Simula

8 0 0
                                    

Disclaimer: This is work of fiction, names, characters, business, place, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or died, or actual events is purely coincidential.

"A-Anong nangyayare, M-Ma?" kunot noo kung tanong pagkapasok ko pa lang ng bahay galing skuwela. "Ate?" Lingon ko kay ate na naiiyak din. "Si Papa, Ate." Sabi ng bunso naming kapatid, naiiyak din. "S-Sinuntok si Mama." Dagdag niya at niyakap ito ni mama.

Nakakunot pa din ang mukha ko at naluluha na din. Naging tahimik ang paligid at huminto na din sila sa kakaiyak ngunit naluluha pa din. "Uuwe tayo ng probinsya!" Ani Mama sabay ayus ng sarili at pumonta ng kwarto nila ni Papa.

Sa probinsya kami ng ate ko nagtapus ng elementarya. Dinala na kami ni Papa sa Maynila noong na promote siya sa kaniyang pinagtatrabahoan bilang manager at ang aking ina ay dito na din nag-apply bilang guro.

Nang makalabas siya bitbit ang isang maleta ay nagkakatinginan kaming tatlo nina Ate at Mama. "Hindi kayo sasama sa akin?" Matapang na tanong ni Mama. "Sasama ako, Mama." Sabi ng bunso naming kapatid. "Of course baby! Hindi ako papayag na iwanan ka dito." Naiiyak na ani Mama sa bunso namin.

"So, hahayaan mong hindi kami sasama sayo, Ma?" Si ate. "Gusto kung sumama kayo sa akin ngunit anong magagawa ko kung ayaw niyo? Alam kung ayaw mo Kira." Ani Mama sabay tingin sa akin na para bang nagtatanong ang mukha.

"Sasama ako, Ma." Sabi ko sabay punta ng kwarto ko para magligpit ng mga damit. Nang natapus na ako ay agad akong lumabas. "Hindi ako sasama." Tulalang ani Ate na sa sahig nakatingin.

Si Ate Kira ang pinakaclose ng Papa namin kaya alam kung hindi niya makakayang iwanan si Papa. Gano'n din ako ngunit ang malaman ko na sinuntok ni Papa si Mama ay talagang galit ang unang mararamdaman ko sa aking Ama.

Naiyak si Mama ng sabihin iyon ni Ate kaya nahawa ako. "Ikaw 'yong nakakita at mas nakakaalam sa nangyayare ngayon sa amin ng Papa niyo, Kira. Hindi pa ba sapat iyon para maniwala ka sa mga hinala ko sa Papa niyo?" Nahihirapan si Mama, ramdam ko iyon. "Ate, kung ano man ang nangyare ay hindi makatuwirang suntokin ni Papa si Mama." Sabi ko.
"Alam ko." Sagot ng Ate ko. "Pero hindi iyon sinasadya ni Papa dahil galit siya sa mga paratang ni Mama na hindi naman totoo." Dagdag niya.

"Pero nasaktan niya si Mama."

"Dahil nga nagagalit siya sa pagiging selosa ni Mama!" Sigaw ng Ate ko.

"Totoo lahat iyon!" Ani Mama.

"Wala kang ebidinsya, Ma! Kaya tayo humantong sa ganito dahil sa kakaisip mo ng subra! Nagiging mesirable ang buhay natin dahil sayo, Ma! Puro ka bentang, puro ka hinala! Hindi naman totoo!" sigaw ni Ate kay Mama.

"Huwag mong sigawan ang Mama Ate! Hindi porke ikaw ang paborito ni Papa ay hindi mo na tatanawin ang pagkakamali ni Papa!" Galit na ding sigaw ko.

"Ayun! Lumabas din ang pagkainggit mo! At ano bang alam mo? Dyan ka magaling sa pakikisawsaw at pagiging plastic!"

"Kahit kailan ay hindi ako nainggit sayo, Ate. Dahil alam kung kapatid kita. Isa pa ay karapatan kung malaman ang nagyayare sa pamilyang ito dahil anak at kapatid niyo ako!"

"Tama na iyan, Riah. Pabayaan mo ang Ate mo at tayo'y babalik ng probinsya." Naiiyak pa ding sabi ng Mama ko.

"Gawin niyo ang gusto niyo! Huwag lang kayong magsisi at umuwe dito!" Sigaw ng Ate ko.

Alas syete na ng makarating kami ng probinsya. Gulat na gulat sina Lolo, Lola, at Tita sa biglaang pagpunta namin dito at may dala pang maleta.

Nasa hapag pa rin sina Mama ng matapus kaming kumain habang ako ay nasa kusina upang maghugas ng pinagkainan. "Ano bang nangyare, Ate?" Maya maya'y binasag ni Tita ang katahimikan sa pagitan nila sa tanong na iyon.

Pangako LamangWhere stories live. Discover now