Sorry Late Valentines upload. Sino sa inyo ang na-bitter at nagtangkang manira ng date ng may date? Haha... Birthday ko na pala? Btw, Pagpasensyahan at i-enjoy nyo nalang. Haha XD
****
That Day [One-shot story]Property of:
©UnknownGirl_00*~*°*~*°*
Pssshh....
Yan agad ang naisip ko pagkapasok ko palang ng room namin.
Bakit?
Dahil may nakita akong di kaaya-aya sa loob.
Ano yun?
Dalawang hitad na naglalampungan, nagkekerengkingan, naghaharutan at naglalandian. In short, PDA.
Pero imbis na tumayo lang dun sa may harap ng pintuan, eh dumiretso na agad ako sa may upuan ko sa may dulo malapit sa bintana. Alangan namang tumayo lang ako dun habang pinapanood ko yung kaklase kong si Mharc at Laica na ang sweet sweet na para bang sakanila nanggagaling ang asukal ng buong Pilipinas. Ano ako tanga?
Medyo naasar na rin ako kasi pagkatapos namin sa 'batian portion' eh balik ulit sila sa activity nila, which I believe is 15 minutes ago. Yes, ganun na ako katagal na akong nagbibilang ng oras at nakahalumbaba pa sa armchair ko.
Arianne Ley Ramos.
Arianne for long, Ianne for short. Yan for shorter and A.L. kung tinatamad ka na talaga.
Admin ng Samahan ng mga Babaeng Loner sa Pag-ibig.Laking pasasalamat ko nalang ng magpaalam na si Laica kay Mharc kasi magsisimula na yung klase. Eh magkatabi lang naman yung room namin no? Kung nagtataka kayo, at nagtatanong kung nasaan yung iba naming mga kaklase ni Mharc, laging on-time yung mga yun. When I say on-time kung 12:30 ang pasok namin, dun sila dadating at eto pa ah, SAKTO LAGI ANG PASOK NILA. WALANG PALYA. O diba, hanep mga kaklase ko no?
"Mharc may assignment ka na ba sa Bio?" pagtatanong ko sakanya. Hehe, balak ko kasi sanang mangopya kung meron XD
"Bio? May assignment ba tayo dun?" balik tanong naman nya sakin. Ay magaling. Ako unang nagtanong, magtatanong din pabalik? Hanep.
"Eh diba may pinagawa nung isang araw. Meron ka ba?"
"Di pa nache-chekan yun, absent si Sir eh." sabi naman nya.
"Aahh..." tanging nasabi ko "Okay. Curious citizenship lang of the Planet Earth." sabi ko saka nagkibit-balikat.
Natandaan ko kasing meron na akong nakopyahan. Akala ko kasi nagbigay na naman ang teacher namin sa Biology na mahilig sa surprised quiz na talagang mabibigla ka kasi iba yung tanong sa sagot. Summative Test na hindi man lang lalampas sa lima yung may multiple choice o kung sinuswerte ka nga naman, minsan wala pa. At assignment! Jusko. Yung Assignment ni Sir. Justicia, talagang mapapatanong ka sa sarili mo ng "Nasaan ang hustisya dito, Sir?!". Kasi ang bawat assignment ni Sir, talagang madudugo ang utak mo. Pero tulad nga ng kasabihan ko sa sarili ko, 'Ano pang silbi ni Classmate kung hindi mo man lang nakokopyahan, nahihiraman o nauutusan?'. Pero oy! Mabait akong friendship, ginagawa ko lang yun every 5 times a week, 4 weeks a month and 10 months per school year XDHaaayy....
Wala na akong ibang magawa kundi ang bumuntong-hininga nalang ng pagkalalim-lalim habang pinapanuod mula dito yung mga taong akala mo eh Lovers in Paris ang tema ng lovelife.
"Ano ba yan Yan, parang di ka na nasanay. 15 years of existence na walang love ang life mo. Makapag-inarte ka, kala mo kaka-ire lang sayo ng nanay mo kahapon." singhal ko sa sarili ko habang inggit na inggit sa mag-syotang nagsusubuan ng ice cream sa ilalim ng bantayog ni Rizal.