sabihin yan? Kung may kilala akong mlandi rito, ikaw lang yon at wala nang iba," sambit ko sa kaniya.

"At wait, stop assuming na inaagaw ni Erin si Syd sayo. Baka nakakalimot kang gaga ka, ikaw ang umagaw sa kaniya kay Erin. Binabawi lang ng kaibigan ko kun ano ang kaniya," sabi ko. Tumawa naman siya.

"Lumabas na rin na inaakit niya si Syd. Kahit na anong gawin niya, hindi niya makukuha ang asawa ko. Hindi niya makukuha si Syd sa akin, mamamatay muna siya bago niya magawa yon," parang nababaliw na sambit niya.

"Gawin mo lahat ng gusto mo, Nadia. Isa lang masasabi ko sayo, goodluck..." natatawang sabi ko sa kaniya. Alam ko naman kung gaano na kabaliw si Syd kay Erin ngayon. Alam kong hindi rin magtatagal, malalaman ni Syd lahat ng kagagahan ni Nadia.

"Guard, ilabas niyo na tong babaeng to. Tandaan niyo tong mukha ng babaeng ito, huwag na huwag niyong papasukin yan. Kung maari ipaskil niyo sa labas ang mukha," sabi ko bago ngumisi kay Nadia.

"Walang hiya ka!" sigaw niya pero agad siyang hinawakan ng mga guard at pinalabas ng shop. Napangiti na lang ako habang kumakaway sa kaniya.

Kahit na hindi ako sang-ayon kay Erin sa mga plano niya. Naiintindihan ko naman siya. Sobra siyang nasaktan pero hindi rin naman sagot ang pagganti para lang makalimot ang isang tao.

Alam ko rin na hindi madali ang lahat ng pinagdaanan niya. Hanggang ngayon kita ko sa mga mata niya na mahal na mahal niya pa rin si Syd. Kahit na sabihin niyang nakalimot na siya at gusto lang niyang maghiganti kay Syd.

Hindi niya lang kayang aminin sa sarili niya na mahal niya pa rin ang ex-husband niya. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin, andito ako para lang sabihan siya. At ipaalala ang tama sa kaniya.

Natatakot ako na baka mahulog siya kay Syd at siya lang rin ang masaktan sa huli. Kahit anong pagtutol ko hindi niya pinapansin. Ang mahalaga ay makaganti lang siya sa dalawang taong nanakit sa kaniya. Hindi ko siya masisi dahil halos ibuwis niya ang buhay niya noong malaman niyang niloloko lang siya ni Syd.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon