Pimple

261 3 0
                                    

Para talaga to kay Kristina kaya kahit pangit sana basahin niya pa rin. Hahaha! Thanks sa lahat!

I love you!

 

 

========================

 

 

Sarap siguro ng buhay pag may kasintahan ka?

Yung tipong may magtatanggol sayo pag kinakailangan?

Taong iintindi sayo...

Magpapasaya tuwing malungkot ka...

Instant bestfriend ika nga nila...

Instant kapatid na rin...

Pero paano kung CRUSH lang ang meron ka?

Paano na lang?

********

Ano kayang magiging resulta pag pinaghalo ko yung pangalan namin?

PAT?

Ang gwapo mo talaga Paulo! Guguho na siguro ang mundo at matutuloy na ang End of the world pag naging tayo.Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Wala namang masama sa pangangarap. Muli na namang pumunta sa ibang dimensiyon ang utak ko, ewan ko ba lagi na lang akong nangagarap ng mga walang kwentang bagay.

"Ano yan Trisha?" tanong ni Paulo sakin mula sa likuran. "Mukhang maganda ang ideya mo at kumikinang pa yang mga mata mo. May naisip ka na bang ideya para sa group project natin?" dagdag niya.

"Ah eh, wala pa Paulo", sabat ko. 

Nasa paaralan kami ngayon sa subject naming advertising. Kailangan namin gumawa ng commercial advertisement nang nabunot naming produkto. Pinagpaplanuhan kung ano ang magiging konsepto at kung ano ang gagawin ng bawat isa. Hindi ko lang maintindihan kung papanong may advertising sa curiculum namin e Accountancy naman kinukuha naming kurso. Akala ko compute dito at doon lang.

Siya si Paulo Cruz. Nangunguna sa klase at dean's lister pa! Hindi ko kayang makipag usap ng matagal sa kanya dahil naiilang ako. Ang guwapo niya kasi. Kaklase ko pa :3 pero sinadya ko yun. Hinanap ko talaga kung anong section siya mapupunta at sinundan siya. HAHA!

 *FLASHBACK*

Ang aga namin ni Joy sa campus ngayon dahil enrollment. Ang init init samantalang alas siyete pa lang ng umaga. Sadyang maraming estudyante ang nakikipagsiksikan para sa walang katapusan na pila na magaganap maya maya.

Kahapon ko pa nalaman kung ano ang mga maaring iskedyul para sa kurso ko pero hindi pa rin ako pumipila dahil may inaantay ako. Si Paulo. Madalas ko kasi makita tong nilalang na to last semester  at mukhang masayahin, ang sarap maging kasama, kaibiganin at mahalin. OKAY, daydreaming na naman. Walang katapusan, buti pa daydreaming ko walang hanggan. Ano daw? 

Namataan ko sa hindi kalayuan si Paulo na kalalabas lang sa isang silid sa bandang dulo ng katapat kong building. Dali dali ko namang hinila si Joy sa tabi ko ng walang paalam, hindi siya nagtanong kasi sinabi ko naman na kung ano talaga ang balak namin sa araw na to. Pasimple kung dinaanan tong Paulo na to na ngayon ay nakapila sa di pa gaano mahang pila. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon