Sabi nila high school life ang pinaka magandang nangyari sa atin , pero para sakin bakit? Anong bago? Palagi lang namang ganito!pare-parehas lang ng nagyayari sa bawat araw.
Ako si kathleen dimaranas isa akong nerd at syempre mapangit.
Hinuhusgahan dahil sa itsura,
Masakit syempre ano pa nga bang magaagawa?
Hindi ako katulad ng ibang estudyante na maraming kaibigan, palagi akong nagiisa and take note walang gustong maging kaibigan ako.
Tanggap ko naman yun,
Ano kaya feeling ng may kaibigan ako?
Siguro kaya ayaw nila sakin kasi nerd at panget ako, maraming pimples at kung ano ano man,at higit sa lahat may makapal na salamin . Puro libro pa ang kasama.
Halos lahat ng kaklase ko may mga crush oh kung ano pa, samantalang ako? Eto laging kaharap ang libro.
Lagi akong sinasabihan ni mama ng wag puro libro ako, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ito na ang nakasanayan ko.
Nag so scroll lang ako ngayon sa Facebook wala naman akong makakausap eh.
Habang nag so scroll ako puro about RP Account ang nakikita ko like marami silang kaibigan doon ,
Pwedeng magkaroon ng boyfriend doon at kung ano ano pa.
Na curious ako kaya gumawa ako ang sabi nila kahit anong pangalan ang pwede dito ilagay at pictures, nag search ako sa Facebook ng kung ano pwedeng maging pic ang dami dito halos lahat magaganda pero isa lang talaga nakakuha ng attention ko,
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ok lang yan christmas break na ma kami ngayon kaya wala masyado ng gagawin.
Gagawa na ko para may mapaglibangan ako.
Ang ganda nito kung sana ay ganto na lang ako kaganda Edi sana may mga kaibigan ako.
Halos isang buwan ko ng ginagamit itong account na ito pero wala pa rin nangyayari Hindi ko alam kung paano magkaroon ng kaibigan dito pero wala eh ganon pa rin walang pinagbago.
I O off ko na sana ang phone ko ng bigla itong tumunog,may nag chat,dali dali kong tinignan kung Sino ito.
Laking gulat ko ng makita ang message sakin, nag hi siya dapat ba akong mag hello? May pag aalinlangan man nag hello ako sa kanya.
Hindi ko inaasahan na mag rereply siya kung ano ano pa ang tinanong niya at syempre sinagot ko nung una naiilang ako pero habang tumatagal naging komportable ako .
Ang sarap pala ng pakiramdam ng may kaibigan.
naging mag kaibigan kami ng halos dalawang buwan, ang galing diba?