May 16, 2007.
Mayroong dalawang mag kaibigan na nagsumpaan...
Inna : Best, walang iwanan huh!! Kahit dumating 'yung araw na magha-high school na tayo. Wag kang magbago huh?! BEST FRIEND tayo FOREVER ?!
Paul : Oo naman!! Wala naman akong ibang choice kundi sundin ka eh :) Pangako. BEST FRIEND FOREVER!!
Matalik na magkaibigan sina Paul at Inna. Parehas sila ng katayuan sa buhay. Pareho silang nag-iisang anak ng dalawang kilalang pamilya sa kanilang lugar. Si Inna ay anak nina Don Mario at Doña Zita na may-ari ng isang malawak na lupa malapit sa kanilang lugar. Samantalang si Paul naman ay anak nina Don Gorge at Doña Angelita na namumuno naman ng maraming paupahan na bahay sa kanilang lugar.
Malapit ang pamilya nina Paul sa pamilya nina Inna sapagkat magkaka-batch ang kanilang mga magulang noong araw.
At dahil magkasabay silang ipinanganak, nagkaroon ng kasunduan ang kanilang mga magulang na sila ang ipagkasundo balang araw. Sa madaling salita, sila ay itinadhana na para sa isa't isa.
Noong bata pa sila, nasanay na ang bawat isa na magkasama sapagkat lagi itong naglalaro sa kanilang likod-bahay. 'Di naman kasi ganun ka-layo ang agwat ng kanilang bahay, bagkus magkapit-bahay lamang sila.
Lumalaki sila ng may malaking pagkakakilala sa isa't isa. 'Di man maiwasang may tampuhan, hindi naman ito tumatagal ng isang araw. Hindi nila nararamdaman ang pagkasawa sa isa't isa sapagkat magkatulad lamang naman sila ng ugali kaya't alam na nila kung paano pasasayahin ang bawat isa.
Ilang buwan ang lumipas...
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napaibig ni Inna si Paul ng hindi niya nalalaman o nararamdaman. Medyo naiilang na siya at parang gusto na niyang sabihin ito. Ngunit dahil na rin sa takot na baka masayang lang ang lahat pati ang kanilang pagkakaibigan, hindi na lang niya ito sinabi. Itinago niya ito hanggang sa.....
"Ou!! Sinasagot na kita, Jake :)" Si Jake ay isang manlalaro ng Basketball sa kanilang lugar na na-link kay Inna kaya niya ito niligawan.
Wala naman magagawa si Paul sapagkat tanggap naman niya na hindi niya pag-aari si Inna. Tinanggap niya lahat ng hapdi at sakit na patuloy niyang nararanasan sa tuwing nakikita niyang magkasama ang kanyang Best Friend at si Jake na karelasyon na niya ngayon.
Si Inna ay unti-unting nagbabago. Nawawalan na siya ng time para kay Paul. Kaya't hindi na niya kayang tiisin pa lahat lahat ng nangyayari sa kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan. Nag-inom si Paul, at ito ang kinalabasan.........
Inna : Naka-inom ka ba Best ?
Paul : Inna mahal kita!
Inna : huh ?? hindi kita maintindihan !! Paul, naka-inom ka !! Ano ba ??! Anung ginagawa mo sa sarili mo ?! Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo !?! Bakit........
Paul : Inna sana nare-realize mo na iba pa rin ang oras mo sa akin at kay Jake!! Hindi ka marunong tumupad sa usapan ntin !! Akala ko ba walang iwanan !! Bakit mo ako iniwan??! Kung nasa tabi lang sana kita, hindi ko ito mgagawa. Kasi komportable ako sa tabi mo. Masaya ako na kasama kita. Walang araw na hindi kita inaalala sa mga panahong si JAKE ang kasama mo! Hindi ako mapakali, dahil wala akong tiwala sa kanya!! Hindi mo ba napapansin ?! Matagal na kitang gusto !!! Hindi ko lang sa'yo sinasabi dahil ayokong masira ang lahat ng ating pinagsamahan !! ayokong mawala ka!! Natatakot ako kasi baka i-ignore mo lang ako. Natatakot akong mawala ka kaya kinaya kong sikmurain lahat ng paglimot mo sa akin !! At dahil sa ka-TORPE-han ko naunahan ako !! Nawalan ako ng pag-asang maging tayo!!! (habang pumapatak ang mga luha).
Inna : Paul !! :'(
Paul : Hindi ko na kaya Inna !!! Iniwan mo ako sa ere !! Hindi mo tinupad ang pangako mo :'(
Inna : Best, wag m-.........
Paul : Inna !! Mula ngayon, please. Don't call that way!! Hindi mo naman pinaparamdam eh.
At doon na-realize ni Inna na mahal niya pala si Paul ng higit pa sa Best Friend, habang. Tumakbo palabas ng bahay si Paul. Sa halip na dumiretso siya sa kanilang bahay, tumakbo lang siya ng tumakbo habang umiiyak. Tumatakbo na parang walang patutunguhan. Naguguluhan, nasasaktan, nanghihina at nawawala sa sarili dahil sa lungkot na nadarama. Hanggang sa.............
(sa telepono)..
Don George : Inna ... uuhhmm ... i don't know how to say this but... (snuff) .. Paul is in the Hospital. (crying)
Inna : HUH ??!! (shocked) (napaiyak ng malakas) !! TITO !!...PANONG ?..BAKIT ??
Sobrang laking ng pagsisisi sa sarili ni Inna dahil sa nangyari. Dinamdam niya lahat ng mga pangyayari. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Walang atubiling pumunta agad sa hospital si Inna kung saan naka-confine si Paul. Umiiyak siya habang binabantayan ang walang malay na si Paul. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa oras na magising si Paul. Sapagkat hindi maalis sa kanyang pandinig ang mga malalamang sinabi ni Paul sa kanya bago ito maaksidente.
Nalaman ni Jake ang buong pangyayari. Marami na rin siyang nalalaman tungkol sa magkaibigan. Nalaman din niya ang tunay na nararamdaman ni Paul sa kanyang kasintahan. Kaya't agad niyang kinausap si Inna.....
Jake : Inna, alam ko ang magpapasaya sa'yo. Alam ko rin ang dahilan kung bakit ito nangyari kay Paul. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan!! Ako ang may kasalanan ng lahat. Dapat noong una pa lamang lumayo na ako. Oo, pansin ko na mahal na turing niya sa'yo. At bilang isa sa nagmamahal sayo, alam kong isa lang ang tunay na magpapaligaya sayo, si Paul. Hindi naman sa ayoko na sa'yo or nagsasawa..hindi !! Gusto ko lang sa lumigaya ka.
Inna : Salamat Jake! (umiiyak na yumakap kay Jake)
Jake : don't worry Inna, I'm always here for you in times that you need me. Just call me :)
Dali-daling pumunta sa Hospital si Inna para sabihin ang magandang balita kay Paul. Ngunit wala na siyang naabutan! Nagulat siya at sobrang kinabahan, kaya tinawagan niya si Don George.
Inna : Tito, bakit po wala na si Paul sa Hospital ?! Asan na po siya ?!
Don George : (umiiyak na boses) Inna !!..
.
.
.
.
.
.
wala na si Paul !
Hindi alam ng lahat na malubha pala ang pagkauntog ng ulo ni Paul noong siya ay nabangga. Hindi rin maintindihan ng Doctor kung bakit ganun ang nangyari. Wala naman silang ibang magawa kundi isipin na lamang na talagang oras na niya. Hindi man nila matanggap ang pangyayari, wala na naman silang magagawa.
Lumilipas ang mga oras, araw, linggo, buwan, at taon, nagiging maluwag na ang kanilang pakiramdam. Dumadalaw man sa kanilang isip ang nangyari, hindi na naman nila masyadong dinadamdam ito. Ngunit iisa ang hindi nagbago. Hindi talaga natanggap ni Inna ang nangyari. Kahit ilang taon na ang nakalipas. Ang masama pa nito, habang lumilipas ang mga panahon na pagkawala ni Paul, nawawala sa katinuan si Inna. Minsan nga dumadating pa yung mga oras na sinasaktan nito ang kanyang sarili gamit ang sariling katawan. Nagwawala, nakakasakit at di na siya makaya kahit ng kanyang mga magulang. Ito ang dahilan kung bakit siya dinala sa Mental Hospital. Masakit man para sa kanyang mga magulang ni Inna at ni Paul ang mga pangyayari, wala na lang silang ginawa kundi tanggapin ang nakalaan na tadhana para sa kanilang mga buhay.
Masaya na rin si Inna sapagkat natupad rin ni Inna at ni Paul ang kanilang pangako sa isa't isa na..
"BEST FRIEND FOREVER"
~THIS IS MY VERY FIRST STORY :)
~I HOPE YOU LIKED IT :)
~PLEASE VOTE ^_^