The next day I went in our school, hindi na ako sumabay kay Tita at sinabi ko na din na huwag na niya akong sundohin. Buti naman at pumayag.
Habang nasa hallway ako, lumalakad. Nakita ko si Mark na paika-ikang naglalakad habang naka headset. "Mark!" Tawag ko sa kaniya. Huminto siya sa paglalakad at inalis ang nakatakip sa taeng niya at hinintay ako. "Sabay tayo mamaya mag lunch break ah?" Aniya ng magsimula na kaming maglakad. "Sure! Kahapon, pinagsisihan kong hindi ako pumayag sayo." Nakangusong pag-amin ko sa kaniya. "Nakita ko, kina Zach ka sumama." Aniya. "Siya lang kilala ko at si Jellian dito." Sabi ko.
Natigil na ang pag-uusap namin ng papasok na kami ng room. wala pa ang apat kaya tumabi muna sa akin si Mark. "Sa UP ka no'ng first semester diba?" Tanong niya sa akin ng tumabi siya. "Oo." Sagot ko. "Nakaka curious ang skuwelahang iyan. Ang ganda siguro." Aniya na hindi pa rin ako makapaniwalang bakla talaga siya. Pormal siya magsalita, hindi malamya.
"Oo, maganda talaga ang UP. Ang layo ng kaibahan dito pero maganda pa rin itong unibersidad." Sabi ko. "Ang pamamaraan ng pag-aaral doon, subrang strict ba?" Tanong niya ulit. Makikita mo sa mukha niya ang koryusidad. "Hindi naman. There's some professor na hindi masyado mahigpit pero tambakan ng activities at requirements. Meron namang mga terror as in kaunti na lang ay hindi ka na papatulogin sa gabi." Kuwento ko sa kaniya. "Kaya ang tatalino ng mga studyante doon." Sabi niya.
Natigil ang pag-uusap namin ng pumasok ang apat at kasunod nun ang professor namin kaya bumalik na si Mark sa upoan niya. "Nanliligaw ba iyon sayo?" Tanong sa akin ni Jay ng maka-upo na. "Si Mark? Hindi, nakikipag-kaibigan lang." Sagot ko.
Wala nga talagang nakaka-alam na gay siya.
Binaling ko na ang atensyon ko sa professor naming nag didiscuss. Minsan nagtatanong siya kaya kapag alam ko ay sumasagot ako. Napapasulyap din ako kay Zach pag sumasagot siya. Halos lahat ng tanong ng professor namin ay kami lang dalawa ang sumasagot.
Nang magdismiss na ang professor namin ay sumonod naman agad ang next professor hanggang sa lunch break na. Pero pumasok ang professor namin na dapat ay pagkatapus ng lunch break pa kaya lahat ay nagtaka.
"I just want to inform you all that our class will be hilled at library. That's all thank you!" Aniya at umalis na, na para bang sumilip lang sa aming classroom. Nakahinga ng maluwag ang mga classmate ko ng iyon lang pala ang sasabihin niya. Ang akala ng karamihan ay magkaklase kami sa kaniya.
"Hayst! Akala ko hindi na tayo makakapag lunch break." Saad ni Mark ng makalapit siya sa akin. "Kaya nga." Sang-ayon ko. "Sa amin ka ulit makikisabay, Riah." Alok ni Jay. Nagulat ako. Ang akala ko ay hindi na niya ako pagsabihan ng gano'n. "K-Kay Mark na lang." Sabi ko. "Why? Jellian was there naman." Pagpapakumbinsi ni Zach na ikinagulat ko pa lalo pero hindi ko pinahalata. "Ahh.. pakisabi na lang sa kaniya. May kasama na ako at makikita niya din naman na ako doon." Sagot ko. "Okay." Aniya at lumabas na sila.
"May gusto ba sayo si Zach?" Tanong ni Mark na ikinalaki ng mata ko. "What? Wala, may girlfriend iyon." Sabi ko. "Iyon na nga e. Ano bang relasyon niyo? Relatives?" Tanong niya. "Hindi, kababata ko siya." Sagot ko. "Ahh.. Kaya pala." nakangising aniya. "What?" Kunot noo kong tanong. "Wala!" Aniya at natatawa na.
Weird ng baklang 'to!
"Dito tayo." Aniya ng makarating na kami ng canteen. Nilagay lang namin ang mga gamit namin bago namili ng makakain. Hindi naman kami nagtagal at nakabalik na kami ng table namin.
"Riah!" Hindi pa man ako nakakaupo ay dinig ko na ang boses ni Jellian. "Bakit hindi ka sumabay kina Zach?" Tanong niya sabay sulyap sa mga kasama kaya napasulyap na din ako. Agad kong binawi ang tingin ko ng magtagpo ang mga mata namin ni Zach.
YOU ARE READING
Pangako Lamang
General FictionSi Zach at si Riah ay magkaibigan na simula pa noong bata pa sila. Bago pa man sila nagkahiwalay ay umamin sila sa isa't isa na meron silang nararamdaman sa isa't isa. Doon ay nabuo nila ang kanilang pangako sa isa't isa. "Kung sana'y hindi Pangako...