Chapter 22
______"Congratulations Mrs. You are five weeks pregnant."
Bumilis ang tibok nang puso niya nang marinig ang sinabi nang doktor. Napatingin siya sa asawa niya nang hindi niya marinig ang boses nito.
Nakita niya itong tulala. Hindi pa ata nagsisink in sa utak nito ang narinig.
Ilang sandali pa ay nakita niya ang pagpatak nang luha sa mata nito at ang pagngiti nito.
"Shit. I'm gonna be a father. Oh good gracious." anas nito.
Tumingin ito sa kaniya at impit siyang napatili nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit.
"I will be a father soon hon. Oh god thank you. I love you so much.." isiniksik nito ang ulo sa leeg niya.
Natawa siya sa reaksiyon nito. Para itong bata na nabigyan nang Candy. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksiyon nang asawa.
Maging siya man ay nagulat sa balita pero kahit papaano ay nararamdaman din naman niya ito.
"I love you too.." ani niya.
Sa wakas magiging isang pamilya na din sila. Hindi na siya makapaghintay pa.
May mga sinabi pa ang Doctor na kailangan nilang gawin bago ito nagpaalam dahil may susunod pa daw itong pasyente.
"Wait for me here Hon. I'll just get the car." tumango siya sa asawa.
Nagmamadali itong umalis. Iniwan siya nito sa tapat nang Entrance kagaya nang sinabi nito.
Nang malaman nitong buntis siya ay daig niya pa ang may disability kung itrato nito. Todo alalay ito sa kaniya at ngayon nga ay pinaghihintay na lang siya nito sa harap nang hospital para hindi na siya mapagod. Napaka over acting nito at hindi na siya magtataka pa kung mas lalala ito sa mga darating pang buwan.
Habang naghihintay sa pagdating nang asawa ay biglang nag ring ang phone niya. Nagtaka siya nang makitang ang Mommy Lea niya ang tumatawag pero napangiti siya nang maisip ang magandang balitang ibibigay nila ni Phoenix sa mga ito.
Alam niyang sabik na ang mga ito magkaapo.
"Hello Mommy?" bungad niya dito.
"Xiarra Iha? Magtatagal pa ba kayo ni Phoenix? Hindi namin kayo naabutan kanina dito sa bahay ang sabi nang mga kasambahay ay baka daw may date kayo. Pwede bang umuwi kayo nang maaga ngayon Iha? May importante lang akong sasabihin sayo." kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Bakas sa boses nang Mommy Lea niya ang kaba na siyang ipinatataka niya.
"Actually pauwi na din po kami Mommy. Mamaya lang po nasa bahay na kami." ani niya.
Sinabi nitong hihintayin sila nito bago ito nagpaalam.
Hinanap nang mga mata niya ang asawa. Wala pa din ito.
"Xiarra?"
Napatingin siya sa gilid niya nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya nang pamilyar na boses.
Nanlaki ang mga mata niya at wala sa loob na naihakbang ang mga paa palapit sa isang taong naging mahalagang parte din nang buhay niya.
"Lawrence..."
Nagmamadaling lumapit ito sa kaniya at nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong yakapin.
"Oh god. I miss you.." ani nito.
BINABASA MO ANG
Owned By Him
RandomSabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man who has a traits like that fall in love. What can a heartless man do in order to get his possession. Phoenix Herrera doesn't care of the word...