Unti unting iminulat ni amihan ang kaniyang mga mata ng kanyang masilayan ang isang pamilyar na ilog sakanya
Dahan dahan na tumayo si amihan at hindi nga sia nagkakamali nasa adamya nga sya
Naglakad lakad muna si amihan ng makasalubong nya ang tatlong mga bata at isang encantada
Avisala,saan kayo patutungo?.tanong ni amihan dito
Wala napo kaming tirahan diwata,kami po ay nanggaling sa mundo ng mga tao na kinuha ng mga bandido at dinala po dito sa encantadia upang kanilang maging alipin.sabi ng isang encantada
Ano ang inyong mga ngalan?.tanong ni amihan
Ako po si lara,sya si karlo sya nmn si gio at sya nmn si ian.pakilala ni lara
Ako si amihan,kung wala kayong matutuluyan ay sumama nalang kayo sa akin.sabi ni amihan
San po tayo pupunta?.tanong ni gio
Hahanap tayo ng ligtas na pagkakakutaan,kaya't humawak kayo sakin.sabi ni amihan tsaka yun nga ang kanilang ginawa at nag ivivtus si amihan papuntang Lunsing sa hilagang bahagi ng adamya
Lunsing.........
Nag ivictus si amihan kasama ang tatlong bata at lara papuntang lunsing at doon nagtayo si amihan ng isang maliit na kubo upang magsilbing kanilang tahanan
Maraming salamat po diwata.pagpapasalamat ni lara
Walang anu man.sabi ni amihan
Ate amihan,wala po ba tayong pagkain?.tanong ni ian
Sandali lang at maghahanap muna ako ng ating makakain huwag kayong aalis dito hintayin nyo na lamang ako.sabi ni amihan tsaka umalis
Kagubatan.............
Nagtungo si amihan sa kagubatan Upang mag hanap ng makakain
Habang namimitas si amihan ng prutas ay biglang lumitaw si Cassiopeia sa kanyang harapan
Bathalumang Cassiopeia.sabi ni amihan tsaka yumukod sa harapan nito
Amihan bakit hindi ka nagtungo sa lireo?tanda ba ito na susundin mo parin ang iyong pasya.sabi ni Cassiopeia
Buo na ang aking pasya bathalumang Cassiopeia,hindi na muna ako magpapakita sa aking mga kapatid hanggang di ko natatapos ang aking misyon,...at isa pa pag natapos ko na ang aking misyon ay maaari na akong mabuhay muli at makapiling ang aking anak na si lira,kaya't mangako ka sakin Cassiopeia na hindi mo ipapagsabi sa aking mga kapatid na ako'y nagbalik na.pakiusap ni amihan
Kung ganon ay aking igagalang ang iyong pasya amihan makakaasa ka.sabi ni Cassiopeia
Avisala eshma.sabi ni amihan tsaka naglaho si Cassiopeia
Lunsing...........
Nakabalik na si amihan sa kanilang kuta dala ang mga prutas na kaniyang kinuha sa kagubatan at ipinakain iyon sa mga bata at kay lara
Ate amihan may mga kapatid ka po ba?.tanong ni karlo
Oo karlo bakit mo natanong?.tanong ni amihan
Wala po.sabi ni karlo
Sige na kumain na kayo at matulog na.sabi ni amihan
Ah Lara,pagkatapos nyong kumain ay isarado nyo mabuti ang pinto at matulog na,may aasikasuhin lang ako wag kayong aalis.sabi ni amihan tsaka tumango nmn si lara
Nagpalit muna ng kalasag si amihan tsaka naglagay ng balabal sa mukha at umalis
Bayan...........
Nagtungo si amihan sa bayan at nadatnan ang isang grupo ng mga bandido na nang aabuso ng isang matandang encantadong
Pashneya ito lang ba ha?!!!!.galit na sigaw ng isang bandido Tsaka tinapon ang isang supot ng ginto
Ipagpaumanhin nyo sapagkat yan lamang ang aking ginto.sabi ng matandang encantado
Walang silbe!!!!mga kasama kunin nyo ang kaniyang mga paninda!!.utos ng isang bandido
Wag!!maawa kayo!!.sigaw ng matanda tsaka tumayo at pilitinaawat ang mga bandido na kunin ang kaniyang mga paninda
Pashneya tumabi kajan!!!!.sabi ng isang bandido tsaka tinulak ng malakas ang matanda at natumba iyon
Hindi nmn nakatiis si amihan kaya't nilapitan niya iyon
Anong nangyayari dito?!.tanong nya tsaka tinulungan ang matanda na makatayo
Tulungan mo ako diwata,kinukuha nila ang aking mga paninda,iyan lamanv ang aking pinagkakakitaan.pakiusap ng matanda
Huwag kang makialam encantada!!!umalis kana bago kapa masaktan!!.sigaw ng bandido
Shhedda kayo ang umalis bago pa kayo mapaslang!.sigaw ni amihan tsaka inihanda ang espada
Mga bandido lusubin ang encantadang iyan!!!!.sigaw ng bandido tsaka nilusob si amihan
Kinalaban ni amihan ang mga bandido,
Lumuhod si amihan at sinaksak ang isang bandido,ngunit hindi nya namalayan na may isang bandido din na nasa kanyang likuran at tinangkang saksakin sya ngunit dumating ang isang encantadong may suot na gintong kalasag at sinaksak ang bandido
Ayos kalang ba diwata?.tanong ng encantadong nakasuot ng gintong kalasag na batid nya kung sino ang nagmanay ari noon
Ybra---,o-o,a-visala eshma.utal utal na sabi ni amihan
Walang anu man.sabi ni.........ybrahim
Avisala eshma saiyo diwata.sabi ng matanda kay amihan
Walang anu man.sabi ni amihan
Ano ang iyong ngalan encantada?.tanong ni ybrahim
Hindi na mahalaga iyon,m-mauna n-na ako.sabi ni amihan tsaka tumakbo ngunit habang tumatakbo sya ay nalaglag ang kaniyang balabal kaya't kinuha iyon ni ybrahim
Encantada ang iyong balabal!!.habol na sigaw ni ybrahim ngunit hindi na iyon narinig ni amihan
To be continue..........