Aliyah's Point of View
"Happy birthday ate kong magandaaaa!!!" Napasigaw ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko magawang samaan ng tingin si Alyzza dahil nasa likuran nya sina mama at papa na nakangiting nakatingin sa akin. Hawak hawak ni Alyzza ang isang maliit na cake kaya nawala bigla yung inis ko.
Kung nag-tataka kayo kong bakit ko nabanggit si papa. Simple lang dahil ang rupok rupok ng mama ko. Ayan nagkabalikan sila. Nag divorce naman si papa at nung asawa nya kasi nahuling may kajugjugang iba.
Ang matindi pa. Tuwang tuwa si papa kasi mag-hihiwalay na daw sila. Tch ibang klase.
"Ate blow na po candle" cute na sabi ni Laurence at nagpapakarga kay papa.
Napangiti nalang ako at tinapos suotin ang malaking jacket ko para Hindi nila makita ang suot ko. Napailing nalang ako at lumapit sa kanila.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang mag-wish..
'Sana makita kaming dalawa ng taong mahal ko.. kahit sa birthday ko lang..'
Pagkatapos kong mag-wish ay kaagad kong blinow ang candle at nakangiting bumaling sa kanila.
"24 na ako!" Masayang sambit ko sa kanila.
Mas lumapad ang ngiti nila. Niyakap ko silang lahat. "Thank you sa inyong lahat.." masayang sabi ko,
"Your welcome anak.." ani Papa.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at nag-puppy eyes sa mga magulang ko. "Mama, Papa. Club Bar po kami!" Ani ko.
Sabay silang natawa. "Go on. Magpakasaya ka sa birthday mo anak. Basta ba umuwi ka ng maaga ha?" Ani mama.
Tumango ako. "Opo" ani ko. Lumabas na muna si Alyzza at Papa. Naiwan naman kami ni mama.
Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo doon. Kapagkuwan ay kinuha ang heels ko at sinuot iyun.
"Hindi pa din kayo nag-kikita ni Yadier, anak?" Ang tanong ni mama ang nagpatigil sakin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at malungkot na ngumiti. "Hindi pa po" malungkot kong sagot at tinapos ang pag-suot ng heels ko.
I heard mama sighed. "Alam kong mahal nyo pa ang isat isa. Ang bagal lang kumilos ng tadhana pero nararamdaman kong magkikita kayo ngayon,." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni mama.
Binalewala ko iyun at kinuha ang black purse ko at nakangiting nilingon si mama. "Kung magkikita man po kami.. edi natupad na po yung wish ko" Napailing ako sa aking sinabi.
"Pano ba yan ma. Mauna na po ako! Bye bye" paalam ko kay mama at hinalikan sya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Foxy Girl (Aliyah Elyse)
Roman d'amourAttractive Girl's Epistolary #2 An Epistolary Novel Aliyah Elyse Rafal Baretto and Yadier Ashton Gravilla Started: March 4, 2021 Ended: March 12, 2021
