III. the Meeting

3 0 0
                                    


A/N: whaaaah! Atlast. After how many days or weeks na ata makakapag update na po ako. Busy lang po kasi sa school madaming dapat gawin at may periodical test pa kami kaya aral aral muna.haha.

Btw,
Ito na po.
Enjoy :)


*****

JOSEPH's POV

"Nasaktan kita. Oo. Pero gusto kong sa huli makahanap ka ng magpapasayo."

"Haha" pilit niyang tawa.
"Huh? MAGPAPASAYA pala?! Paano ko naman yun mahahanap eh kong ang taong nagpapasaya mismo sa akin ay siyang nang iwan! SO SA TINGIN MO SASAYA AKO? SH*T naman eh."

Umalis na siya -_-

Hindi ko na magawang magsalita pa. Nasasaktan nadin naman ako eh. Halos lahat ng salita na binibitawan niya parang tumutusok sa puso ko. Hindi alam kung bakit. Naawa na talaga ako kay Shey. Gusto ko siyang habulin at yakapin pero parang nastuck na yung mga paa ko.

"MAGSAMA KAYO NG BABAE MO! TOTAL MAMAMATAY NARIN NAMAN YUN!!!" What!?

Sigaw ni Shey ng nilingon niya ako. -_-

Pero dapat ba akong magalit sa sinabi niya? Nalungkot ako. Oo pero hindi magawang magalit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Tinitingnan ko nalang siya lumalayo sa akin. Ang babaeng MAHAL KO...

ALISON's POV

*Blag!

Napalakas ang pagsara ko ng pinto sa kwarto ko wala na akong pakialam kung magising sina mommy.

Napasandal ako sa headboard ng kama ko umiiyak na naman. Damn! Bakit ba ang weak ko ngayon? Lagi nalang akong umiiyak!

After 1 hour...

Umiiyak parin ako. ANg sakit na ng mata ko. Uhrg!

"Hindi to pwede! Tss." Pinahid ko na ang luha ko. Kailangan kong idivert sa iba ang atensyon ko sa iba!

Tawagan ko kaya Rachelle.
Riiiing.. riiiing.. riiiing
"Pick up the phone sis!"

Sa wakas. after how many years sinagot na niya ang tawag ko.

"Uhmmm. Hello Sis. Morning.." humikab pa sya. Kakagising lang ng bruha.

"Busy ka ba mamaya? Shopping tayo!"

"Ah-eh."

"No buts Rachelle."

"Eh nagtanong kapa eh nuh. Oo na po. Sasama na."

"Good. Sige Ill pick you there mga 9:30."

"Sure. Sige matutulog muna ako kahit sandali lang."

Kahit kailan talaga yung babaeng yun.

MALL

"Andami na nating nabili kumain na muna tayo sis." Yaya niya

"Fine. Gutom narin naman ako eh."

Nandito kami ngayon sa isang resto na favorite naming kainan.

Habang kumakain kami ay may nakakuha ng atensyon ko. Nakikita kasi dito sa loob ng resto ang mga tao sa labas at nandito pa kami nakapwesto malapit sa wall kaya kitang kita talaga namin.

Isang lalaki ang sinampal ng girlfriend niya ata.

Well, baka nalamang nagloloko ang boyfriend niya kaya ganun.haha. mabuti nga yan sa mga manloloko.

Ms. B.H. meets Mr. P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon